Third Chapter - The Rule-breaker's Joystick

5K 229 20
                                        

I dedicate this chapter to my first ever follower here on wattpad, MiiCiiM. This is for you, girl :) thanks for spending time reading my story. Mwuaaps! :*

----------

Chapter 3


"How are you related to the patient?" the nurse asked me.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kilala ko siya pero hindi naman kami magkaano-ano at hindi rin kami friends. I just told her na I just saw him lying on the streets and that I don't know him. Marami pa siyang tinanong after that at sinagot ko naman lahat.

Hindi parin mabura sa isip ko yung mga nangyari kani-kanina lang. 'Yung baril pala ni kuyang pedicab driver ay peke at isang laruan lang. Dinadala niya lang daw 'yun for protection.

Psh. Paano kaya siya mapoprotektahan ng isang laruan?

Well kung sabagay, natakot nga yung mga hoodlum eh. So I guess effective siya. Haaay. Kinabahan pa naman ako nang sobra.

But you know what's bothering me even more? 'Yung lalaking tinulungan namin is Jet. Remember him?

Tinext ko si mama patungkol sa nangyari dahil tiyak na nag-aalala na 'yun habang naghihintay sakin. Naunawaan niya naman. Hindi rin kasi ako pinapauwi ng nurse hangga't wala raw dumarating na kamag-anak si Jet. Wala rin silang nakitang wallet or phone man lang sa katawan nito kaya they didn't know who to contact. Ninakawan siguro siya bago bugbugin. Kawawa naman.

Nandito na ako ngayon sa ward kung nasaan si Jet. Natutulog siya habang ako ay nakaupo sa isang monoblock sa tabi ng kama niya. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako nang magsalita ang tao sa harapan ko.

"W-Who a-are you?" halatang nahihirapan pa siyang magsalita. "Nasaan ako?"

Hindi pa nga ako nakakasagot tapos may follow-up question agad? Aba matindi 'tong lalaking 'to. Umalis ako ng upo habang kinukusot ang mga mata.

"Ano kasi, kanina nung pauwi na ako, nakita kita na binubugbog ng limang lalaki. Tinulungan kita at dinala dito sa ospital," sabi ko pero ang totoo, si kuyang pedicab driver talaga ang gumawa ng mga 'yun. I was just his assistant. "Nasa hospital ka ngayon. Hindi naman kita maiwanan kasi pinakiusapan ako nung nurse na hintayin ko raw na may dumating na relatives mo pero hindi naman namin alam kung paano kokontakin ang family mo kasi wala kang cellphone or wallet man lang nung nakita ka namin."

"Namin? You mean may kasama ka?" Nagtatakang tanong niya.

"Ah, oo. Actually yung driver ng sinasakyan kong pedicab kanina, siya talaga yung nagligtas sayo sa mga lalaking nambugbog sayo. Ako lang ang nagdala sayo rito."

"Ahh.. Do.. Do you have a phone?"

"Oo, meron," mabilis kong sagot at inilabas ang cp ko.

"Please call my mother for me. Ah no, just call my cousin instead. His number's..." Dinictate niya ang number ng pinsan niya na siyang tinype ko naman. I pressed the dial key bago ito itinapat sa tenga ko.

Nakailang dial ako pero walang sumasagot. Nagriring naman pero wala lang talagang sumasagot. Sa ikalimang pagkakataon ay dinial ko ulit at sa ikaapat na ring ay isang pamilyar na boses ng lalaki ang sumagot. Hindi lang ako sigurado kung sino ito.

"Sino ba to?!!!!!" Galit na sabi ng lalaki sa kabilang linya na akala mo ay inistorbo sa pagtulog niya.

"Ah, hello. 'Yung pinsan mo kasi, kasama ko siya ngayon. Dinala ko siya sa ***** Hospital. Pinatawagan ka niya sa akin."

"ANO!!!!! Sino ba yang pinsan na sinasabi mo!!!!!" Kinailangan kong ilayo nang kaunti sa tenga yung cp ko dahil ang lakas ng boses ng lalaki sa kabilang linya.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon