Chapter Twenty Three

6 0 0
                                    

FATED
CHAPTER TWENTY THREE
SELENE'S POV

"Just smile to the camera" bulong ko kay Gero habang kinukuhaan kami ng pictures dito sa red carpet.

Andito na kami sa Valentine's Party ng Company. Naka hot pink lang ako na shimmery strapless long gown at may high slit, with white fur shawl. Yung make up ko naman. Clean makeup look lang then sa hair ko mermaid curls then may heart shaped purse ako at sa shoes hot pink pumps.

Ang outfit naman ni Gero, Hot pink na tuxedo and pants then nakabrush up lang hair nya. Sa shoe white combat boots.

Dirediretso lang kami sa table namin, tinitignan ko lang siya. Kaya napatingin siya saakin. Binigyan nya ako ng tingin na "bakit?"

Umiling lang ako tapos ngumiti sakanya at binulong ko "very pogi" compliment ko sakanya at sabay kaming natawa.

Yung event namin ngayon ang dating nya parang prom pero extra lang siya. Dahil may mga waiter na may mga dalang tray with wine. At merong malawak na dance floor sa gitna.

Ngayon napatingin ako kay Gero na nasa tabi ko ngayon. Hindi ko akalain na dadating kami sa punto na to pakiramdam ko medyo nag uupgrade na relasyon namin. Dati napakaslow moving, ngayon feel na feel ko na opisyal dating na talaga kami~

Inabot ko yung kamay niya na nasa ilalim ng mesa at hinawakan ko ito. Kaya napatingin siya dito medyo nagulat pa nga siya pero ngumiti lang ako sabay ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"I dunno if maririnig mo ako pero I'm so happy right now, Gero. Pakiramdaman ko na I'm free like a bird" sabi ko sa isip ko.

Lahat kaming nasa loob ng venue hall nag taka nung biglang nag flicker yung mga ilaw. Unti unti ng nag silabasan sa mga bibig namin ang reklamo dahil hindi mahinto hinto ang pag patay sindi ng mga ilaw at nag mamalfunction na ang mga soind system pati mga cellphones pawala wala din ang signal.

Narinig ko naman na parang napapasinghot si Gero may sinusundan siyang amoy kaya na patanggal ako ng pag kakapatong ng ulo ko sa balikat niya.

"Demon" bulong niya

Nauna kinataka ko, iniikot na niya nung paningin niya at may hinahanap siya. Doon lang bigla nag sink in saakin yung salitang Demon, at nag flashback lahat ng mga nangyare saakin nung mga nakaraan sa mga halimaw na yan.

Bigla napalaki ang mata ko nung narealized ko na, hindi pala biro itong mga kalaban ni Gero. Bakit hindi ko na isip na mga kampon pala talaga sila ng kadiliman opposite nila Gero na nasa liwanag.

Bigla na din ako may naamoy na masang sang ang amoy. Ano ba yun napakabaho, pati din mga kasamahan namin nag rereklamo na. At may mga nag labasan na ngang mga kakaibang nilalang gumagapang sila at ang sasangsang ng mga amoy.

Nag sisigawan sa takot at pandidiri ang mga tao ngayon.

At may lumabas na ngang isang babae, tipong napakapayat nya at nakasuot din ng gown pero madumi. "Mamili na kayo ng kakainin niyi dyan mga alaga ko" rinig naming utos niya sa mga tinatawag niyang alaga.

Ang bilis nilang tumakbo at nag si talunan sila sa mga malalapit na desk, nag kakagulo na din lahat ng tao at nag sisitakbuhan na sila palabas ng exit door at emergency door.

Ako na statwa ako sa kinauupuan ko nung may tatakbo na palapit sa table namin nung biglang itinumba ni Gero nung desk namin para maging shield kaya tumalsik nung isang demon.

"Ano ba nangyayare?" Tanong ko kay Gero na hindi maialis ang mata sa mga kalaban niya.

"Nanggugulo na naman sila, mabuti ng lumabas na kayo ako na bahala dito" mabilis nyang sagot saakin.

"Paano ka?" Pag aalala ko sakanya

"Protektado ako, tatawagin ko din mga kapatid ko" sabay may kinapa siya sa bulsa niya isang whistle.

At inihipan na ito pero soundless naman yung whistle niya.

"Sige na umalis ka na dito, Selene" utos niya saakin at abot niya saakin ng krus ng kwintas.

Napansin ko naman na tumakbo na yung mga kasama ko sa desk pero saan ako lalabas yung exit punong puno na.

At mabilis ng tumakbo si Gero sa mga kalaban at lumitaw din sa kanang kamay niya yung golden sword niya.

At unti unting inislayed yung mga demons, actually napakadami nila at iisa lang si Gero. Asan na ba yung mga ibang angels. Lord, tulungan mo po sana si Gero.

Tatakbo na sana ako nung may naramdaman akong nasa likod ko kaya napalingon ako.

Nagulat naman ako sa nakita ko nasa harapan ko na ngayon yung leader ng pack na to. Napaka chaka niya promise.

Naiiyak nalang ako sa takot at sa sakit ng mata ko dahil sa mabaho niyang amoy.

"Maganda ang mukha mo, bagay saakin" excited na sabi niya.

"Not my face! GERO!!!" Sigaw ko ng pangalan niya.

"SELENE!!!" dahil doon bigla tuloy nakuyog si Gero ng mga impaktong to.

"Wala na magagawa yung boyfriend mong anghel akin na yang mukha mo" at mas lalo pa siya lumapit saakin.

Kaya napacover nalang ako ng face ko ng kamay ko nung bigla kong narinig na nag sisigaw siya kaya na palingon ako. Napansin ko naman na parang natatakot siya sa kwintas ni Gero na krus na ngayon hawak hawak ko pala.

At biglang may dumaan saakin na napakalaking ilaw napakabilis nito na hindi siya mahuhuli ng ordinaryong mata lang at nag strike sa dibdib nitong demon na to.

At lahat nag turned into dust, kaya napatingala ako. Dahil daig pang umulan ng glitters ngayon.

"Amen" rinig kong sabi na hindi kalayuan saakin.

Kaya napalingon ako sakanya, nung nag katagpuan kami sa mga mata. Iyuko niya ng bahagya yung ulo niya.

"Thank you, Aakil" bulong ko sakanya at pumunta na sa mga ibang may kailangan ng tulong niya andito na din yung mga ibang mga Anghel tinutulungan nilang gamutin yung mga injured na mga tao.

Naramdaman ko naman na may humila saakin at niyakap ako ng mahigpit. "Mabuti ng ligtas ka" kaya niyakap ko siya balik. "Maraming Salamat sa kwintas mo lucky charm ko na to" at yakap ko sakanya pabalik.

"Akala ko mawawala ka na saakin" bulong niya saakin sa gitna ng yakapan namin.

"Hindi ako mawawala no, sabi mo nga saakin dati lagi ako nasa puso mo" sabi ko sakanya.

At mas lalo niya pang diniin yung pag kakayakap niya saakin.

To be continued...

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon