First Chapter - The "Stalker" and the "Gangster"

8.8K 265 23
                                    

Chapter 1

Lalaki ako na may pusong babae at hindi 'yan isang sikreto. Alam 'yan ng lahat ng nakakakilala sa akin. I hear a lot of criticisms and heartbreaking insults from people for each day of my life na para bang ginawan ko sila ng isang kamuhi-muhing kasalanan, dahil lang sa sexual preference ko. And because of that, nasanay na lang din siguro ako o kaya ay namanhid na lang ang puso ko pagdating sa bagay na 'yan.

Mico Padua ang pangalan ko, 18, isang 2nd year BS Architecture student sa isang pamantasan sa kalakhang Cavite. I was five when I discovered to myself that something was different with me, na hindi ako tulad ng mga kalaro kong lalaki, na bading ako.

I am not that good-looking. All I have is my small, pointy nose. 'Yung ibang features ko? Ewan ko kung maganda. Katamtaman ang pangangatawan ko sa timbang na 50kgs at tangkad na 5 feet flat. Hindi kasi matatangkad ang parents ko so I never complained about my height.

I do not crossdress.

I do not speak gay lingo.

I am extremely shy so I never had friends.

I am afraid of almost everything.

I have a younger sister named Mikay and a wheelchaired mother.

I do not have any idea on how I should start this story so I am just gonna start it with my secret...

May gusto ako sa schoolmate kong gangster. Schoolmate ko siya since elementary hanggang ngayon. Gusto ko kasi ay lagi ko siyang nakikita kaya sa pinapasukan niyang university ko napiling mag-enroll. Though private university siya kaya matataas ang fees. Mabuti na lang at honor student ako nang grumaduate nung high school kaya I was granted a scholarship by my school. So basically, I was very grateful sa school ko dahil libre ang pag-aaral ko sa kolehiyo and if it was not for them, I would not be seeing my long time crush/love/whatever-you-wanna-call-it everyday.

Matagal-tagal ko na rin siyang palihim na minamahal. Kuntento na 'ko sa ganito. Kahit kasi ganito ako, alam ko ang kaibahan ng reyalidad sa panaginip.

Tyrone Rivera ang pangalan niya. He is 19, only child, paborito niya ang chicken burger sa canteen, palagi niyang suot 'yung necklace niya na may pendant na ''T'', he always wears grey shirts during wash days, may hikaw siya sa kanang tainga niya, matangkad siya pero he is not a member of any of the university sports teams pero back in our previous school, he played for the basketball team.

May pagkasingkit ang mga mata niya na binagayan ng may kakapalang mga kilay, matangos ang ilong, kasingpula ng mukha ko t'wing makikita ko siya ang maninipis niyang mga labi, kayumanggi ang balat at sobrang tikas ng kanyang tindig at pangangatawan siguro dahil na rin sa paglalaro niya ng basketball noon.

3rd year na siya sa kursong Business Management, pangit ang handwriting niya, alam ko 'yun kasi ako 'yung nagcheck ng test papers ng section nila sa Filipino at Economics nung fourth year high school siya. In fairness sa kanya nun, isang tamang sagot nalang para makapasa siya, eh. Kaya what I did that time was kinuha ko 'yung ballpen ko at sinagutan yung isa dun sa test paper niya na walang sagot para pumasa siya.

He also drinks. Hindi ko alam kung nakailang girlfriends na siya kasi dati pa man, he was not showy. But he is super popular to the girls and gays like me. Sino ba naman ang hindi maa-attract sa katulad niyang tila perpekto na?

Ang dami kong alam tungkol sa kanya, ano? Ganito ako kaadik sa kanya kaya mismong maliliit na detalye patungkol sa kanya ay alam ko.

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

Tinapos na agad ng prof namin ang kung anumang sinasabi niya at naglabasan na kami sa drawing room.  Katulad ng palaging nangyayari, napuno ang hallway ng ingay ng mga nagkukuwentuhan, mga bulungan, sigawan pati na ng malalakas na yabag ng mga estudyante. Ang nakakainis lang eh may bumunggo na naman sa akin dahilan para mahulog ang mga gamit na bitbit ko, na parang hindi niya talaga ako nakita at hindi man lang nagsorry. Lumingon lang ito sa akin at ngumisi.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon