Sa mga narinig ko mula sa mga sinabi niya parang ako pa ata ang nagulat at dapat na matakot. Di ko lubos maisip ang tapang sa mga boses niyang pinapahiwatig na kahit babae siya ay di dapat minamaliit. Dahil kahit pa sabihing lalaki ako at may ginawang di maganda sa kanya ay di niya magagawang urongan pag nag kataon. At sa mga salitang narinig ko sa kanya para siyang isang batang matanda na kung mag isip. Pakiramdam ko tuloy parang gusto kong matawa sa sitwasyong ngyayari ngayon sa mga oras na to. Akalain mo nga naming nasindak ako sa tapang ng batang babaeng nasa harap ko ngayon.
“21 na ako” pigil ang tawang sagot ko. Na agad din ikinabungisngis niya sa tawa ng marinig ang edad ko.
“maka pag salita kanaman. Ikaw ang dapat na umuwi kasi alam mo mas matanda ako sayo ng 2 taon kaya mas may karapatan ako na mag sabi nun kesa sayo.”
“pero kasi di parin maganda tignan na naandito ka sa madilim na lugar na to lalo pat babae ka. saka ang dami mo bisyo.”
“teka! Teka lang!” agad itong tumayo para harapin ako. Wala naman ako ibang ibig sabihin sa sinabi ko bukod sa nag aalala lang para sa kanya pero parang pakiramdam ko yun pa ata ang ikinasama ng luob niya. “namemersonal kana e! Kilala mo ba ko? Kilala ba kita para mag karon ka ng karapatan na sabihan ako ng dapat sa hindi dapat? O sa anong makakasama sakin at hindi? Abay wala kanaman na ata sa lugar. Ang sabihan akong bata pinag bigyan kita pero yang pakikialam mo sa mga ginagawa ko labas ka dun. At wala kang karapatan!”
“teka lang easy ka lang miss di mo naman dapat magalit ng ganyan ka bongga sa sinabi ko. Nag aalala lang naman ako para sayo” nag tatakang tanong ko habang napapakamot sa ulo kakaisip bat ganun ang naging reaksiyon niya sa sinabi ko.
Mas lalo pa itong lumapit sa harap ko na parang gusto na ako dambagan sa subrang galit na parang mas nadadagdagan pa tuwing may sinasabi ako. Sa pag tama ng kabila niyang mukha sa ilaw agad ko napansin ang magagandang labi nitong kurting puso. Ang ilong nitong maliit na kahit di man ganun katangosan ay nakuha ang paningin ko. At ang mata nitong di ko man gaano maaninag ng mabuti lahat ay halatang singkit at maganda pag ngumiti. At ang magandang pag kakakulot ng mahaba nitong buhok na mas nag padag dag sa pagiging mukhang bata niya. Para siya isang batang manika kahit pa maliit at singkit ang kanyang mga mata at di gaanong katangosan ang ilong.
“alam mo di ako sanay makipag away sa salita lang e. Kaya kung ako sayo isara mo yang bibig mo kung ayaw mong dumaplis ang kamay ko diyan sa mga bibig mo. Nakakairita kasi. At alam mo bang kaya ako pumunta ako dito ng ganitong oras para mag palamig at hindi para dagdagan ng isang taong katulad mo na di ko pa kilala ang ka bwesitan ko. Matanda na ako para pag sabihan mo at buhay ko to hindi sayo. Narinig mo? Di talaga kayo katiwa tiwalang mga lalaki pa kunyari pa kayong nag alala lol di ako madadala sa mga palusot niyo. Diyan kana nga!!”
“teka sandali”
BINABASA MO ANG
Tears of the Sea(ONGOING Series)
RomanceMagagawa pa kaya ni Loretta ibigay ang ikalawang pag kakataon mag tiwala uli kung ang tanging lalaking nag pakita sa kanya ng pag asa at ganda ng buhay sa pangalawang pag kakataon ay siya ring taong sisira uli sa mundo niya. meron nga ba kayang seco...