Kabanata 10

93.7K 4.8K 4.1K
                                    

Happier Than Ever — Billie Eilish

TW: Read at your own risk.

Kabanata 10

It was still vivid to me how everything spiraled down. Kung paano ang lahat ng kulay ay unti-unting kumupas. The flowers withered, the iridescent lights went grey, and the mutual love we had for each other. . .

Vanished.

I was drastically lifeless and my only motivation drained me. At kapag nakikita ko si Dayanara, naaalala ko kung paano n'ya balewalain ang pagkawala ni Mama.

Sinunog si Mama.

Na parang basura.

Tears welled up in my eyes. Hindi mapigilan ang luha. I was always careful knowing that a number of scornful eyes are watching me. Subalit sa gabing ito ay naging halaghag ako sa paghikbi at pag-iyak.

Si Mama. . .

I remember her smiles, her sacrifices, and how she even painted herself as the villain for me to have a better life. Niyakap ko ang aking tuhod at unti-unting nagpapaunahan ang mga luha ko sa pagtulo.

Pinalis ko ito. Gusto ko pa rin malaman kung saan siya nilibing at gusto kong mapakulong si Ernesto. Gagawin ko ang lahat upang makulong siya. Hindi ako titigil hanggang hindi siya napupunta sa likod ng mga rehas. Mama didn't deserve any of that. Kahit sino ay walang may deserve no'n.

Ang simple lang ng buhay ko noon.

Bakit kailangan humantong sa ganito?

I was supposed to be living a simple life. Kasama si Mama. Si Etienne. Si CL. Hindi ganito na unti-unti ako pinapasuko.

All I ever wanted was a peaceful life yet life isn't always peaceful. I trace the lines of a heartbeat in the air. Up and down. Down and up. Always in the same motion. If it's in a perfect straight line, it means you're not living. My hand stopped mid-air in the lower position.

Bakit parang parating nasa ibaba ang akin?

That my life is always spiraling downwards.

Mugto ang mga mata ko nang pumasok ako kinabukasan. Unfortunately, Etienne wasn't around and he was labeled as absent in our attendance. Sumisinghot pa ako dahil hanggang ngayon ay walang patid ang pag-agos ng aking luha. Ang ilan sa mga kaklase ko ay bumuo pa nga ng mga haka-haka tungkol sa akin.

"Iniiyakan 'yata si CL," ani Tanya sa mga kaibigan n'ya. "Sabi ko sa inyo e, pinagpalit nga siya."

"Kawawa naman si Solstice."

"Makakahanap pa naman siya ng iba," saad ni Rebecca. Isa sa mga kaibigan ni Tanya. "Sayang lang dahil gwapo rin si CL at batch representative ng grade ten."

"Baka naman hindi lang naka-abot sa sale kagabi?"

"Alam mo naman na likas na madadrama talaga ang mga babae," Tanya cackled. Sinundan ito ng mga kaibigan n'ya. "Baka nga. Ako rin siguro ay iiyak kung di ako umabot ng sale kagabi."

Hindi ko mapigilan ang umiling habang pinupunasan ng tissue ang mga luha ko. Gaga ka ba? Babae ka rin. At ano'ng mali sa pag-iyak? Ano mayroon at bakit naging ma-drama na agad ito?

I badly wanted to refute but I have no energy. Humahantong ka na lang talaga sa hinahayaan mo na lang ang mga usap-usapan tungkol sa 'yo dahil tapos naman na nilang alamin ang kwento mo. People are not always open for discussion and you have no choice but to accept that. No matter how annoying it is that you can't always defend yourself from their own version of the truth.

At bakit kapag umiiyak ang isang babae, awtomatikong tungkol na ito sa lalaki?

My problems are not always related to another gender. It isn't always about love, the superficial things, and it's not because I'm a girl; umiiyak ako at madrama ako dahil tao ako. I hate how crying is only associated with girls, and if a guy cried — he's automatically labeled as a drama queen.

Bits of Chemistry | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon