Seventh Chapter - The Conflicted Feelings

5K 204 5
                                        

Chapter 7: 


Mico's P.O.V.

"Thank you, Jet," I told him as we arrived at university.

Nakita niya kasi ako kanina na naglalakad palabas ng subdivision nila kaya isinabay niya ako. Tamang-tama dahil dito rin ang punta niya para sa basketball practice nila.

"Sure, babe. Anytime." Nakangiti siya kaya kitang-kita ko ang mga pantay-pantay niyang ngipin.

Pero mayroon pa rin talagang kakaiba sa ngiti niya. Mayroon kaya siyang gustong sabihin? O baka ako lang itong paranoid. Siguro nga. Sinimangutan ko siya dahil tinawag niya na naman akong 'babe'.

"Ayan ka naman, Jet."

Nagulat ako nang bigla niyang pisilin ang magkabila kong pisngi.

"You're so cute talaga." He then lowered his head, and I was shocked by what he did next.

He...kissed me..

Mabilis lang ang naging paghalik niya sa pisngi ko, pero sapat na 'yun para pabilisin ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa side ng pisngi ko na hinalikan niya. Nablangko ang utak ko kung kaya 'di ko alam ang ire-react ko.

Halo-halo ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako. Naiinis ako sa kanya dahil ninakawan niya ako ng halik pero parang... nagustuhan ko 'yung pakiramdam na dumampi 'yung mga labi niya sa pisngi ko.

It felt... magical.

Mabuti na lamang at Linggo kaya wala masyadong tao sa university. Kami lang ang nasa parking lot kaya walang ibang saksi sa nangyari kundi kaming dalawa.

"Bye, babe," paalam niya bago tumakbo nang mabilis papasok ng university at iniwan akong nakatulala sa pwesto ko.

Ilang minuto ang lumipas bago ako nahimasmasan.

Pumasok na ako sa university at hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi. Pumunta ako sa locker ko upang kunin ang mga project na ipapasa ko. Isasarado ko na sana ito nang mapansin ko ang isang puting sobre. Napatigil ako at kinuha ito.

Doon ko lang naalala si Tyrone, ang lalaking matagal ko nang minamahal nang palihim. Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na may nararamdaman pa rin ako para sa kanya at hindi naman 'yun nagbago.

Pero si Jet, ano bang meron ako para sa kanya? Ang alam ko lang, masaya ako kapag kasama ko siya. Na parang sa wakas sa buhay ko, mayroon nang tao na naka-appreciate sa akin bukod sa pamilya ko. Gusto ko na ba siya talaga? Posible bang magustuhan ko siya kahit si Tyrone ang tinitibok ng puso ko? Ewan ko, ang gulu-gulo. Parang pinipiga ang utak ko. Ngayon ko lang naranasan ang mga bagay na ito.

Sinarado ko ang locker ko at, tulad ng parati kong ginagawa, inobserbahan ko ang paligid bago lumapit sa Locker 246 at pasimpleng ipinasok 'yung puting sobre rito. May mga kaunting estudyante, pero sa tingin ko naman ay walang nakapansin sa ginawa ko.

Pagkatapos kong gawin 'yun ay naglakad na ako papunta sa faculty room ng College of Engineering and Architecture. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Good afternoon po," bati ko sa mga professor na abala sa kani-kanilang laptops. Nilapitan ko ang mga professor ko at ipinasa sa kanila ang mga project ko.

Binati nila ang mga gawa ko at nagbirong may plus points daw ang pagpasa ko nang maaga. Nahiya naman ako kaya tipid ang naging ngiti ko at nagpaalam na.

Dahil maaga pa naman at alas-kwatro pa ako susunduin ni Tyrone, pumunta muna ako sa library para makigamit ng computer. Kaso, inaccessible nga pala ang electronic library tuwing Linggo.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon