Chapter Eight

7 1 0
                                    

FATED
CHAPTER EIGHT
SELENE'S POV

These days though schedule na naman ako dahil nirelease na yung mv at album ko. Buti nalang na sulit ko yung restday ko.

Ngayon andito ako sa dressing room ng isang sikat na evening show may guesting kasi ako at interview. Inaayusan na nila ako for my hair and makeup pati yung para sa susuotin ko pinasok na din ng P.A ko.

"Miss Selene, quick update lang po para saating line up. Bale pag katapos ng production may mga guess pa po na mga tarot reader at paranormal expert para po sa halloween special then commercial po pag tapos ng commercial que niyo na po yun. Tas may segment din po na mag pipick a cards. Thank you po" sabi saakin ng staff nila.

"Okay, thank you" at ngiti ko sa kanya.

Tarot reading seems interesting, wala naman masama if i give it a try. Mapapansin ko naman if mag reresonate saakin atsaka marami na din akong artista napanood na na reading sila at accurate naman daw? Pwede din na for show lang yun? Who knows diba?

--

"Ayun na nga partner, tonight may guess tayo na super pretty at sexy" rinig ko na sabi ng isang host

"True ka dyan partner kaya pakilala na natin siya" rinig ko nasabi naman ng isang host

"Let's give her an around of applause, miss selene dela roza" sabay nilang sabi ng pangalan ko

At nag open na yung pinto at lumabas na ako na may ngiti sa labi.

"Hello sa inyong lahat" bati ko at kaway ko sa audience.

--

"Baka pwede mo naman ishare yung story behind ng title track song mo" sabi saakin ng host

At pinatutog nila yung ilang verse ng kanta ko na pangiti naman ako.

"It's all about my guardian angel, kasi when i was a kid i kept dreaming of a guy na lagi ako nililigtas. Then when my accident happened 3 years ago, it's a miracle kasi nakaligtas daw ako. Tatlong beses nila ako nirevive at sa last chance na yun bigla bumalik heartbeat ko hindi din ako na pasukan ng tubig sa baga ko. Tapos pag gising ko may puting feather sa gilid ng side table ko malaki siya tapos kapag tinignan mo mabuti yung hibla nung feather kumikinang siya na parang may glitters imagine nasa hospital ako then may feather kaya malakas ang kutob ko galing siya sa guardian angel ko. Kaya nasulat ko yung kantang yun. Siguro kung tao lang siya baka ganong type ang possible kong jowain" pabiro kong sabi at natawa ako.

Narinig ko din naman ang audience na nakitawa at pati yung mga host na pangiti.

"Sakto at na open mo yang topic na yan kasi ang next question namin for you is ano ba ang ideal type ng isang selene dela roza?" Tanong saakin ng isang host

"For sure may nga fan boys ka din na curious at baka gusto nila mag apply as boyfriend mo kasi ang alam ng lahat single ka" sabi naman ng isang host

Napangiti muna ako bago sumagot, "Simple lang naman gusto ko sa guy, gusto ko yung mamahalin ako na ako lang talaga. Matalino kausap atsaka may pangarap para saamin yung tipong gusto na ako pakasalan at mag karoon ng anak. Hindi naman na din kasi ako bumabata need ko din ng partner in life" seryoso kong sabi.

"Oh ayan, napakadali naman pala ma-hit ang standards nito ni Selene. Napakasimple yet very touching" compliment ng host saakin.

--

Now andito na kami sa segment na mag pipick na ako ng cards.

"First time mo miss selene?" Tanong saakin ng tarot reader habang shinashuffle niya yung cards.

"Yes" medyo kinakabahan kong sagot

"If hindi nag resonate sayo ang cards just flew it away nalang. Cut mo tatlo" sabi niya saakin

Habang nakatapat saakin ang cards niya at nakataob. Hinati ko naman ito sa tatlo.

"Kailan ang birthday mo?" Tanong niya ulit saakin habang pinag papatong patong niya ulit yung cards at inispread niya na sa table.

"January 4, 1993" banggit ko.

"Capricorn, i see now choose seven cards. Take your time wag ka mag mamadali" instruct niya saakin

Tulad ng sabi niya gamit ang intuition ko pinili ko mabuti yung cards ko. Nung natapos na ako unti unti niyang binuklat yung mga cards ko at pinag hanayhanay niya ng diretso. Para makita niya yung sequences ng maayos.

"Eight of wands, Nine of swords, Nine of pentacles, The Empress reversed, the lovers, the wheel of fortune and the world" turo niya sa bawat baraha.

"Now sana point ka ng buhay mo na iniisip mo na sobrang bilis ng mga nangyayare kahit ganon nakakaramdaman ka pa din ng kalungkutan" sabay turo niya sa dalawang cards yung wight of wands at saka nine of swords. "maraming opportunity na papasok pero may mga hardships ka din na mag struggle ka sobra mas lalo na sa pag kilala mo sa tunay mong pag katao yung inner self na sinasabi natin" turo naman niya sa cards ng the empress at nine of pentacles. "May dadating din na lalaki sa buhay mo probably love interest kasi may the lovers card ka. Dahil sa lalaki ding ito mag babago takbo ng buhay mo at magiging safe haven mo siya dahil sa nabunot mong the wheel of fortune at the world na cards"  ayan ang interpret niya sa akin through cards

"Wow, sino naman kaya yung lucky guy?" Excited na sabi nung isang host.

Napangiti nalang ako, dahil may bagong dadating sa buhay ko hindi nalang basta sa career ko.

--

Natapos na yung show, maganda naman ang flow walang nangyareng kahit ano mang masama.

Nag lalakad na kami sa may parking lot kasama ng team ko papuntang van namin nung may narinig akong tumawag sa pangalan ko kaya na palingon ako kung sino to.

At nakita ko ito yung reader kanina, pinauna ko na sila Chaos pumasok ng van.

"May sasabihin pa pala akong importante sayo" sabi nito

Dahil sa sinabi niya hindi ko alam bakit bigla bumabog ang dibdib ko. "Ano naman yun?" Nag tatakang tanong ko sakanya hindi maalis sa dibdib ko ang pag kabog nito.

"Sa susunod na taon mag lalambing siyam na taon ka na, asahan mo ang malalaking pag babago sa buhay mo at tatagan mo loob mo" paalala niya saakin.

At may kinuha siya sa bulsa niya at kinuha ang aking kamay at pinatong saakin ang isang bagay.

Napatingin ako dito "Rossary?" Takang sabi ko.

At pag lingon ko ulit nawala na yung tarot reader, napatingin pa ako kaliwat kanan ang bilis niya mawala. Napatingin ulit ako sa rosaryo na binigay niya, kulay pula ito at may amoy. Kasing amoy ng rosas kung hindi ako nag kakamali.

Mukhang susubukin talaga ako sa susunod na taon ko, gabayan niyo ko dyos ko ~

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon