update story 1

82 10 0
                                    

.

“napaka sinungaling mo talagang bata ka kahit na  kailan!!” agad ako nitong sinalubong ng makita niya akong papasok sa pinto. At sa nakikita kong reaksiyon ng mukha niya, halatang mainit na naman ang ulo niya.  “di ka na ba magbabago?!! Anong oras na, uwi ba ‘yan ng matinong babae ha Loretta?”

                                                                         “Tita, nag-text ho ako kay ivan na male-late ako ng uwi.” Agad kong inilapag sa upoan ang mga gamit na dala-dala ko buong araw. Habang pinapakiramdaman ang mga bawat galaw ng tita ko. Alam ko namang wala ng dahilan pa para mag paliwanag dahil hindi rin naman talaga siya maniniwala.  “Isa pa pag sinabi ko ho bang kaya ako male-late ng pag uwi eh dahil buong araw ako naghanap ng trabaho eh maniniwala kayo? Hindi naman hindi ba? “

                                    “sino ba maniniwala sayo eh ni minsan wala pang tama sa mga sinasabi mo. Puro kasinungalingan lang naman yang lumalabas diyan sa bibig mo?!!” Sa nakikita kong galit sa mukha niya pakiramdam ko nakagawa na naman ako ng kasalanang di katanggap-tanggap. kulang nalang ibato niya ang bawat gamit na makikita niya sa paligid niya. Na hindi ito titigil kakatapon hanggat hindi ako natatamaan. Kaylan nga ba naging tama ang mga bagay na ginagawa ko sa paningin niya? Lahat naman ata ng ginagawa ko at gagawin palang para sa kanya wala ng kwenta at purong kasinungalingan lang. “Sakit ka sa ulo, di ko ba alam at lubos maisip bat ganyan ang ugali mo ngayong napalaki kanaman ng maayos ng mama mo ng buhay pa.”

Labing-anim na taong gulang ako ng mamatay ang mama ko dahil sa sakit niya sa puso. Apat na buwan palang nun mula ng mawala si mama ng umalis din ang papa ko at hindi na muling nag pakita pa. Dahil na din sa nag iisa na lang ako sa buhay, mula nun napasalin-salin ako sa pag tira sa mga kamag anak ko, hanggang sa isang araw na halos wala ng ibang kayang tanggapin pa ako kundi si tita joan na nag iisang kapatid ng papa ko kasama ng nag iisang anak din nitong si Ivan. At ang dahilan? Tulad nga ng bukang bibig ng tita ko. Isa akong hamak na pasaway at sakit sa ulo dahilan para wala ng kamag anak ang kaya pa akong tanggapin.

 Mula sa pagkakaupo ng mapatayo ako ng marinig ko mula sa tita ko yun. Na agad naman nito ikinagulat dahil sa naging reaksiyon ko sa sinabi niya. Agad ako nitong tinignan habang pinag aaralan at nag aantay ng sunod kong sasabihin at gagawin. Ngunit agad din itong tumalikod na halatang gusto nalang umiwas sa sitwasyon ng makita niya sa reaksiyon kong nasaktan ako ng lubos ng mapasok sa usapan ang mga magulang ko lalo na ang mama ko. Pero kahit gano ko iwasan at pigilan ang init ng ulo kong wag na lang sanang patulan at manahimik nalang para dina humaba pa ang diskosyun. Sadyang di ko na naiwasang pigilan pa.

                                                  “Teka tita, kailan ba naging hindi kasinungalingan lahat ng ginagawa ko sa paningin niyo? Ni minsan ba nakinig kayo sa paliwanag ko?” At tulad nga ng inaasahan na magiging reaksiyon ko. Hindi ko na nagawang tumahimik na lang. Gano ko man iwasan di ko mapigilan ang biglaang pag init ng ulo ko. Agad ako lumapit sa gilid ng mesa kung san ito nakatayo para harapan ko mismo itong masabihan ng mga salitang gustong kumawala sa mga bibig ko. “At bakit naman pati sila nadamay dito?! Bakit naman kaylangan pahabain na naman to? Nakauwi na naman na ako oh! Buong buo ano pa ba ang gusto niyo puntohin? Isa pa ni wala pa ngang alas diyes oh!” yung init ng ulong kani kanina lang na nararamdaman ko, ngayon ay sama na ng luob. Ang  pakiramdam na ang dami mong gustong sabihin at ipaliwanag pero wala ka ibang magawa kundi ang manahimik na lang. At ang mga bagay na gusto mo ilabas para masabi yung side mo tanging hanggang sa sarili mo na lang kayang sabihin. Dahil alam mong bandang huli kahit anong paliwanag pa ang gawin mo sa huli talo ka parin at ikaw parin ang mali.

Tears of the Sea(ONGOING Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon