Chapter 8

13 2 0
                                    

Pagkagising ramdam ko ang sakit ng ulo ko, ubo pa ako ng ubo. Ang lamig ng temperatura ng kwarto, kulang ang kapal ng kumot ko dahil ang lamig sa pakiramdam.

"Problema mo?" tanong ni Thraia habang  inilalapat ang kamay niya sa noo ko.

"May sakit ka, nabasa ka ba ng ulan kahapon?" tumango na lang ako kasi ramdam kong natutuyo ang lalamunan ko. 

"Ang lakas mo naman Theai, paalala ko lang sayo mahina immune system mo sa ulan, tapos nag g-gym ka pa. Pinapatay mo ba sarili mo?" nag shh sign na lang ako kay Thraia, ang ingay niya lalong nanakit ulo ko.

"Water please" utos ko sa kaniya para tumahimik paligid ko.

"Kukuha lang ako sa baba" nang makalabas si Thraia nakatulog ulit ako.

"Gising na" tinapik ni Thraia yung braso ko para magising ako.

"Ipinagdala na din kitang pagkain at gamot"

"Salamat" kinuha ko ang bowl ng lugaw na ginawa niya.

Nakakatatlong subo pa lang lamang ako ay ibinaba ko na ang bowl.

"Ayaw ko na" sabi ko at nagpapaawa pa.

"Ubusin mo yan, di ka gagaling kapag di mo yan inubos"

"Nasusuka na ko e" kinuha ko ang baso para uminom na sana ng gamot.

"Gusto mo tawagin ko si Lance para siya magsubo sayo?" nasamid ako kaya pinilit kong ubusin ang lugaw pero after kong uminom, nasusuka talaga ako.

"Subukan mo isuka yan tatawagan ko talaga si Lance" pananakot niya sa akin pero hindi ko na talaga kaya. Dali dali akong tumakbo palabas ng room para sumuka sa cr at ramdam ko ang ikot ng paningin ko pati ang sakit ng ulo ko, naririnig ko pa ang sigaw ni Thraia. 

Noong malapit na ako nabunggo pa ko sa dibdib ng kung sino man pero di ko na talaga kinaya at nagpatuloy ako sa CR without saying sorry kung sino man siya. Nang makarating ako, isinuka ko lahat ng kinain ko hanggang sa mawalan ako ng lakas. 

Nanghihina na ako kaya kahit paghawak man lang sa kahit anong bagay bilang suporta ay hindi ko nagawa. Pumikit na lamang ako dahil alam kong babagsak ako sa sahig pero may naramdaman akong braso na sumalo sa katawan ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.


Unti unti akong gumalaw dahil ramdam ko pa din ang sakit ng ulo na para bang binibiyak.

"You okay?" I heard Thraia's voice kaya nagmulat na ko ng mata. 

My eyes is still adjusting to the lightings kaya medyo blurred pa. Noong naging okay na nabigla ako dahil ang dami nila sa room at may naririnig akong beep sound galing sa monitor. Wait-- monitor? Napatingin ako sa suot ko hospital gown. Nasa hospital ako kaya napatingin ako kay Thraia.

"What happened?" tanong ko na rinig naman ng mga tao sa loob. They look at me with concerned eyes. 

"You collapsed after mong sumuka sa cr" I remember it pero di ba sa sahig dapat ako babagsak.

I look at them " I am okay now, sorry for the trouble" I said it while I am trying to sit on the bed. Tatayo na sana si Lance ng makita niya akong nahihirapan buti na lang tinulungan ako ni Thraia na nakaupo sa gilid ko.

They just smile at me and nagpaalam na ang boys na babalik na sila sa camp sumama na din si Hera, Paula at Sheena. Bibisita na lang sila kung sakaling hindi pa ko palalabasin hanggang bukas. Ang natira lang ay si Lance, Elai, JC, Chin, Maegs at Thraia.

I am not his FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon