Sunday. 5:36 am. Nandito kami ni Joshua sa loob ng bus papuntang Antipolo. Oo, sinamahan niya ako papunta sa Antipolo.
"Bakit ka nanaman umiyak?" tanong niya sa akin. Pang-ilang tanong na niyan.
"Alam mo na kung bakit, Joshua."
"Dahil nanamandun sa boyfriend mo. Eh ano ba itsura nun? Bakit sobrang attached na attached ka sa kanya?"
"Kamukha niya si..." Sino ba yung kamukha niya? "Yung nasa Diary ng Panget. Sino uli yun?"
"Si James Reid? Di nga? Ang pogi kaya nun!"
"Pogi naman yung ex ko ah!"
Mukhang hindi pa makapaniwala si Joshua. Pogi naman talaga yung ex ko ah! Kamukha niya si James Reid!
"Patunayan mo nga! Meron ka bang ebidensya?" tanong niya. Hindi talaga siya makapaniwala! Grabe lang ah. Sinamaan ko yung tingin ko sa kanya. Kinuha ko yung phone ko. "Teka lang, eto oh!" Pinakita ko sa kanya yung picture naming dalawa.
"Hindi naman eh! Ang layo-layo kaya!" sabi ni Joshua na pilit na tumatawa.
"Psh. Grabe ka naman! Kuhang-kuha niya kaya yung ngiti ni James Reid! Tingnan mo oh!"
"Sigurado bang yung ngiti yung kuhang-kuha? Baka yung ngipin lang, diba?" sabi niya. "Tingnan mo naman ako, diba mas pogi ako kesa sa kanya, diba?"
"Oy wag mo ngang ikumpara yung sarili mo sa ex ko. May pogi kaya siya."
"Eh bakit mo ba pinagtatanggol yung ex mo? Pinagpalit ka nga niya sa hipon, diba?"
"Edi mas pogi ka na sa kanya. Siya na panget."
Tumigil na yung bus. Nasa Antipolo na yata kami.
"Halika na nga. Kain na tayo," sabi ni Joshua sabay tayo.
Kumpara sa normal na araw, parang ang dami naman yatang tao ngayon. Siguro dahil linggo ngayon. Madami sigurong pupunta sa Antipolo Church. Papalapit na rin kasi yung Holy Week. Pumasok kami sa loob ng isang mamihan. Umupo ako at bumalik naman si Joshua.
Walang nagsasalita sa amin. Noong dumating naman yung pagkain, doon lang uli kami nagkatinginan. Ngumiti naman siya sa akin. Ang pogi pala niya. Hindi man niya kasing pogi si James Reid or Daniel Padilla, may itsura naman siya. Yung aura niya parang kay Ruru Madrid! Tapos may anggulo siyang parang si Elmo Magalona. Pogi niya!
"Baka naman matunaw ako niyan," sabi niya. Nakatitig na pala ako sa kanya. Nilayo ko naman yung tingin ko sa kanya. "Bakit mo nga pala naisipang pumunta ng Antipolo?"
"Ahh wala. Gusto ko lang lumayo sa Maynila. Masyado na kasing magulo yung buhay ko eh. Alam mo yun, yung parang wala na akong space doon? Yung gusto ko lang naman, bumalik na ako sa buhay niya. Ang sabi niya sa akin, sa akin lang umiikot yung mundo niya, pero ngayon, nakahanap na siya ng iba."
"Ganyan talaga yung buhay. Parang sa jip, kahit puno na, may isa pa ring taong ipag-sisiksikan ang sarili nilang sumabit. Ganyan din sa pag-ibig. Pinag-sisiksikan mo yung sarili mo dahil ayaw mong mapag-iwanan. Pero Rebecca. Ang buhay, hindi yan parang jip. Wag mo nang ipag-siksikan yung sarili mo sa buhay ng ex mo dahil iniwan ka na niya. Wala na siyang gusto sayo."
Nasampal ko na lang siya. Hindi ko na kaya. Alam ko namang ako rin yung mali. Bakit ko pa ba ipag-sisiksikan yung sarili ko sa buhay niya eh ayaw na nga niya ako. Pinalitan niya ako. Siguro, sobrang mahal ko pa rin siya. Sobrang mahal ko pa rin siya na marinig ko lang na may magsabi na hindi na niya ako gusto, nasasaktan ako. Yung pinaglalaban ko pa rin siya kahit na wala na siyang nararamdaman para sa akin. Minahal ko eh. Tumayo ako at kinuha ko na yung bag ko at naglakad ako papalabas ng kainan, pero pinigilan ako ni Joshua.
Hinawakan niya yung kamay ko. Hinarap niya ako sa kanya at niyakap ako. Doon ko na lang nilabas lahat ng emosyon ko. Iniyak ko na lang lahat ng sakit. Ang sakit sakit.
"Sorry," sabi ni Joshua ng pa-ulit ulit. Lalo niya akong pinaiiyak eh. "Halika na nga. Punta na tayo sa church."
BINABASA MO ANG
That Thing Called Tadhana
Fanfiction"Sabi nga ng iba, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan." Fan fiction || March, 26, 2015//completed