A

140 5 1
                                    


Naglalakad na kami papunta sa condo ko. Ang sabi ko, wag na niya akong ihatid pauwi kasi sobrang gabi na, pero nagpumilit pa rin siya. Malapit lang din naman daw yung bahay niya dito. Gusto raw niyang masigurado na safe akong makakauwi.


Kahit sandali pa lang ang oras mula nang makilala ko siya, feeling ko, kilalang-kilala na namin yung isa't isa. Feeling ko, sobrang tagal na naming magka-kilala. Feeling ko, may ibang feelings na ako towards him.

Hindi niya kasi ako iniwan noong time na kailangan ko ng kausap. Bigla na lang siyang susulpot sa kung saan tapos pag-uusapan namin  yung problema ko tapos bibigyan niya ako ng hugot lines niya. Tinulungan din niya ako na makapag-move on.

Nakilala kita sa di ko inaasahang pagkakataon
Nakakabigla, para bang sinadya at tinakda nang panahon
Dun na agad ako nahulog nang hindi napapansin
Pero tadhana ko'y mukhang di tayo pagtatagpuin

Noong nasa harap na kami ng pinto ng condo ko ay napatigil kaming dalawa. Binuksan ko yung pinto tsaka ko naman siya hinarap. Bigla naman niya akong niyakap. Sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin, nararamdaman ko na yung tibok ng puso niya. Ang bilis.

"Salamat sa pag-sama mo sa akin sa Antipolo ah," sabi ko. Lalo naman niyang hinigpitan yung pagkakayakap niya sa akin.


Kumalas na siya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. "Ok lang yun, malakas ka naman sa akin eh."

Napalingon kami sa lalaking nasa tapat ng condo ko. Yung ex ko. May dala-dala siyang flowers at chocolates. Naka-harap siya sa amin.


"Hi, Becca. Eto, para sayo," sabi niya sabay abot ng flowers at chocolates. Tinanggap ko naman iyon tapos nginitian ko na lang siya.

"Ako si Joshua. Kaibigan ni Rebecca," sabi ni Joshua sabay abot ng kamay. Tinanggap naman ito ng ex ko.


"Miguel," tipid na sagot ng ex ko.


"Mukhang may pag-uusapan pa kayo. Mauuna na ako. Sige Rebecca, kita sa lang tayo sa school," sabi ni Joshua.


Mukhang magsasalita pa si Miguel pero inunahan ko na siya. "Naku, Joshua! Wala kaming pag-uusapan, diba Miguel?"


"Ahm. Oo. Sige, pasok na ako," sabi ni Miguel sabay pasok ng condo niya.

Nagulat naman yata si Joshua sa mga pangyayari. Nag-iba naman yung ekspresyon ng mukha niya. Mukhang masaya siya.


"Nakapag-move on ka na, Rebecca," masaya niyang sinabi sa akin. Ginulo pa yung buhok ko eh.

"Ikaw yung tumulong sa akin eh. Oo nga pala! Pwede ko bang mahingi yung number mo?" tanong ko.


"Oo naman," inabot ko sa kanya yung phone ko. Inabot naman niya sa akin yung phone niya. Sinave ko na rin sa phone niya yung number ko. "I-text o tawagan mo na lang ako kung kailangan mo ng kausap."


"Sige, salamat! Good night! See you tomorrow."


"See you tomorrow, ganda," sabi niya.

That Thing Called TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon