Chapter Seventeen

10 1 0
                                    

FATED
CHAPTER SEVENTEEN
SELENE'S POV

"Ay nako, finally last box na to" sabi ko habang binababa ko yung box sa flooring.

Finally nakalipat na din ako sa new space ko which is yung inoffer ni Chaos na isang unoccupied condo niya.

Napatingin naman ako sa buong space napangiti naman ako kasi atleast new begginings na naman ito para sa akin.

"You liked it?" Napalingon naman ako kay Chaos habang papasok.

Ngumiti naman ako at tumungo.

"Buti na nga lang ay fully furnished din to, kasi malalaki din gamit ko sa bahay" dagdag ko.

"Well, kasi ito ang first na nainvest ko. Kaya most of all gamit ko talaga and memorable. So lucky you" sabi niya habang papalapit papuntang couch at umupo na.

"Yes, swerte talaga ako sayo. Nga pala Chaos pwede favor?" Tanong ko sakanya.

"Oh, ano naman yun?" Sagot niya sa akin na nag tataka.

"Pwede ba na, tigilan mo na mag hanap ng projects for me?" Nahihiyang sabi ko sakanya

"Why? You like singing and performing diba?" Gulat na tanong niya.

"Oo, pero kasi ayaw na sa akin ng tao. Baka iba na talaga para sa akin ngayon." Sagot ko.

Nakita ko naman na napabuntong hininga siya. "Okay, Fine. If that's your will. I gonna respect that. Pero once may nag invite sayo sa mga events or show just take it okay?" Pag coconvince niya sa akin.

"Fine" maikling sagot ko.

--

Sa araw araw na ginagawa ng dyos lagi bumibisita saakin si Chaos at lagi siyang may dalang food.

Kwentuhan, Movie Marathon atsaka Chillin'

Parang ngayong gabi na to, chillin lang kami nag dala siya ng mga in can na beers atsaka mga music ko per album.

Napabuntong hininga naman ako bigla nung narinig ko yung isa sa mga kanta ko. Ito yung kanta na una kong na compose.

Nakakamiss din pala yung feeling na ginagawa mo yung isang bagay for passion at hindi lang for living.

"I like this song of yours" banggit ni Chaos kaya na patingin ako sa kanya ngayon na umiinom sa kanyang beer.

"Ako din, I remember una ko siyang na compose out of passion. Naalala ko din kasi that time sobrang inlove ko kay knife. Iba talaga nagagawa ng tao kapag inlove" natawa ako ng bahagya at napabuntong hininga sabay kinuha ko yung beer ko na nakapatong sa may table sa harap ko.

"Kaya nga, Love is the powerful emotion that a human have" sabi ni Chaos.

Dahil sa sinabi nyang yun napatingin ako sakanya. Nakatingin din sya saakin, ngayon ko lang din natitigan ang mukha nya ng ganto katagal at kalapit.

Indeed na gwapo talaga siya at para sa edad niya mukha talaga siyang bata walang wrinkles at all perfect skin at kissable red lips.

Nagulat ako sa biglang pag lapit ng mukha niya saakin at hinalikan ako, pati ako nagulat din sa response ko dahil hinalikan ko siya pabalik.

FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon