Chapter Six

11 1 0
                                    

FATED
CHAPTER SIX
SELENE'S POV

FLASHBACK.

"Ne! Gising na ne! Dalian mo gumising ka na dyan!" Rinig kong gising sa akin ng isang matandang babaeng napadilat naman ako sa pag alog niya.

"Bakit po?" Nag kukusot pa ako ng mata dahil hindi ko naman siya kilala.

"Andyan na yung mga pulis, huhuliin tayo mga palaboy bawal kasi dito matulog dali at kunin mo na yang karton mo!" Nag mamadali niyang sabi.

Dahil doon nanglaki ang mga mata ko at mabilis kong dinampot mga gamit ko. Kaunti lang naman to, karton na pinag tutulugan ko sako ng kaunting damit ko. Hinawakan na niya bigla kamay ko at nag mamadali, sumabay naman ako sa pag takbo niya.

Maraming eskinita nilusutan namin dahil naririnig namin yung hiyaw ng mga pulis na hinahabol kaming mga palaboy.

Tumakbo ako hanggang sa makakaya ko tipong yung kabog nalang ng dibdib ko nararamdaman ko.

Tas nag tago na kami sa isang maliit na eskiniti nitong matandang babae. Hinahabol lang namin yung hininga namin napansin ko naman na sumilip siya sa may labas. Sinisugurado niyang naligaw na namin ang ilang pulis at tanod.

"Mukhang naligaw na natin sila" sabi niya sa akin.

Kaya lumabas na kami sa pinag tataguan namin.

"Salamat po" sabi ko sakanya.

"Walang anuman hija ang kaso kailangan na kitang iwan dahil hindi ko naman kaya kumuha ng kasama alam mo naman buhay natin mahirap." Sabi niya sa akin.

"Wala pong problema ingat po kayo lagi"  hindi din naman akong umaasa na may aampon sa tulad ko.

Ang iligtas niya ako sa mga pulis at tanod okay na saakin hindi na ako ulit maibabalik pa sa shelter.

Tumakas kasi ako sa shelter kung saan andoon ang mga batang ulila na mga madre ang nag aalaga saamin. Kaso sa tagal ko doon wala pa din gustong ampunin ako, kaya napag desisyunan kong tumakas para ako ang gumawa ng sarili kong kapalaran.

Kapag nasa loob lang ako ng shelter tingin ko walang oportunidad saakin. Kaya ako ito ngayon palaboy, natutulog sa malamig na semento o kalsada ng metro manila. Kumakain sa mga basurahan at nakikiinom sa mga karinderya o kaya sa mga naiiwan ng mga customer.

Napaupo nalang ako sa may gater at kumakalam ng tyan. Napahawak tuloy ako sa tyan ko kasi ang sakit na tapos matunog. Nag iisip ako paano ako didiskarte.

May napansin akong nag babarbeque sa kabilang kalsada kaya napatingin ako sa bulsa ko kung mag kano pa ba to, bente pesos nalang pala tong pinag limusan ko.

Kailangan maitipid ko pa to hanggang bukas,  ay alam ko na. Kaya tumawid na ako papunta doon.

Pag dating ko doon napatingin agad ako sa iniihaw na mga karne, nag lalaway tuloy ako.

"Bibili ka ba?" Mataray na tanong sa akin ng bantay.

"Kulang po yung pera ko" sabi kong nahihiya.

"Edi umalis ka na! Mapepeste yung negosyo ko sayo!" Galit na galit na sabi.

"May offer ako sayo ate, kakanta ako sa may karaoke niyo kapag dumami bente mo bibigyan mo ko barbeque?" Nakangiting sabi ko sakanya.

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon