"Okay! Panibagong araw na naman. Dapat mas galingan ko pa." sabi ko sa sarili ko habang nasa harap ng salamin.
Bago ko tuluyang umalis ay ngumiti ako sa repleksyon ko at sinabing. "Fight! Fight!"
Sino ako? Ako lang naman ang maganda, matalino at maparaan na si Ada Natividad.
Hays, pero sabi nga nila; 'Nobody's Perfect'. Lumabas na ko ng bahay at humanap na ko ng tricyle na makasasakyan. Nang makahanap na ko ay sinabi ko sa driver kung saan destinasyon ko.
"Manong, Sky University po." nagtataka kayo bakit ganyan ang pangalan ng school ko? Siguro kasi sobrang taas niya. Matapos ang dalampung minuto ay nakarating na ko, bumaba na ko tsaka nagbayad.
Pumasok na ko sa loob ng SU (Sky University). As usual, ang dami ko na namang naririnig na bulong-bulungan.
"Look! The commoner girl is here. Gosh, nakikita ko pa lang siya ruined na day ko eh." luh? Edi wag ninyo ko tignan. Dukutin ko mga mata ninyo eh!
"Yeah. Nasisira pangalan ng school because of her, she don't belong here anyway." ako nakakasira sa school? Baka nga kayo yun. Saan ka naman nakakita ng scholar na nakakasira sa school, di ba wala?
"Let's go na nga. Baka mahawaan pa tayo ng kung anong virus meron siya eh." sabay irap sakin paalis. Baka ako pa mahawaan ng virus ninyo noh. Virus ng KAARTEHAN.
Nakarating na ko sa room at nagsimula na naman ang bulong-bulungan, hindi ko na lang sila pinansin at umupo na. Sanay naman na ko tsaka pagpinatulan ko ba sila, yayaman ba ko? Di ba hindi.
Isa pa, pagnagpaapekto ko sa mga sinasabi nila ibig sabihin lang nun, totoo ang mga yun. Wag papaapekto kung hindi naman totoo kasi magiging bitter ka lang.
Oo, scholar lang ako dito, pero hindi ibig sabihin na mahirap lang ako ay wala na kong karapatang mag -aral. Kaya ka nga nag-aaral para umunlad at hindi dahil sinabi lang ng mga magulang mo.
Nagsimula na ang klase at nakikinig na ko pero ramdam ko yung mga titig sakin ng classmates ko. Yung tipong gusto nilang lamunin na ko ng lupa, o di kaya mawalang parang bula.
Nung natapos na ay lumabas ko agad kasi baka tuluyan na nga kong lamunin ng lupa at pumunta na ko next class ko. Umupo ako sa tabi ng bintana at naking na.
Habang nagdidiscuss yung prof. namin ay napatingin ako sa may bintana at sa langit. Napaisip ako bigla.
Kailan kaya ko magiging totoong masaya?
Kasi animin ko man sa sarili ko o hindi, alam ko sa sarili na hindi ako masaya. Para bang hindi ako kompleto.
Nahagip ng mga mata ko ang isang tao nakahiga sa ilalim ng puno, hindi ko masabi kung lalaki o babae dahil nasa fourth floor ako. Hindi ko mapigilang tumitig dun sa tao. Para bang may nagsasabi sakin na dapat kong alamin kung sino siya, na dapat ko siyang makita at makilala.
"Ms. Natividad, are you listening?" napatingin ako sa harap at napatayo. Nakita ko si prof. na nakatitig sakin pati na rin ang buong klase.
"I guess by that look of yours, you really aren't listening."
"I'm really sorry, sir." sabi ko sabay yuko.
"Hay naku! For sure iniisip niya kung may pang lunch ba siya mamaya."
"Malamang wala. Maybe pang dinner nga niya wala rin eh." sabi nina Tanya at Missy sabay tawa ng buong klase. Nasaktan ako sa mga sinabi nila pero occupied pa rin utak ko dun sa taong nasa ilalim ng puno.
"Class, stop it! Ms. Natividad, you may sit down." sinunod ko naman ang sinabi ng prof. namin at umupo na.
***
Lunch time na, hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung sino ba yung taong yun. Bwisit na curiousity! Bumili na muna ko ng dalawang sandwhich tsaka naglakad papuntang garden.
A/n: picture of Ada Natividad on the side. ^__^ enjoy.
BINABASA MO ANG
Started with a Stare (Short Story)
RomanceStory of a girl who struggles in life since her parents died long time ago. A girl who got curious to a guy who happen to be sleeping under a tree. As curiosity got the best of her, finding herself staring to that guy and slowly falling in love wit...