16

5 2 0
                                    

Reminder: Mga nangyayari dito sa librong ito ay hindi nangyayari sa totoong buhay

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Nagising ako dahil naramdaman ko na basa ang hinihigaan ko kaya bumangon ako at nakita ko si krystal na may hawak na tabo

Napatingin ako sa kama ko at sa kanya, "Ano ginagawa mo? May kailangan ka ba?"

"Binuhusan na kita nang tubig pero di ka pa din nagigising, anong klaseng tulog yon?"

"Mahimbing ang tulog ko at bakit mo naisipan na buhusan ako ng tubig? May topak na ba ngayon?"

"Kanina pa kita tinatawag pero di ka nasagot, kanina ko pa inaalog ang hita mo pero di ka nakibo kaya naisipan kong na buhusan ka"

Tumayo na ako sa kama at tinutok ang electric fan sa may basa

Kinuha ko ang damit ko sa kabinet at dumeretso sa cr, "Maliligo na ako at mag ggrocery pa ako para sa alaga ko"

Bago ako makapasok ng tuluyan sa cr ay narinig ko si krystal na nagtatanong "Sino yung alaga mo?!"

Tumawa na lang ako nang mahina at sinaraduhan ko na yung pinto

-

Nagluluto ako ng breakfast namin habang si krystal ay kausap ang kanyang boyfriend

Habang nagluluto ako ay naririnig ko silang nag-uusap tungkol sa sinabi ko sa kanila kahapon

Kung natatanong niyo kung bakit ko rinig si kenneth dahil ang lakas ng volume ni krystal

"Sa tingin mo sinong boy group yon?"

"Wala nga akong maisip eh"

"Uy alam mo ba na may balita na ang sb19 ay nasa siargao?"

"Oo at di daw kasama si ken?"

Biglang huminto ang pag-uusap nila at ako ay medyo kinabahan pero makalipas ang ilang minuto ay nag-usap ulit sila

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?"

"Ano ba yang nasa isip mo—omaygahd! Don't tell me.. "

"Kung ano man yang nasa isip ko krystal yon din nasa isip ko"

"Don't tell me na manager ng sb19 ay si y/n??"

"Kung iisipin mo tugma ang mga pinagsasabi ni y/n kagabi sa atin"

"Paano kung coincidence lang ang lahat ng ito?"

"Paano magiging coincidence ang lahat ng to eh tugmang tugma ang mga kwento niya sa atin kahapon?"

"We really can't jump right into it, right? We still need proof na siya nga ang manager nila"

"Parang nagiging detectives na tayo ah Hahahah"

Pumunta na ako sa dining table at inilapag ang mga pagkaing niluto ko

Umupo ako sa harap ng krystal, "Ano pinag-uusapan niyo?" sabi ko sabay kuha ng pancake

"Alam mo na, nag mmarites lang kami dito"

"Anong chismis naman yan? Pwedeng pa share?"

Isinubo ko ang pancake na kinuha ko at bigla akong tinanong niya krystal "Alam mo bang nasa siargao ang sb19 except kay ken?"

Umiling na lang ako dahil nanguya ako

"Di mo alam?"

Tinapos ko ang nasa bibig ko at sinagot siya "Hindi ko alam at saan mo naman nahagip yan?"

"Sa twitter—" inabot sakin ang cellphone niya at nakita ko ang mga pictures ng boys sa airport

Ibinalik ko ang cell phone, "Ah baka may gagawin sila kaya sila nasa siargao?" sabi ko na parang hindi sigurado para di ako halata

One and onlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon