“san ka pupunta? Sama ako” tanong ni ivan ng mapansing hindi ako sa tindahan iinom.
“dun sa tabing dagat mag papahangin lang. Sumunod kanalang kumuha ka narin ng baso sa bahay saka mag padagdag kanadin ng isang bote pa at pulutan. Bilisan mo!!”
“sige antayin moko? Nako wag ka mag uumpisa hanggat wala ko.” Pahabol pang sabi nito. Bago mag madaling mag lakad.
Madalas akong nasa tabi ng dagat para mag palamig. Sa araw-araw na dumadaan walang sandali at hindi natatapos ang buong araw ko hanggat hindi ako nakakapunta dun para umupo ng ilang oras bago umuwi. Hindi lang siguro madalas kundi palagi hindi lang para mag palamig at tumingin ng maganda nitong view kung san maraming nag gagandahan at nag lalakihang rest house at resort na naka palibot. Kundi ang mag isip lalo na sa mga panahong ganito ka gulo ang isip ko at wala ako ibang masabihan.
Sa mundong to kung san natutunan ko. Hindi sa lahat ng pag kakataon may mga taong masasabihan mo ng lahat ng bagay na nangyayari sa buhay mo. Lalo na kong kaya kaba talaga nila intindihin at higit sa lahat ang tanggapin sa kabila ng mga hindi magagandang bagay na ngyari at nangyayari sayo sa nakaraan at ang ngayon.
Mahirap ilugar ang sarili sa isang sitwasyon kung sa’n alam mong wala din namang may makikinig sa paliwanag mo. Kung san lahat ng magagandang bagay na nagagawa mo sa una lang mapapansin at bigla nalang lilipas ng di mo alam. Pero pag nakagawa kana ng isang bagay na kahit ikaw hindi mo ginusto, sa paningin ng iba hindi katanggap-tanggap. Yung tipong kahit gano na katagal ngyari tumatatak na sa isipan nilang ganun ka. at kahit gano mo kapilit e ayos ang mga bagay-bagay kunting mali mo lang lahat ng di magandang nagawa mo sa nakaraan nabubuksan ng pauli-ulit.
Dahilan kaya nakukulong tayo sa nakaraan kung san kahit gano mo kapilit maayos hindi mo magawa.
“Ito na yung jacket na pinakuha mo. Nilalamig kaba? Gusto mo bang isara ko mga bintana?” wikang tanong ni Bernard habang inaayos sa pag kaka baliktad ang jacket na pinakuha ko.
“hindi, gusto ko lang mag palamig at maglakad lakad sa buhangin baka sakaling dalawin ako ng antok.”
“sa haba ng byahe natin papunta dito sa rest house hindi ka napagod? Gusto mo bang samahan na kita?”
BINABASA MO ANG
Tears of the Sea(ONGOING Series)
RomanceMagagawa pa kaya ni Loretta ibigay ang ikalawang pag kakataon mag tiwala uli kung ang tanging lalaking nag pakita sa kanya ng pag asa at ganda ng buhay sa pangalawang pag kakataon ay siya ring taong sisira uli sa mundo niya. meron nga ba kayang seco...