15

9 3 0
                                    

Reminder: Mga nangyayari dito sa librong ito ay hindi nangyayari sa totoong buhay

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Rest day nila kaya naisipan nila na pumunta ng siargao para makapag bakasyon at kasama nila ang The Juans

Sumama ako sa paghatid sa kanila at si ken naman ay di ko alam kung nasaan

Nandito na kami sa airport at nagsisimula na sila mag-ayos ng mga gamit nila

Kokonti lang ang tao ngayon at yung mga fans nila ay hindi alam na pupunta sila sa siargao

Lumabas na sila isa-isa sa van at pumunta sa likod para kunin ang mga bag nila

Nang makalabas na sila ay sinaraduhan ko yung pinto at tumingin sa likod

"Ingat sa byahe"

"O baka umiyak ka, babalik naman kami" sabi ni josh habang naka akbay kay stell

"Sus ako iiyak, bakit naman ako iiyak noh" sabi ko at nagkunwaring nagpapahid ng luha

"Sus kunwari ka pa dyan" sabi ni justin

"Tara na baka malate tayo sa flight!!" sabi ng isang kasama nila

Nang marinig nila yon at nagpaalam na sila saken at naglakad na papasok dala-dala ang mga bagahe nila

"Ano gusto mo pasalubong?" tanong ni stell kaya napatingin ako sa kanya

"Akala ko ba galit ka saken?"

"Wag na nga lang" sabi niya sabay lakad papalayo

Habang di pa siya nakakalayo ay sumigaw ako, "Eto naman di mabiro! Wala akong gusto basta bumalik kayo dito na safe okay na saken!!"

Lumingon siya at nag wave ako sa kanya, "Ingat kayo ha?!" pagkasabi ko nito ay ngumiti siya at tumango at naglakad ulit papalayo

-

Naka uwi na ako at ngayon ay nasa sofa kami ni krystal, ka-video call ang boyfriend niya

Actually parang bakasyon na din naming mga staff at kaya ko nasabing "parang bakasyon" dahil may trabaho pa din kaming aasikasuhin

"Wala kang trabaho ngayon?" tanong ni krystal

"Wala, baket?"

"Naninibago lang dahil lagi kang naalis"

"Bakasyon nila kaya nasa bahay ako ngayon"

"Ahh"

"Ano ba talaga trabaho mo, y/n?" tanong ni kenneth sakin kaya napatingin ako sa laptop

"Baket?"

"Wala lang nacurious ako nung tinanong ka ni krystal nung isang araw"

"Mag jowa talaga kayo noh?" sabi ko sabay tingin kay krystal at kay kenneth, "Let's just say I work for a boy group here in n the Philippines"

"HAH?!" nagulat ako dahil biglang sumigaw si krystal, "Hoy! Haup ka nagulat ako sayo"

"Sinong boy group?!"

"Alamin niyo na lang kung sino noh at para masurprise kayo if ever na malaman niyo kung sino"

"Clue kung sino?" sabi ni kenneth

"Ang laki na nga ng clue ko eh"

"Sige na please?" sabi ni krystal habang nag ppuppy eyes

"Tigilan mo nga yan Hahaha di bagay sayo"

"Last na clue talaga, promise"

I sigh "Sige na nga ang kulit niyong mag jowa maygahd"

"Sabihin mo na bili"

One and onlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon