************Chapter 6
Mico's P.O.V.
Araw ng Linggo, late na akong nakarating sa bahay ng mga Rivera. Nagsimba pa kasi kami nina mama, Mikay at Manay Siony.
Oo, tuloy na nga ang pag-tututor ko kay Tyrone because we had a deal.
*Flashback*
"Babayaran kita. Umuwi ka na. Huwag mo na kong susundan." aniya pagkalabas namin ng carenderia. Ang tigas talaga ng ulo ng taong ito.
Nagsimula na naman siyang maglakad. Saan niya ba talaga balak pumunta? Ewan ko ba sa sarili ko at sinundan ko na naman siya. Hindi naman siya lumilingon kaya hindi niya alam na sinusundan ko pa rin siya.
Past 10 na kaya sobrang nakakapaso na ang sikat ng araw. Hindi ba siya naiinitan? Mamaya maheat stroke siya sa ginagawa niya, eh.
Tumakbo ako palapit sa kanya at nang makalapit ay pinayungan ko siya at sinabayan sa paglalakad. Alam kong napatingin siya sa akin at paniguradong nakasimangot na naman siya. Tumigil siya sa paglalakad.
"Ano ba?! Bakit ka ba sunud nang sunod?!" ang naiinis niyang sabi.
"Ang totoo nyan, hindi ko rin alam." Tiningnan niya ako nang masama pero hindi na ako nasindak. Sanay na yata ako sa ugali niyang ganyan. I think hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi niya ko sinusungitan.
"Umuwi ka na. Stop following me or else." aniya at naglakad na ulit. Hinarangan ko siya at inabot ang isang bimpo.
"P-Punasan mo y-yung pawis mo. Tsaka ipampandong mo sa ulo mo."
"I don't need that." nilagpasan niya ako pero sinundan ko ulit siya. Naramdaman niya siguro dahil humarap siya. Akala ko ay sisigawan niya ako pero...
"Can you just leave me alone? Please?" Ito ang pangalawang pagkakataon na nakita kong maamo ang mukha niya. Yung una, nung tulog siya sa library, pero ngayon, gising na gising siya at parang ibang Tyrone ang kaharap ko.
'He said please. Should I leave him? Of course I should not.'
"G-Grabe b-ba talaga ang galit mo sa akin para lumayas ka pa sa i-inyo?" Kumunot na naman ang noo niya.
"What are you talking about? Hindi nga sabi ako naglayas. Umalis lang ako saglit sa bahay na yun dahil gusto kong mapag-isa. Gusto kong ilabas ang sama ng loob ko sa tatay at nanay ko pati na rin kay--Teka, why am I even explaining to you? Just go. Maglalabas pa ko ng sama ng loob." Yun ang dahilan niya kung bakit niya ginagawa ito? Tumalikod na ulit siya at maglalakad na nang pigilan ko ulit siya.
"Teka lang.."
"Ano ba?!" balik na naman siya sa pagka-iritable niya.
"May alam akong lugar kung saan mo pwedeng ilabas yang sama ng loob mo. Tara." Nilapitan ko siya at hinawakan ang braso niya. Ewan ko ba sa sarili ko at hindi ako natakot na baka suntukin niya ako sa ginawa kong paghawak sa kanya.
"Ha? Hindi na kailangan. Huy. Bitiwan mo nga ako. Isa! Ano ba?! San mo ba ko dadalhin? Ang kulit mo talaga. Huy, isa. Pagbilang ko nang tatlo at di mo pa ko binibitawan sasapakin talaga kita. Isa! Dalawa! Huy! Bakit tayo sasakay dyan?" Hinatak ko lang siya nang hinatak. Hindi rin naman siya kumakawala o pumapalag. Pumara ako ng jeep.
"Basta. Sumakay ka na lang. O sige na, mauna ka na. Ano? Akyat na. Nagagalit na si kuya drayber, oh! Malelate yung mga pasahero sa pupuntahan nila dahil dyan sa ginagawa mo." ayaw niya pa kasing sumakay. Hawak ko pa rin siya sa braso niya.
"Oo nga. Malelate na kami. Sumakay ka na." ani nung isang pasaherong nakauniform.
"Oh narinig mo? Sakay na. Dali." Nginitian ko siya.
BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from the same High School and University he is attending, for a very long time. The thing is, everybody knows Mico is gay and Tyrone's deeply i...