Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang pumayag akong maging pretend girlfriend ng lalaking robot na 'yon. Hindi pala ako pumayag, more like napilitan ang tamang term.Kinabukasan matapos ang pag-uusap namin at pagnakaw niya ng halik sa'kin ay natagpuan ko na lang siyang nag-aantay sa labas ng classroom namin...?
"Anong ginagawa mo dito sa labas ng classroom ko?" takang tanong ko. Hindi kaya nagbago na ang isip niyang gawin akong pretend girlfriend at sumang-ayon na lang maging katulong ako?!
"Obviously I'm waiting for you, idiot." Masungit na sagot niya. Agad namang nawala ang ngiti sa labi ko. Akala ko pa naman papayag na siya.
"If you're thinking that I changed my mind then don't sweat it," napasimangot naman ako.
"Let's go get something to eat. My stomach's grumbling already." Seryosong saad niya sabay hawak sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis tibok ng puso ko.
"S-sanda-" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil sa sobrang pagkautal at hinayaan na lang siyang dalhin ako sa cafeteria.
Nang makarating kami ay napunta lahat ang atensyon ng mga estudyante sa'min at sa kamay naming magkahawak.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad na parang wala man lang nanonood sa amin.Sinubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero lalo niya pa itong hinigpitan.
"A-ano ba..?! Lahat sila nakatingin sa atin oh!""Don't mind them. We're here to eat." Aniya. Walang paki sa mga matang nakatuon sa'min.
"Pero kasi...." Ayoko lang naman magkaroon issues. Marami nang galit sa akin dahil sa pag-aaral ko sa school na 'to at paniguradong mas marami pang magagalit oras na malaman nila na girlfriend ako ng kaisa-isang anak ng may-ari ng school.
Ano bang gulo 'tong pinasok ko...
Natigil ako sa pag-iisip nang mapansing nakatitig sa'kin si Milo ng may halong pagtataka at pag-aalala..?
Pero mabilis din yong naglaho at bumalik sa pagiging blankong expresyon na parang wala lang.Imagination ko lang ba 'yun?
"If you all want to stay in this school, I suggest you all focus on whatever the heck you're all eating!" Sigaw niya. Agad agad namang nag-iwas ng tingin ang mga estudyante at bumalik na sa pag-intindi sa mga pagkain nila.
"Mga walang magawa sa buhay.." Mahina ngunit pagalit na sabi niya. Nagulat ako dahil unang beses ko siyang nakitang galit at sa ganitong sitwasyon pa.
"Let's go." Hindi na niya 'ko hinintay makasagot at basta na lang ako hinila kung saan.
Hinayaan ko lang siyang dalhin ako kung saan dahil hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga nangyari.
Bakit gano'n na lang siya kung magalit? Pretend girlfriend lang naman niya ako. The look in his face seems real, like he's really angry.
"Wait here. Don't leave until I comes back." Pagkatapos sabihin 'yun ay agad siyang umalis at naiwan akong nag-iisa dito sa rooftop ng school, pero 'yon ang akala ko.
"You really just prove to all the people here in school that you're not just a bitch but also a social climber," Candice, a cheerleader. Sikat sa buong school lalo na sa mga lalaki hindi lang dahil sa galing niya sa cheerleading kundi pati sa angkin niyang kagandahan.
BINABASA MO ANG
Started with a Stare (Short Story)
RomanceStory of a girl who struggles in life since her parents died long time ago. A girl who got curious to a guy who happen to be sleeping under a tree. As curiosity got the best of her, finding herself staring to that guy and slowly falling in love wit...