Chapter Thirty Eight

4 0 0
                                    

FATED
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAOS' POV

"So, I think? Two versus One tayo" excited na tanong saamin ni Nadya.

At binato niya kami ng mga bolang apoy, mabilis naman kami nakailag ni Rumi. Pag lingon namin ulit kay Nadya gumagawa pa siya ng isa niyang duplicate. Kaya ngayon dalawang Nadya na nasa harapan namin.

Sabagay sinugod si Rumi, wala na akong choice kaya nilabas ko na yung sword ko at sinugod siya. Mabilis naman niya nasangga ang armas ko gamit ang kanyang nag liliyab na mga kamay. At napalayo ako sakanya dahil sa lakas ng impact, napadura din ako ng dugo. Sabay tinginan siya ng masama.

"Alam mo, Carlos. Minsan na kita na talo hindi mo ba ako naaalala?" Natatawa niyang sabi.

"Hindi mo ko maloloko, ni hindi nga kita kilala!" Nanggigil kong sabi sakanya.

"Sabayan matagal naman yun? Pero naalala mo ba? Bakit ka nga ba pinutulan ng pakpak at itinapon sa lupa?" Dahil sa sinabing nyan yun, bigla ko naalala na wala nga akong masyadong naalala nung bumagsak ako dito sa lupa. "Mukhang napaisip siya" dagdag niya.

Napapansin ko na gumagawa siya ng protection circle para saamin dalawa gamit ang apoy.

"CHAOS!!!" Rinig kong sigaw ni Rumi ng pangalan ko pero na papatulala na ako sa pag tingin ko sa apoy at naramdaman ko ang pag hawak ni Nadya ng ulo ko sabay nakaramdam ako na parang kinukuryente ito.

Kaya napasigaw ako sa sakit, ngunit habang kinukuryente niya ako may mga pictures akong nakikitang nagnflaflashback saakin.

FLASHBACK

"AYA?!" naninigurado ako kung totoong siya ba talaga ito. Dahil ang tagal ko na siyang hinahanap.

"Ako nga, Carlos" sa pag kakasabi niyang yun niyakap ko siya ng mahigpit. At tinanggal ko naman ito ulit at tinignan ng mabuti ang kanyang mukha.

"Kahit saan saan kita hinanap kapatid ko, ngunit ang sabi nila ay nakuha ka na daw ng mga taga ilalim dahil gumawa ka daw ng kalasanan?" Sambit ko sakanya.

"Ngunit andito na ako, atsaka hindi totoo ang kanilang tinuran saakin. Wala akong kasalanan. Tanging nag karoon lamang ako ng kamalayan saating mga anghel. Tignan mo ko? Wala namang pinagbago saakin" kanyang paliwanag.

Lumayo siya saakin ng bahagya at unti unti niyang hinubad ang kanyang saplot sa aking harapan. Nag tataka pa din ako dahil may mukha siyang gaya ni Aya ngunit iba ang kanyang kinikilos at pag uugali hindi ganto ang Aya na aking kilala.

Bigla siyang lumapit saakin at hinalikan ako ng mapupusok. Ngunit pinipigilan ko siya at binigyan ko siya ng nakakapag taka na tingin.

At unti unti akong nakakaramdam na may gumagapang saaking katawan at unti unti akong parang nawawalan ng hininga.

Narinig ako ang pag tawa ni Aya sa harapan ko at napapansin ko nag iiba ang kanyang anyo. Isang demonyo.

"Napakadali talagang mabilog ng mga anghel, ganyan din ang nangyare kay Aya. Sa iyong sinisinta! Ang sarap talaga umubos ng mga anghel napakadali ng gantong trabaho" at tawa niya muli.

"Si-sino ka? A-asan si A-aya? At a-ano gi-na-wa mo sa-akin?" Pag tatanong ko sakanya habang hinahabol ko hininga ko.

"Ako?! Ako si Nadya Valentina! Anak ni Lilith, isa sa mga Demonyong Mapanukso. Para kay Aya, kinain ko lamang ang kanyang espirito upang manatili pa din akong maganda, at binigyan kita ng lason, ang lason na yan nakakagawa ng bagong kalahi namin. Ibig sabihin hindi ka na anghel at pag gising mo bukas puputulan ka na nila ng pakpak." Sabi niya sa akin.

END OF FLASHBACK

Napasigaw ako sa sakit, at unti unti kong nakita ang apo na nakapalibot saamin at nawala sabay hahawakan ko na sana ang kanyang kamay galing sa aking ulo nung lumipad siya papalayo saakin.

Napatulo ang luha ko, dahil sakanya nawala ang posisyon ko bilang Anghel at namatay si Aya!

"Walang hiya ka talaga!!!" At sinugod ko siya hindi ko na alam kung natatamaan ko ba siya. Dahil walang pumapasok sa isip ko ngayon ang makaganti lang.

Dahil pala sakanya naging ganto ka komplikado buhay ko!!!

"Sige lang, Carlos. Ipakita mo galit mo ang tunay na ikaw" dahil sa sinabi niya.

Nakaramdam ako ng mas malakas na pwersa galing sa loob ko. Nakikita ko din na umiitim ang aura ng sandata ko pati din ang nga ugat ko nag lalabasan na saaking nga kamay. Lumalabas na naman masamang pag katao ko.

Hanggang sa natamaan ko ang braso niya dahil doon na patigil siya at napatingin sa braso niyang dumudugo nakikita ko din na mabagal ang pag galing ng sugat niya kaya pag kakataon ko na ulit na tamaan siya.

"CHAOS! WAG!!!" Rinig kong sigaw ni Rumi at naramdaman ko ang isang bolang apoy na papunta saakin pero bago pa ito makarating saakin. Sinalo na ito ni Rumi para saakin at nakawangis na isang uwak.

Dahil doon napatigil ako nabitawan ko ang armas ko at tumakbo papunta sakanya. Yung bolang apoy naging pana. Agad ko siya kinuha at nag wangis tao na siya.

Inalog ko siya ng bahagya "Rumi!" Tawag ko ng pangalan niya at unti unti niyang dinilat ang kanyang mga mata. Napansin ko din na tinamaan siya ng pana sa kanyang dibdib, katulad ng ginagawa niya saakin noon para mailigtas niya ako.

Unti unti niyang inangat yung kanang kamay niya kaya kinuha ko to at inilapit sa aking pisngi nakita ko din na ngumiti siya saakin at bigla niyang pinikit ang kanyang mga mata na may tumulo pang luha.

"NO! DON'T LEAVE ME LIKE THIS! RUMI!!!" Sigaw ko habang umiiyak at inaalog siya ng bahagya.

"Nakakaiyak naman kawawang, Carlos lahat ng mga malalapit sakanya o mga nag mamahal sakanya namamatay. Unfortunate" pang-aasar saakin ni Nadya.

At inangat ko ang kamay ko, dahil doon naramdaman ko na umuuga ang lupa at parang magnet nag dikitan kay Nadya ang mga bato, kumakawala siya at galit na galit ngunit hindi siya makagalaw.

Sabay mayroon liwanag ang tumutok sa ibabaw niya. At mas lalo pa siyang sumigaw na tipong na sasaktan ito at nakikita ko din ang pag usok niya. At unti unting na susunog, at naging abo.

Napatingin naman ako ngayon sa walang buhay na si Rumi at niyakap siya ng mahigpit na umiiyak.

"If I can go back in time, definitely mamahalin kita ng gaya ng pag mamahal mo saakin. Mahal kita, Rumi. I'm sorry if I am too late" at tanggal ko ng pana sa dibdib niya.

To be continued...

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon