“hindi wag na Bernard sandali lang naman ako. Mag pahinga kana at maaga pa tayo bukas pupuntang palengke para mamili ng mga kakaylanganin natin dito.”
“sigurado ka zyl? Sige pagod na rin ako talaga sa haba ng byahe natin papunta dito. Tawagin mo na lang ako pag may kaylangan ka.” agad itong tumalikod para pumunta sa kwarto niya.
Matanda sakin ng walong taon si Bernard pero nakasanayan ko ng tawagin siya sa pangalan niya. Mama niya ang tumatayong mayorduma sa bahay at ang nag palaki at madalas ko kasama sa tuwing palaging wala ang mama ko dahil sa trabaho sa kumpanya mula ng mamatay si papa sa sakit ng apat na taon palang ang edad ko. Sumapit ako sa edad na 10 ng makilala ko si Bernard dahil na din sa dalas ko siyang nakakasama nag desisyon si mama na kunin siya para nakakasama ko hanggat hindi pa siya nakakapag asawa.
Dahil na din sa nag iisang anak ako sabik ako sa isang kapatid kung san nakita ko kay Bernard bagay na subrang ikinatuwa ko ng kunin siya ni mama para bantayan ako na kahit hanggangg ngayon ay ginagawa niya parin.
Sa lamig ng simoy ng hangin ng maisip kong bumalik nalang sana ng rest house ng sa pag lalakad ko ng makita ko ang isang batang babae na naka upo sa di kalayuan. At sa gulat ko ng makita kong may hawak itong kung di ako nag kakamali ay sigarilyo. Agad nag panic ang isip ko. At kahit na di ko kakilala agad ako nag madali lapitan ito. Dahil na din sa gusto ko ma siguro kung tama nga ang kutob ko ay agad ako nag lakad ng mabilis para lapitan to at matanong kung bakit sa ganitong oras ng gabi ay nakaupo siyang mag isa sa tabing dagat ng ganitong oras at itanong kung alam ba ng mga magulang niya ang ginagawa niya. Di pa ako gaanong nakakalapit ng maaninag ko ang isang bote ng inumin sa tabi nito bagay na mas lalong ikanagulat ko.
Di ko alam pero bigla nalang parang uminit ang ulo ko dahil sa nakita ko . dahil na din siguro sa ganitong oras ng gabi at bukod pa sa babae siya e sa batang edad niya marami na siyang bisyo. Di na ako nag alangan tawagin to ng makalapit na ako sa kinauupuan niya.
“miss?”
“bakit?” nag tatakang tanong nito na halatang inaaninag ang mukha ko kung kilala ba niya ako oh hindi. Pero tulad ko lang din na di makita ng klaro ang muka niya dahil na din sa kunti lang ang ilaw na umaabot sa lugar kung san siya nakaupo dagdagan pang nakatalikod siya sa ilaw na siyang tumatama sa kanya.
“hindi naman sa nangingi alam pero kasi masyado ng gabi para sa isang bata na tulad mo ang nasa labas ng ganitong oras lalo pat babae ka. Baka kung ano mangyari sayo dito. Saka isa pa alam ba ng mga magulang mo yang ginagawa mo? Masyado kapang bata para sa alak at sigarilyo.” nag aalalang tanong ko. Ngunit parang imbes na magulat o matakot ito sa sinabi ko ay parang di pa ata nagustohan ang mga salitang lumabas sa bibig ko na sinabi sa kanya.
“haha! Bata? Sino ako? Bakit ilang taon kanaba? Alam mo ikaw nga ata tong dapat kong tanungin bakit nasa labas kapa e alam mo naman palang delikado ang nasa labas ng ganitong oras! Pero alam mo? Di para sa isang tulad ko kahit pa sabihing babae ako. Kundi sa isang tulad mo dahil di tulad ko taga dito ako. Di katulad mong halatang dayo lang sa lugar na to.
Malas nga naman oh!!” pahabol pang sabi nito.
BINABASA MO ANG
Tears of the Sea(ONGOING Series)
RomanceMagagawa pa kaya ni Loretta ibigay ang ikalawang pag kakataon mag tiwala uli kung ang tanging lalaking nag pakita sa kanya ng pag asa at ganda ng buhay sa pangalawang pag kakataon ay siya ring taong sisira uli sa mundo niya. meron nga ba kayang seco...