2

29 5 0
                                    

Reminder: Mga nangyayari dito sa librong ito ay hindi nangyayari sa totoong buhay

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Nagising na naman ako dahil sa malakas na tunog galing sa speaker ni krystal

Umupo ako at nakitang nag lalagay ng make up si krystal sa vanity area ko

"Hoy! May sarili kang vanity area pero bat ka dyan nag lalagay ng make up mo? At bakit ka lakas naman ng speaker mo? I swear yung mga kapitbahay ay susugu—" binato ako ng liptint "—aray haup ka talaga"

"Bakit ang daldal mo ngayon? May nangyari bang masama?" sabi niya at tinignan ako

"Wala naman nangyari siguro kaya ako ganto dahil ang lakas ng speaker mo"

Hindi na siya sumagot at pinatuloy ang kaniyang ginagawa

"Sus kung maka make up wagas, iiwanan ka rin niyang jowa mo. Walang forever"

Tinawanan lamang ako nito at biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"Atleast nagka jowa ako eh ikaw, wala kang jowa since birth"

Binato ko to ng unan at sabay sabing "Aray ah, ang panget mo talaga kabonding kahit kailan"

-

Ni-lock ko na yung pinto at naglakad palabas

Naghihintay ulit ako ng kotse na masasakyan ko

Habang naghihintay ako ay may humintong sasakyan sa harap ko at binaba nito ang binta

"Tara na sakay na baka mapagalitan pa kami ni stell pag di ka namin sinabay" sabi ni josh sabay turo sa likod na pinto

Nasa loob na ako ng sasakayan at nag simula na mag drive si josh

"At bakit naman magagalit si stell? Napagalitan ba kayo? Kailan?"

"Ang dami mong ebas, y/n" sabi ni ken habang nanonood ng anime sa phone niya

|ebas=sabe, binaliktad lang na word|

"Aba'y sorry na, nagaalala lang sa inyo"

Tinignan ako ni josh sa likod at binalik ang tingim sa daan "Alam mo, yung mga kilos ng lalaki sayo ay di mo napapansin kung ano ang ibig sabihin non" sabi sakin ni josh

"Huh? Di ko kayo gets. Mag drive ka na nga lang diyan, mag-ingat ah"

-

"Boys! Pahinga muna kayo at may dala akong pagkain para sa inyo" sabi ko inilapag ang dala-dala ko sa lamesa

Agad namang nagsipuntahan ang mga yon sa lamesa at umupo, umupo na rin ako sa tabi ni ken

Kukuha na dapat si ken ng pagkain ngunit hinampas ko ang kamay nito, "Mag dadasal muna tayo oy"

Pagkatapos naming magdasal ay nagsimula na sila kumuha ng pagkain

We are peacefully eating when they start to ask me different questions

"Kailan yung show namin?"

"May pasok ba bukas?"

"Anong may pasok bukas HAHAHA syempre may pasok tayo ken"

"Ang dami mo namang dalang pagkain sa amin, keep it up HAHAHAH"

"Kumain na nga lang kayo"

Humarap sakin si ken at sinabing "Parang ayaw kong pumasok buka—" di ko na pinatapos ang pagsasalita niya dahil sinubo ko na yung kinuha kong manok sa kanya

-

Kanina pa sila nag papractice ng sayaw at wala pa silang pahinga

"Hoy! Magpahinga muna kayo, nanghihingalo na kayo dyan" at bigla namang humiga ang apat sa sahig at si stell ay nagpatuloy

"Stell pahinga ka muna at mamaya na yan"

He continues dancing

"Stell please pahinga ka muna"

He doesn't listen

"Stell!! Wag mo namang pagudin sarili mo"

He doesn't look at me even once

"Hoy! Ano ba parang di mo ako naririni—" tumayo na ako at papunta na sa kanya para patigilin ito ngunit ito ay lumayo at lumabas "—pota ano ba nangyayari don?"

"Sundan mo baka stress lang yon dahil sa bagong choreography namin" sabi ni josh

-

"Stel—ay hello ate" sabi ko at kinawayan siya, "hello den bakit mo hinahanap si stell?"

"Kasi po nag walkout po siya habang nagppractice, Di ko po alam ang dahilan kaya sinundan ko palabas"

"Ah ganon ba, nandon siya sa parking lot at nasaan si pablo?"

"Ay nasa loob ate pinatigil ko muna sa pagpractice dahil napapagod na sila"

"Ah sige, hanapin mo na si stell at papasok na ako" sabay ngiti sakin and she pat my back as a sign na kaya ko to

Hinintay ko pumasok si ate habang nakangiti at sinabi sa isip ko 'sana ol may jowa', tinawanan ko lang ang aking iniisip at nag patuloy hanapin si stell

-

Nandito na ako sa parking lot at hindi ko pa din nahahanap si stell hanggang sa may narinig akong naiyak at ito ay pinuntahan ko

Nakita ko si stell na naka upo sa sahig yakap yakap ang kaniyang mga binti habang nakayuko

"Stell? Ako to si y/n, bat ka ba lumabas?" I slowly sat down beside him but of course there's space between us

He slowly lift his head to look at me with his teary eyes

"Okay lang naman kung ayaw mong sabihin saakin I understa—"I was cut off, "Hindi ko na alam ang gagawin ko, y/n"

"Bakit mo naman na isip na hindi mo na kaya? Stell, kaya mo yan and I believe you ang dami mo na kayang nagawang choreography before. Hinay-hinay lang sa pag-iisip ng ganyan dahil di talaga nakakatulong yung pag-iisip na yan" I slowly lift my hands to wipe his tears away while talking

I slowly close the gap between us and sit properly, I slowly bring his head down and rest it on my shoulders and my arms around him,"Shh, iiyak mo lang yan pero alam kong kakayanin mo yan stell"

Tinignan ko siya at naka tingin na agad siya sa akin, "Syempre isang vester yan eh Hahaha" I smile at him and mess his hair

"Kakantahan na lang kita gusto mo? Hm?", tumango na lang ito sa akin, "tigil na ang pag-iyak kakanta na nga ako eh dapat happy ka" sabay punas ng luha niya

-

'Wag mong ikunot ang iyong noo
Nariyan ang kaibigan mo (ay, yay, yay, yay, yay)
Upang samahan ka sa malungkot
Na panahon at masiyahan (all right)
Tumingin ka sa paligid mo
Kaming lahat nandirito (ay, yay, yay, yay, yay)
Hinding-hindi ka na mag-iisa
Kami ay kaibigan mo (alright)

~Wag mong ikunot ang iyong noo by sb19

-

Patapos na ako kumanta nang biglang tumawa si stell

Tumayo ako at nagpamewang habang nakatingin dito "At bakit ka tumawa? Di ko tuloy natapos yung kanta"

"Bakit naman kasi yan ang kinanta mo sa daming pwedeng kantahin yan pa ang napili mo Hahahah" tumatawa siya habang pinupunasan ang luha niya

"Bahala ka na nga diyan" umalis na ako at pumunta na sa loob ng kompanya pero narinig ko ang sigaw nito sa akin and I laugh when I heard him say "Hoy!! Wag mo kong iwan dito!! Hoy, wait mo ako!?", at nung narinig ko na tumatakbo na siya ay tumakbo na rin ako habang nakangiti

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sana na iintindihan niyo kung sino ang nag sasalita kahit na wala akong nilalagay Hahahah

Pasensya na kung may typo sa libro

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

1134 words

One and onlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon