18

12 4 0
                                    

Reminder: Mga nangyayari dito sa librong ito ay hindi nangyayari sa totoong buhay

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Naglalakad na kami ngayon ni ken sa park at medyo nangunguna siya saken dahil naka pantulog pa ako

Actually late na akong nagising kaya I have no time to change that's why na pilitan ako na itong pantulog ko ang isuot ko

Pagkagising ko ay tinignan ko yung orasan at nung nakita ko na yung oras ay bigla akong napabangon at nagsuklay ng buhok at umalis na ako

Kaya naka ganto ako ngayon at siguro nahihiya sakin si ken hahah

"Hoy! Hintayin mo naman ako!?" sabi ko habang binibilisan ang lakad ko

Hindi niya ako tinignan at di siya tumigil kakalakad

"Hoy hayop na yan! Ikaw nagyaya sakin tas iiwanan mo lang ako? Di ganon ang bonding"

Nang napantayan ko na yung bilis ng paglalakad niya ay nagsalita ito, "Bakit ba kasi di ka nagbihis?"

"Di ba nga sinabi ko na sayo na late ako nagising kaya ganto itsura ko dapat nga di na ako sasama sayo eh"

Binagalan na niya yung lakad, "Nagpuyat ka ba? Bakit late kayong nagising?"

"Nag-chat pa kasi si stell kagabi kung ano ang mga ginawa nila kahapon at nag send pa nga siya ng mga picture—" kinuha ko ang phone ko at ipinakita ang mga picture "—ang ganda ng tanawin noh?"

"Sus nagagandahan ka lang sa katawan ni josh eh" sabi niya habang sakto ang pag labas ng pic ni josh

"Eto—" pinalo ko yung braso niya "—kung ano-ano mga pinagsasabi yung view kasi"

Napansin ko na naglalakad pa rin kami habang tinitignan ang mga picture, "Upo muna kayo tayo doon sa bench baka mabangga pa tayo ng bike"

Habang palakad kami sa upuan ay may isang babae na nagtanong, "Kayo po ba si ken ng sb19?"

Lumayo ako ng konti kay ken at sinagot niya si ate, "Opo"

"Pwede bang papicture?"

"Sige po"

Hinihintay ko silang matapos mag picture

Pagkatapos nilang magpicture ay nagpasalamat si ate at umalis na din habang kaming dalawa ay patungo pa din sa bench

Nang makarating sa kami at umupo na kami at tinignan ulit ang mga picture

"Naubos kaya nila yan?" sabi ni ken habang tinitignan ang picture na may pagkain

"Sabi ni stell di daw nila naubos pero kokonti na lang daw ang natitira"

"Bat ang daming picture ni stell?"

"Ewan sinend niya lang yan sakin"

Napabalik kami sa picture ni josh, "Actually di ko alam na ganto na pala katawan ni josh" sabi ko

"Anong di mo alam? Halos nakikita mo kaming nagbibihi—"

"Ay jusko parang maling pakinggan yang sasabihin mo ah Hahahah"

"Sus pero totoo naman ah?"

"For your information di po ako natingin kapag nagbibibis kayo dahil baka uncomfortable kayo noh"

"Ang tagal na nating magkasama y/n halos kilala mo na kami ng buo"

"Malay ko ba na baka di kayo komportable"

"Ang nice mo pala"

Napatingin ako kay ken, "Wow ah Hahahah parang ang sama-sama ko sa inyo ah"

"Ito naman di mabiro Hahahah"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One and onlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon