I dedicate this chapter to my second follower, JaysonBruzo, hope you'd like it. :D
********
Chapter 5
Mico's P.O.V.
Nag-resign na ako sa trabaho ko sa mall. Nitong mga nakaraang araw kasi parang nagkakaron na ako ng problema sa time management dahil dun. Pero gusto ko pa rin namang magtrabaho at kumita ng pera pero sana yung okay sa sched ko at hindi stressful.
AT next week nga ay start na ng bago kong trabaho bilang private tutor ng anak ng mag-asawang negosyante. Okay na yun kasi tuwing weekends lang yun at dalawang oras lang kada araw at ang sweldo? Tumataginting na 3,000 pesos kada linggo.
Ang totoo niyan, pagiging student assistant ang inapplyan ko sa university kaso puno na daw ang slots dahil kalagitnaan na ng semester. Mabuti na lang at yung prof ko ay inofferan ako ng trabaho at yun nga ay ang magiging trabaho ko next week. Tinanggap ko na kasi bukod sa fact na convenient yun para sa akin, gusto ko ring magturo ng bata. Tsaka malaking opportunity na rin yun para sa akin kasi kahit hindi naman ako teacher at meron namang mga professional na pwedeng i-hire, nagtiwala pa rin sila sa kakayahan ko.
Habang nag-iisketch sa library, naramdaman ko na nagvibrate yung cp ko sa bulsa kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag."Hi, babe! Have you eaten lunch?" ang napakaenergetic na bati ng nasa kabilang linya.
"Hindi pa. Nasa library ako ngayon." mahinang sagot ko.
"Great. Let's eat together then. I'll fetch you there. Okay, babe?"
"Huy! Di ba sabi ko wag mo akong tatawagin nang ganyan? Ang kulit mo talaga, Jet." Pero sa totoo lang, kinikilig ako kapag tinatawag niya ako nang ganun. Feeling ko isa talaga akong babae. (Woot! Feelingero spotted.)
"Oops sorry. I forgot, ba--- Mico. Okay, I'll hang up now. Punta ko dyan now na." Pagkababang-pagkababa pa lang ng phone eh may kumalabit na sa likod ko at paglingon ko ay ang nakangiti at gwapong mukha ni Jet ang bumungad sa akin.
Ganito na ang naging set up namin mula nung araw na sinabi niya saking sa tingin niya ay nagkakagusto na siya sakin. Mag-iisang linggo na rin yun. Hindi ko alam kung dapat ba kong maniwala nung mga sandaling yun. Pakiramdam ko parang may pumipigil sakin na maniwala. At kung anuman yung bagay na yun, hindi ko maidentify.
Hindi ko rin naiwasang tanungin siya kung isa rin ba siyang bading pero isang malakas at malaking 'NO' ang sagot niya. Pero sinabi niya na if that's what it takes to like me, he would not regret a single thing because as what he has told me that time...
"You're worth it."
Hindi ko alam ang dapat kong ireact nung mga sandaling yun pero parang may sariling utak ang katawan ko at niyakap ko siya. Yumakap din siya sa akin. At habang magkayakap kami, parang gumaan yung pakiramdam ko at hindi na ko magpapakahipokrito, sobrang bumilis talaga yung pagtibok ng puso ko to the point na akala ko hihimatayin na ko.
Posible kaya na gusto ko na rin siya?
Pero paano si Tyrone?
Hindi ko na ba siya mahal?
Ewan ko.
Basta ang alam ko ng mga oras na yun, Jet has a special place in my heart.
Tyrone, too.
Dahil nabanggit ko na rin si Tyrone, hindi ko na siya nakita mula nung araw na nagkagulo kami sa canteen. Nakokonsensiya tuloy ako sa mga nabitawan kong masasakit na salita sa kanya. Medyo nawala na yung issue na iniistalk ko siya. Medyo umayos na rin yung pakikitungo sa akin ng IBANG estudyante sa school. What I meant was, some were back to ignoring me.

BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from the same High School and University he is attending, for a very long time. The thing is, everybody knows Mico is gay and Tyrone's deeply i...