Fifth Chapter - New (Part II)

4.6K 200 3
                                    

******

Chapter 5 Part Two

"I'd very much prefer if you'd lower down your voice, young man." Seryosong sabi ng tatay niya. Medyo natakot din yata si Tyrone kasi medyo kumalma yung mukha niya.

"Pumayag si mom na ganito?" ang parang frustrated niya nang sabi.

"Yes, TJ. But it's not just her. We both made THIS decision."

"Dad, wag nyo namang gawin sakin to. Don't you think I'm too old to be tutored? Dad, please naman."

"Yes, you're already nineteen but you're always acting like a spoiled and moody 5 year-old kid."

"Pero dad...."

"I don't like this, either. But Tyrone, you left us no choice but to do this."

"Dad please. I promise aayusin ko na yung pag-aaral ko. You don't have to do this anymore." Para akong nanunood ng sine. Titingin ako kay Tyrone kapag siya ang magsasalita tapos sa daddy niya naman kapag ito na. At habang pinagmamasdan ko sila, tinatanong ko sa aking sarili kung paanong hindi ko napansin ang pagkakahawig ni Mr. Rivera kay Tyrone nang una ko siyang makita kani-kanina lang.

"You said the same, exact words last semester."

"Dad, I promise totoo na to this time. Please. I beg you."

Matagal nagtitigan ang mag-ama pero si Mr. Rivera ang nagputol nito.

"I'm sorry, TJ. Our decision's final. Mr. Mico Padua here will guide you with your studies."

"Dad naman. Nagmamakaawa na nga ako, oh!"

"Just do great, TJ."

"Palagi naman kayong ganyan, eh! Pambihira! Kayo na lang nang kayo ang nasusunod!! Una, pinagquit nyo ko sa basketball team ng school. Tapos pinakuha nyo ko ng kursong hindi ko naman talaga gusto. Palagi na lang yung gusto nyo ang dapat masunod. DAD, BUHAY KO TO. Paano naman yung gusto ko?!?" Nagulat ako sa mga sinabi ni Tyrone. Namumula na yung mga mata niya. Ganun ba talaga kasama ang loob niya dahil dito?

"Ayokong magpatutor, dad. Hindi ako papayag. And that's final." ani Tyrone, tumalikod at nagsimulang maglakad.

"And you think maiisahan mo ako? Then don't if you don't like. But you should bid your goodbye to your car, your bike, and you'll get nothing from me." ani Mr. Rivera na ikinahinto ni Tyrone

"No, you can't do that."

"Of course I can do that." Lumingon si Tyrone at nakita ko sa mukha niya na nasasaktan siya pero pilit niyang itinatago yun.

"Then do it. Dun naman kayo magaling. Dun kayo masaya."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagpatuloy na siya sa pag-akyat niya sa kwarto niya. Ewan ko ba, parang bigla rin akong nalungkot. Nakatingin lang ako sa direksyong tinahak ni Tyrone nang magsalita si Mr. Rivera.

"I'm so sorry about that, Mr. Padua. Just don't mind that. You can start working now. Please bear with my son. Here's my calling card. Call me if anything goes out of hand, okay?"

"P-Pero sir..."

"What is it?"

"Tingin ko po, mas maganda kung hahayaan na lang po natin si Tyro--"

"I know my son well. Susundin niya kung anong gusto ko, namin ng mom niya. He's maybe like this right now but eventually, he'll cool down and he'll realize what's our purpose for doing this. Sige na, Mr. Padua. Puntahan mo na siya sa kwarto niya. Kailangan ko ng umalis. Good luck." Ngumiti na lang ako nang mapait.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon