~Be My Girlfriend~
Kinaumagahan ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Pero heto ako at nag-iisip kung pupunta ba ako ng school at kakausapin ang lalaking 'yun o ipagsasawalang bahala ko na lang ang lahat.
Maraming tanong ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Tulad na lang nang kung sino ba siya, at paano niya nalaman kung saan ako nakatira, higit sa lahat, kung bakit niya ako tinulungan kahapon?...
Hindi naman ako tanga dahil alam ko kung ano yung iniabot niya kay Aling Ruby kahapon.
Cheque...
I'm just too shock and exhausted to comprehend the situation kaya hindi ako nakapagreact agad.
Pero bakit?
Ano bang gusto niyang palabasin sa ginawa niya? Na marami siyang pera at ipamukha sa'kin na kaya niyang magmanipula at manakot ng tao. 'Di ko maiwasang isipin na katulad lang siya ng mga mayayaman na wala nang ibang ginawa kundi ipagmayabang ang mga pera nila at ipamukha na sila ang nakakataas.
Kahit na sabihing tinulungan niya ako kahapon ay hindi pa rin mai-aalis na pinaalis niya ako ng school dahil lang sa pagtitig ko sa kanya!That's the most absurd reason to kick-out a student I ever heard!
Pero sa kabilang banda, hindi pa rin mababago ang katotohanan na may utang na loob ako sa kanya dahil kung hindi siya dumating kahapon ay siguradong nasa kalsada na ako ngayon at, considering sa taas ng lagnat ko ay malamang agaw buhay na ako ngayon.
Kaya in the end ay napagdesisyonan ko nang pumunta at kausapin siya.
Alas dos ay nandito na ako sa school at papunta na sa garden para kausapin at pasalamatan kahit papaano ang lalaking 'yun. Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng sandwich, mabuti na lang at kakaunti na lang ang mga estudyante dito. Pagkatapos bumili ay agad agad na 'kong nagtungo sa garden nitong school.
Naabutan ko siyang nakapikit habang nakasandal sa puno.
Natutulog habang nakatayo...Seryoso?
Pero hindi na 'ko magmumukhang tanga at katawa-tawa sa harap niya. Base kasi sa itsura niya ay mukhang nagpapahangin lang siya. Agad akong lumapit at nagsalita para namang malaman niyang nasa harap na niya ako.
"H-hi....?" Nag-aalangang tanong ko.
Iminulat niya ang kaliwang mata pero mabilis rin niya iyong ipinikit at naupo sa damuhan.
"I thought you would never come. But, I guess you used your brain properly today.""Nang iinsul——" bago pa ko matapos ay hinawakan niya 'ko sa kamay at hinila paupo sa damuhan.
Nakaramdam ako na parang may dumaloy na kuryente sa buo kong katawan dahil sa ginawa niya at sa sobrang gulat ay hindi agad ako nakapagsalita.
"I have a proposal to make, and you can't say no to this." He said, not beating around of the bush.
Pero dahil nga sa ginawa ay tameme pa rin ako at parang walang narinig.
"Huh?" Mukhang tangang sabi ko.
Lumisik ang mga mata niya at kumunot ang noo.
"Are you even listening to what I'm saying?!" iritadong sabi niya na nakapag-balik sa'kin sa katinuan."Sorry naman noh! 'Wag ka kasing basta-bastang nang hihila ng tao." Galit na reklamo ko sabay bawi ng kamay kong hawak hawak niya pa rin.
BINABASA MO ANG
Started with a Stare (Short Story)
RomanceStory of a girl who struggles in life since her parents died long time ago. A girl who got curious to a guy who happen to be sleeping under a tree. As curiosity got the best of her, finding herself staring to that guy and slowly falling in love wit...