(Ada's POV)Lunch break na, at nandito ako ngayon sa canteen para bumuli ng sandwich bago dumiretso sa garden. Nagsisimula na 'kong kabahan.
"Ate, pabili nga po ng chicken sandwich dalawa." Sabi ko kay ateng nagtitinda dito sa canteen.
"Eighty pesos lahat." Sagot niya. Kinuha ko naman yung sandwich at saka nagbayad. Grabe, ang mamahal talaga ng tinda dito, take note wala pang drinks na kasama 'yan. Ano pa bang aasahan ko sa isang prestigious school na 'to? Bukod sa mamahaling mga pagkain, maaarte at mapang-insultong mga estudyante, magaling at maayos naman ang klase ng pagtuturo dito. Kaya nga dito ko napiling magcollege kahit na madalas akong hinuhusgahan ng mga tao dito.
Nagsimula na kong maglakad patungong garden. Bawat hakbang ko ay lalong nadadagdagan yung kaba ko, para bang gusto nang kumawala ng puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok.
Natatakot kasi akong mawala yung scholarship ko. Lahat ng estudyante dito mayayaman kaya isang maling galaw ko lang ay pwedeng pwede akong mapatalsik anumang oras. Meaning kaya nila kong mapaalis gamit ang mga connections at pera nila.
Nang makarating ako sa garden ay agad kong hinanap yung puno. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nakita kong nando'n na siya.
Nakahiga, nakatakip ang braso sa mga mata, at bag na nagsisilbing kanyang unan. Kagaya nung unan ko siyang makita kahapon.Ang nag-iba nga lang ay yung suot niyang damit. Malamang, alangan namang hindi siya maligo. Ano ba naman 'yang mga pumasok sa utak ko! Erase, erase na nga! Pagkatapos ko ma-clear ang utak ko ay pumunta na ko sa kinaroroonan niya.
Tumingin muna ko sa paligid, baka kung ano isipin ng mga makakita samin. Baka hindi lang mawala ang scholarship ko, mapatanggal pa ko dito sa school kung nagkataon.
Umupo ako sa tabi niya nang may kaunting distansya, at saka nagsimulang magpaliwanag.
"S-sorry sa ginawa ko kahapon. Nagawa ko lang naman 'yun kasi curious lang ako, pasensya na talaga. P-please, ayoko mawala ang sholarship ko, kaya sana 'wag mo ko isumbong sa Dean." Mahabang paliwanag ko habang nakayuko at nakatingin lang sa lupa, humihiling na sana pananginip lang lahat ng 'to.
Nakalipas naman ang ilang minuto ay wala akong narinig na pagtugon. Nung paglingon ko ay hindi nakatakip yung braso niya sa mga mata niya.
At ito na naman ako, hindi mapigilang mapatitig sa maamo niyang mukha. Ang peaceful ng itsura niya, unlike nung nakita ko siya sa café. Masungit, cold, stoic. In short isa siyang living robot.
Napaiwas naman ako agad ng tingin nung maalala ko yung masungit niyang mukha kahapon. Kainis!
"Kung natutulog ka man, sige pagpatuloy mo lang. Pwede namang.... b-bukas na lang tayo mag-usap?" Nag-aalangang tanong ko.Still no response kaya naisipan ko nang umalis. Nakakadalawang hakbang palang ako nang biglang may humila sa braso ko dahilan para mapaupo ulit ako.
BINABASA MO ANG
Started with a Stare (Short Story)
RomanceStory of a girl who struggles in life since her parents died long time ago. A girl who got curious to a guy who happen to be sleeping under a tree. As curiosity got the best of her, finding herself staring to that guy and slowly falling in love wit...