11

9 3 0
                                    

Reminder: Mga nangyayari dito sa librong ito ay hindi nangyayari sa totoong buhay

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

[Christmas day]

Umuwi ako sa amin sa Las Piñas para mag celebrate my Christmas with my family

Sa batangas ako nag nursery pero lumipat kami sa Las Piñas at dito na kami nanirahan

Halos lahat sila ay umuwi sa mga mahal nila sa buhay para mag celebrate

Dapat sa tagaytay kami mag ccelebrate kaso di ko na naasikaso ang hotel kaya dito muna kami sa bahay

Tinutulungan kong mag luto ang aking nanay para sa noche buena namin mamaya

Kukuhain ko na sana yung peanut butter kaso may nag doorbell kaya kinalimutan ko yung kukunin ko at nagtungo sa pinto

At nakita ko si stell na naka ngiti sakin sabay taas nang bitbit niya

"Hoy anong ginagawa mo dito?" binuksan ko yung pinto at pinapasok siya

"Pinapabigay ni mama" sabay pinatong ang paper bag sa lamesa

Sinimulan ko nang buksan ito "Ano laman nito?" sabi ko sa kanya habang tinitignan ito at busy ang kamay ko sa pagbukas

"Sino yung nag doorbell, y/n?" sabi ng nanay ko mula sa kusina, pinuntahan ni stell si mama "Hi po tita!"

Kinuha ko na yung container at binuksan ito "Ay wow chicken! Si tita nagluto nito?" tumingin ako sa likod ko at nakitang wala si stell kaya pinuntahan ko sa kusina

Nakita kong tinutulungan ni stell si mama sa pagluto kaya napa ngiti ako sa nakikita ko

Lumapit ako kay mama at inilagay ang baba ko sa balikat niya, naglalambing

"Ay nako tong anak ko ang clingy kawawa ang magiging boyfriend nito" sabi ni mama habang tinataboy ako palayo sa kanya

Humarap si mama kay stell sabay hawak sa braso nito "Alam mo, nung tinatanong naming pabiro tong si y/n kung sino asawa niya sa bts ang sagot niya agad ay si jinmin"

"Hahaha mama jimin po jimin hindi jinmin"

"O tignan mo ang kapal ng mukha niya na sabihin na siya ang asawa ni jimin na yon Hahaha"

Pinatigil ni mama si stell sa paggagayat nang karne "Don muna kayo sa sala at ako na bahala dito"

Tinignan si stell si mama "Sigurado po ba kayo? Okay naman po sakin na gumawa kahit konti para may maitulong lang sa inyo"

Iniling iling ni mama ulo niya at pinalabas kami sa kusina "Ako na bahala dito at mag relax muna kayo diyan"

Kinuha ko ulit yung container na may lamang chicken at pinakita kay stell "Si tita ba nagluto nito?"

Kinuha ang container sakin at nilapag sa lamesa sabay may kinuha sa paper bag "Oo pero ako nag gawa ng mga sawsawan dahil alam kong favorite mo to"

"Oy wow thank you, stell" sabay yakap sa kanya  nang mahigpit , "Swerte ng magiging jowa mo in the future"

He hugged me back and he swayed us side to side, gently

"Bakit mo naman nasabi na swerte yung magiging jowa ko, hm?"

Tumingala ako para tignan siya "Lahat kasi ng bagay natatandaan mo lalo na yung mga paborito namin at ang caring mo and marami pa Hahahah di ko masasabi dahil ang dami eh"

Tumawa siya nang mahina "Bakit mo nga pala nasabi na si jimin ang asawa mo?"

Tumawa ako at hinigpitan ang yakap ko sa kanya "Syempre di naman masaya mangarap noh, baket di ka ba nangarap nang ganon?"

Napa tingin siya sakin simula nang tinanong ko siya "Hm oo naman" sabay ngiti at ayos sa buhok ko

Inalis ko na yung pagkayakap ko at lumayo nang konti sa kanya

Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa at tumabi sakin si stell

"O diba pati ikaw Hahahah syempre hanggang pangarap lang yon noh atsaka kapag naging kami nga edi syempre masaya ako noh, sino ba naman ang hindi sasaya kapag asawa mo si jimin?"

"Pero syempre kapag di naging totoo edi move on dahil di lang naman siya ang lalaki noh, pwedeng si jin Hahahah"

"Pero serious na tayo, libreng mangarap pero wag to the point na parang ano nakakasama for the both of you"

"Hindi naman masama na mangarap na maging kayo ng iniidolo mo noh pero kapag nagkaroon na siya ng girlfriend or boyfriend, move on na at support na lang for the both of them"

"Walang mararating ang pang bbash mo sa partner nila dahil hanggang sa lumalaban at nagmamahalan ang isang tao ay di basta basta sila maghihiwalay"

"O diba nakikipag-usap na naman ako sa sarili ko"

Tumawa na lang si stell "Ang dami mo kasing sinabi na may sense"

"Ah so sinasabi mo na yung mga nasabi ko before walang sense?"

"Oy hindi sa ganon noh, pwede kang maging Love DJ Hahahah"

"Kailangan ata diyan may experience na sa love life eh"

"Bakit wala ka pa bang naging boyfriend?"

"Wala eh well it's their loss Hahahah char"

"Sa ganda mong yan walang nagkakagusto sayo?"

"Well thank you for that compliment Hahahah pero yeah wala akong manliligaw"

We just talk about what happen last week because there's no work

Makalipas ang ilang oras ay umuwi na si stell at may pinadala si mama which is yung niluto niyang kare-kare

-

[New Year]

Wala naman masyadong ganap sa New Year ko

Habang hinihintay ang countdown ay kumain kami sa tapat ng bahay kasama ang mga ilang kapitbahay namin para sabay-sabay kami sasalubong sa bagong taon

Nagpapatugtog nang malakas gamit ang speaker

Nagdala nang sariling pagkain para pagsalusaluhan nang lahat

Habang nag iintay ay hinihintay ko din yung performance nila sa Bye2021 through live stream

Bigla kong naalala ang mga pangyayari sa mga oras na yon

Di maganda ang araw ni ken that time and we understand

Kahit na may pinagdadaanan siya ay tuloy pa din siya sa pagtrabaho na para bang walang nangyari

They decided na naka minus one ang MAPA at Slmt

Walang background vocals

Background music lang ang meron

They wanted to try new things that's why they did that I mean every performance nila ay laging bago hindi yung inuulit nila yung style nang pagkanta

Expect that mas maganda ang performance nila everyday lagi silang may pasabog para lang sa fans nila

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sana na iintindihan niyo kung sino ang nag sasalita kahit na wala akong nilalagay Hahahah

Pasensya na kung may typo sa libro

Alam kong short chapter lang to dahil wala na akong maisip for this part Hhahahahah pero sana na eenjoy niyo yung storyang ito :))

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

1060 words

One and onlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon