Chapter 4

59 5 2
                                    

~Unexpexted Visitor~

Sakit agad ng ulo ang sumalubong sa'kin ngayong umaga. Siguro'y dulot na rin ng kakaiyak kagabi, pati na rin sa lamig ng panahon.

Hinipo ko ang aking noo at naramdamang mainit ito. Sinubukan ko tumayo pero nakaramdam ako ng hilo kaya nahiga na lang ulit ako.

Mukhang hindi ako makakapasok ngayon. Sabagay maki-kick out na rin naman ako, ano pang saysay ng pagpasok ko?

Nakaramdam ako ng mainit na tubig mula sa aking mga mata na dumaloy patungong tenga ko 'Di nagtagal ay nagsunod-sunod pa.

Mga luha....

Ipinatong ko ang braso ko sa aking mga mata at hinayaan na lang ang mga luha sa pagdaloy.
Ang sakit isipin na sa isang iglap lang nawala yung dahilan kung bakit nagsisikap ako sa buhay.

Yung pangakong binitawan ko kila mama at papa noong nabubuhay pa sila... Na kahit anong mangyari makakapagtapos ako ng pag-aaral.

Naalala ko pa yung mga salitang sinabi sa'kin ni Mama habang tinutulungan niya ko sa mga assignments ko.

Sinusubukan kong i-solve ang isang math problem pero hindi ko talaga makuha yung tamang sagot.

Sa sobrang inis ay bigla kong nagtanong kay Mama.

"Mama, bakit ba kailangan ng tao mag-aral at matuto?"

Binatawan ni Mama ang hawak niyang libro at isinara. "Why do people need to learn, you ask."

"Hmm.." Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"Kailangan ng tao mag-aral at matuto kasi mawala man lahat ng nasa sa'yo, but never the things you'd learned. It's a treasure that no one can stole from you because it is already in your mind and heart," she paused and pointed a finger in my heart.

"Kaya nga dapat kapag nag-aaral hindi lang sa utak tinatatak, kundi pati sa puso. If you do that, you can easily understand the lesson and can even apply it in life." Paliwanag niya at saka pinagpatuloy ang pagbabasa.

Bigla kong nalinawan at ginanahang sagutin ulit yung problem. After ng ilang minutes ay tumama rin.

"See what I told you? Kailangan mo lang intidihin ng buong-buo yung question." Sabi ni mama sabay halik sa pisngi ko.

"Thank you, Mama." Nakangiti kong saad habang nakayakap sa kanya.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo, a. " Sa boses pa lang ay alam ko nang si Papa 'yon. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Mama at dali-daling tumakbo papunta kay Papa. Agad niya kong binuhat at niyakap ng mahigpit.

"I miss you, my princess."

"I miss you too, Papa." Dawalang araw kasing hindi umuwi sa papa dahil sa trabaho niya. 'Yon ang sabi ni Mama sa'kin nung nagtanong ako.

'''Yan kasing prinsesa natin nahihirapang sagutan yung assignment niya." Sabi ni Mama habang nagbabasa pa rin.

Ibinaba ako ni Papa at naglakad kami pabalik at saka naupo sa sahig katapat ng mga notebook ko na nakalagay sa glass table.

"Do you need my help?" Tanong ni Papa habang tinitignan yung assignment ko.

"Hindi na po, Papa. I can handle this." Sagot ko at saka pinagpatuloy ang pagsagot. Nasa gitna ako nila Papa at Mama, si Papa nasa kaliwa ko, si Mama naman nasa kanan.

"Big girl na talaga prinsesa namin. Right Mama?"

"Right. Just continue doing your best, Papa and I will always support you."

Started with a Stare (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon