update story 6

8 2 0
                                    

“wag mo na subukan uliting tawagin ako. Dahil di kita kamag anak o kaibigan at kahit kakilala para lumapit sayo pag tinawag ako. Kung ako sayo umuwi kana kasi di magandang lugar to para sa mga anak mayayaman na tulad mo.” Tuluyan na itong nag lakad papalayo.

Hindi ko lubos maisip ang isang babaeng katulad niya. Masyado ako nagulat sa karakter na nakita ko sa kanya lalo nat sa isang simpleng mukha niya at simpleng ganda dagdagan pang napakalayo ng pagiging matapang ng aura ng ugali niya sa mukha niyang parang bata at mukhang manika. Wala ako ibang magawa kundi ang mag lakad pabalik sa rest house habang napapangiti habang inaalala ang lahat ng ngyari ngayong gabi. Masyado ako naaliw sa pag katao niya bagay na gusto ko pa alamin at makita sakali mang mag krus uli ang landas naming dalawa.

“bwesit!! Kala mo kung sino, napaka pakealamerong walang magawa sa buhay!! Kung mamalasin ka nga naman kung san mo gustong mapag isa at ng tahimik dun pa nag sisipag datingan ang panira sa mood mo.!!” Tanging nasabi ko habang padabog na nag lalakad pauwi. Bakit kaya may mga lalaking nag kukunyaring sweet at mabait pag unang kita pa lang?

“oh san ka pupunta?”  nag tatakang tanong ni ivan habang hawak hawak ang isang bote ng alak na pinadagdag kong kunin sa tindahan. Habang halos di maipinta ang mukhang kunot ang noong nakatingin sa akin na halatang alam ng mas lalong nasira ang mood ko sa hindi alam na dahilan.

“gusto ko ng umuwi!!.”

“pero bakit ? kanina lang emotera kang peg ka gusto mong uminom para mag palamig sa tabing dagat. Ngayon naman bigla-bigla nalang tinopak kana. Sabay uwi? Ganun-ganun lang? Ganun ka gulo ang isip?”

“na bwesit kasi ako may pakialamerong lalaki dun di ko naman kakilala. Sinabihan na nga akong bata kung makapag alala abay daig pa nanay mo. Umiinit matres ko!!”

“ayon may naka away kana naman pala kaya ganun. Eh pano tong alak na pina kuha mo? Ibabalik ko ganun?”

“inumin mo na lang. Gusto ko ng umuwi.” Di ko na nagawang antayin ang sagot niya sa sinabi ko. Agad ako nag lakad ng mabilis para makauwi at maka pag pahinga.

Nakakainit ng ulo sa tuwing may mga taong nangingialam sa buhay mo na di naman nila dapat pakialaman lalo na kong di mo naman ginagawa sa kanila. Higit sa lahat lalo na kung di mo naman kaano-ano. Nakakasama ng luob ang makarinig ng hindi maganda sa mga taong tulad nilang hindi naman alam kung ano at sino ka talaga bago husgahan.

Madalas nila mapansin ang maling ginagawa mo, ang pangit sa ugali mo at lahat ng hindi kanais nais sayo. Pero samantalang hindi man lang nila magawang tignan kung ano ang meron sila bago pintasan ang ibang tao sa mga bagay na hindi maganda sa paningin nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears of the Sea(ONGOING Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon