(Ada's POV)
Nakarating na ko sa garden at nakita ko agad yung puno. Lumapit ako sa puno, nandito pa rin siya nakahiga. Umupo ako pero hindi as in upo, pumantay lang ako sa kanya konti.
Nakatakip yung braso niya sa mga mata niya, tapos ginawa niyang unan yung bag niya.
"So, lalaki ka pala." sabi ko sa sarili ko hang tinutusok- tusok yung pisngi niya.
Napahinto ako sa pagtusok ng pisngi niya, nang bigla niyang tinanggal yung braso sa mga mata niya. Napatitig ako sa mukha niya, parang nagslow motion yung paligid at ang tanging maririnig mo lang ay ang ihip ng hangin kasabay paglaglag ng mga dahon ng puno.
Ang gwapo at ang aliwalas ng mukha niya, may kissable lips rin siya. Hindi nakakasawang titigan ang mukha niya.
Natigilan ako sa pagpapantasya ng maalala kong pag-aaral ang ipinunta ko dito, at hindi para tumitig lang sa isang lalaki na hindi ko naman kilala.
Tumayo na ko, nakakaisang hakbang pa lang ako patalikod ng may humawak sa pulso ko para pigilan ako sa pag- alis.
"So, ganun na lang yun?" sabi niya habang hawak hawak ako sa wrist. Ako naman nakatalikod sa kanya.
"Pagkatapos mo kong titigan ng sobrang tagal, aalis ka na lang basta?" tinanggal niya naman yung pagkakahawak sa wrist ko. Humarap naman ako at sinagot siya.
"Ako, t-tinititigan k-ka? H-hindi k-kaya. " mautal-utal kong pagtanggi. Sige lang, Ada, itanggi mo pa kahit na alam mong hindi ka magaling sa mga ganyan.
"Itatanggi mo pa, eh almost ten minutes ka ngang nakatitig sa mukha ko." cold na sagot niya.
Ganun ba talaga ko katagal nakatitig sa mukha niya, tsaka pano niya nalaman eh nakapikit nga siya? "Pano mo nalaman eh nakapikit ka nga?" hindi ko na napigilang itanong.
"Bakit mata lang ba pwede makapagsabi? hindi ba pwedeng naramdaman kong may tao? Common sense naman oh, tsaka narinig ko kaya sinabi mo." hindi naman pala siya tulog, bwisit!
"Eh, malay ko bang natutulog-tulugan ka lang pala!" pangangatwiran ko.
"Tsk! Sino ba nagsabing tulog ako?" inis niyang sabi. menopause na atang 'tong lalaking 'to sa sobrang sungit. >_____<.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Kanina ka pa dito ah, wala ka bang klase?" hindi ako chismosa ah, curious lang ako.
"Paki mo ba?!" inis na sagot niya. Sungit talaga!
"U-umm... Oo, inaamin ko na, nakatitig nga ko sa'yo kanina. S-Sige alis na ko, Bye." tatakbo na sana ko paalis kaso napigilan niya ko agad. Nakatayo na siya na siya nung hinatak niya ko, sobrang lakas ng hatak niya ay natumba kami. Siya natumba sa damuhan, ako naman ay sa kanya tumumba. nandito pa rin kami sa ilalim ng puno.
Twenty seconds kami nakatitig sa isa't-isa. (Wow! Nabilang ko pa 'yun XD.)
Hindi ko mapigilang titigan ang mga mata niya. It was like I've been hypnotize by his brown eyes, and my heart started to pound. Ano ba 'yan, napapaenglish ako bigla!
Nakaramdam naman ako ng pagkailang at mukhang ganoon din siya, kaya agad akong napatayo. Hindi ako makatingan sa kanya sa sobrang awkward ng atmosphere.
"S-sorry. I-ikaw kasi eh. Kung makahatak ka w-wagas." nauutal kong depensa.
"So, ako pa talaga 'tong may kasalanan ganun? Miss, pwede ba--" hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil sinubo ko yung sandwich na binili ko kanina bago ko nagpunta dito. Tapos tumakbo na ko paalis, buti na lang hindi na niya ko napigilan pa.
--***--
"Here's your order, ma'am." sabay lapag ko ng pagkain sa mesa. Nandito ko ngayon sa Claryson's cafe, hindi para kumain kundi magtrabaho. obvious naman di ba?..
Pagkatapos ng nangyari sa garden ay pumunta na ko dito, nagkaroon kasi ng meeting ang mga professors kaya maaga ang uwian. Sana nga lang hindi na kami magkita nung lalaking 'yun. Bigla ko tuloy naalala yung brown eyes niya. Aish!!
"Ada! Uy, Ada! Okay ka lang?"
"Huh?"
"Sabi ko may customer, kunin mo na yung order." sabi ni Ana, isa sa mga nagtatrabaho din dito.
"Hehe, sabi ko nga ." pinuntahan ko naman na yung table.
"Ano pong order niyo, sir?" pagtingin ko dun sa lalaki nanlaki mga mata ko. Si Mr. Sungit, yung lalaki sa garden kanina. Anong ginagawa niya dito? Ay malamang kakain! Tanga ko talaga. Minsan nga tinatanong ko sarili ko kung scholar ba talaga ko eh. XD! Ganito lang talaga pagninerbiyos. Sana lang hindi niya ko makilala. Anong gagawin ko neto?
"Ice tea," cold na sabi niya.
"Okay po, sir." aalis na sana ko kaso nagsalita pa siya kaya napatingin ako, nakatingin pala siya sa akin. Nako po! Please 'wag ngayon..
"Isang blue berry cake na rin." *Sigh* buti na lang.
Matapos ang ilang minuto, dala ko na yung order n'ya habang papunta sa table n'ya.
"Here's your order, sir." Sabay lapag ng ice tea at blue berry cake.
"Enjoy your food." paalis na sana 'ko nang bigla siyang nagsalita.
"I finally found you." para 'kong naestatwa sa kinatatayuan ko, biglang nagsink in sa'kin yung sinabi n'ya. Waahhh!! Nakilala n'ya ko!! Pano na 'to? Lagot na!
"A-ano pong ibig sabihin n'yo?" Kinakabahang tanong ko.
"You're the girl who stared at me for almost ten minutes under the tree, right." alam kong hindi siya nagtatanong, sigurado talaga s'yang ako 'yun.
Napalunok ako bago sumagot. "Pwede bang bukas na natin 'to pag-usapan? Please 'wag dito sa trabaho ko." Paki usap ko. Ayaw kong matanggal sa trabaho ko dahil lang dito sa lalaking 'to.
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot.
"Okay. Meet me at school, kung saan mo ko nakita kanina. I'll wait you there," nakahingi naman ako ng maluwag sa sinabi niya.
"Ok, salamat. Alis na ko."
"Don't thank me, we're not friends."
"Sungit." bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"W-wala! Sabi ko don't come back! Este come back soon!" tinignan nya naman ako na parang nawi-weirduhan.
Umalis na lang ako nang makaramdam ako ng hiya sa mga sinabi ko. Sobra sobra ko nang napahiya sarili ko ngayong araw, gusto ko na lang talaga lamunin na ko ng lupa sa sobrang hiya!
BINABASA MO ANG
Started with a Stare (Short Story)
RomanceStory of a girl who struggles in life since her parents died long time ago. A girl who got curious to a guy who happen to be sleeping under a tree. As curiosity got the best of her, finding herself staring to that guy and slowly falling in love wit...