update story 2

61 9 0
                                    

.

“Yun na nga eh!!” Sumigaw siya sabay hampas sa lamesa. Ramdam ko na ang tensiyon sa luob ng bahay dahil sa nangyayari at sagutan naming dalawa. “Pano ba naman hindi sila madadawit dito eh sa tino at bait ng mga magulang mo siya ring sama niyang ugali mo. No ganyan kanalang ba? Eh ni wala ka ngang pangarap sa buhay mo. Pa’no pag nawala ako? Tingin mo ba eh may ibang kamag-anak ka pang tatanggap dahil diyan sa ugali mo? Wala kang ibang alam kung ‘di makipagbasag-ulo diyan kababae mong tao! Naku naman Loretta 23 ka na hindi ka na ba talaga magbabago? Mag-isip ka naman para sa kinabukasan  mo hindi yung kung anu-ano ang inaatupag mo. Mabubuhay ka ba sa pag gawa lang ng mga kwentong pinapagawa sa ‘yo ng mga bata para sa mga assignments nila? Hindi sa bawat araw may mga ganun silang ipapagawa sayo. At magkano ba nakukuha mo diyan? Mag kano nababayad sayo hah?!!? Eh kahit ngang pambili mo ng bagong damit ‘di mo mabili sa kinikita mo diyan!”

                                    “Eh hindi naman po ako nakipag basag ulo,diba nga sabi ko nag hanap po ako ng trabaho?  Ngayon, tapos na  po ba kayo o may sasabihin pa? Kasi po tita masyado ng humahaba e.” Sa sobrang inis na nararamdaman ko halos ‘di ko na napansing tulayan na pala ako tumalikod at naglakad ng maglakad habang naririnig pa rin ang mga salitang lumalabas sa bibig ng tita ko kahit halos ‘di ko na maintindihan. Tulad ng madalas kong gawin sadyang walang nakakahantungan ang mga bagay na ginagawa ko kundi ang tumalikod, iwasan at takasan na lang ang bawat sitwasyon na napapasukan ko.

Sa araw-araw na lang na dumadaan, at dadaan pa. Ilan naba  ang masasabi kung magandang ngyari sa buhay ko bukod sa araw na buhay pa ang mga magulang ko? Meron nga ba? O may dadating pa nga ba? Hindi na ata ako umaasa pang mangyayari pa. Sadyang malas na ata talaga ako sa lahat ng bagay.

Habang naglalakad hindi ko na halos namalayan na sa tindahan pala ang deriksiyon na tinatahak ko. At mula sa kalayoan ay agad kong nakita si Ivan na nakaupong mag isa. Agad kong kinalma ang sarili ko para maiwasang hindi niya mapansin ang mukha kong kani-kanina lang ay halos dina maipinta. At habang papalapit ay nakikita ko din ang unti-unting pag palit ng reaksiyon sa mga mukha ni Ivan na hlatang nag aalala na at nag iisip kung ano ang nangyari. Agad ako umiwas ng tingin at humarap sa tindahan.

                                    “Aling susan paki bigyan nga po ako ng kalahating stick ng sigarilyo at isang bote ng redhorse yung motcho ho.”

                                    “Mag lalasing te? Ganun ba ka seryuso pinag awayan niyo ni mudang? Nako para namang di kana nasanay  sa bibig ni mama e alam mo namang ratatat kahit kaylan yun.” Wika ng pinsan kung si ivan habang naka upo sa harap ng tindahan kung san palagi siyang nakatambay kasama ng ibang mga bakla na barkada niya na puro pawang mga kaibigan ko din.

                                    “nako bading kung sa sanayan lang naman ang tinatanong mo sanay nako sa bibig ni tita. Pasasan bang umiiwas ako kung di ko alam na ganun bibig nun. May mga bagay lang kasi na minsan di ko maiwasang di maiwasan.” Wika ko sa kanya habang inaantay ang inutang ko sa tindahan.. madalas ako umuutang sa tindahan ni aling susan lalo na pag sadyang may pag kakataong walang wala akong pera. Dahil ayoko din naman lahat iasa sa tita ko. Pero kahit papano pasalamat ako kay aling susan dahil kahit wala akong permanenteng trabaho di niya nagagawang mag reklamo kahit matagal ko bago nababayaran ang utang ko. Dahil na din siguro kahit gano katagal di ko naman nagagawang hindi pweding bayaran. “pakidagdag na lang muna sa utang ko aling susan ah bukas ko na lang bayaran pag ka uwi ko.” Wika ko pa kay aling susan habang kinukuha ang sigarilyo at alak na inutang ko.

Tears of the Sea(ONGOING Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon