Kabanata 42

105K 5.1K 6K
                                    

Kabanata 42

Nagtatahip-tahip ang dibdib ko sa sobrang kaba. Halos ilang oras na silang wala at hindi ako sinasagot ni Snyder. Alam ko naman kung saan n'ya p'wedeng dinala ang anak ko. The safe one, pinunta n'ya lang ito sa mall. The worst one, pinunta n'ya ito kay Etienne.

Knowing Esmael, alam kong dinala n'ya ito sa walanghiyang tatay ng anak ko.

I decided to halt my overthinking by finally making a move. Naligo ako at nagpalit ng mas pormal na damit. A white long sleeve shirt and black slacks. I decided to put on beige flat shoes for a more comfortable walk.

Sinuot ko ang pearls ko bago napalingon sa tumutunog na cellphone malapit sa kusina. I walked towards it and answered the call.

"Solstice," ani Snyder.

"Fuck off, nasaan ang anak ko?!"

"Huwag ka muna magagalit."

"Bakit di ako magagalit?!"

"Promise me first that I'm still your friend."

"Friendship over na tayo!" singhal ko sa kan'ya at marahan na napasapo sa aking noo.

"Okay, di mo na malalaman kung nasaan si Leven —"

"Nagagawa mo pa talagang magbiro?! I'm serious here! Snyder, si Leven na lang ang mayroon a-ako!" I yelled through the call. Unti-unting hinihingal dahil sa pagpipigil ng galit.

"He's with Etienne."

My hand froze. Natigalgal ako sa aking kinatatayuan habang iniisip ang mga posibleng mangyari na ngayon ay magkasama sila. May bumabalakid sa lalamunan kaya hindi agad ako nakasagot.

"Nasaan kayo?" My tone switched to a more serious one.

Pinuntahan ko ang villa ng mga Soteiro. We used to play around here a lot. The garden here had a lot of our engravings. Tiningnan ako ng security guard sa may gate at unti-unting yumuko bago ako papasukin.

Namataan ko si Snyder kaya lalo akong namutla. He wasn't joking. He clearly told Etienne about it. Halos parang may hinihila akong bakal habang naglalakad patungo sa kan'ya.

"Snyder," I swallowed hard. "Nasaan si Leven?"

Bahagya n'yang tinuro ang pangalawang palapag ng mansion. Marahan naman akong napapikit at napamura. Sana lang ay wala rito si tita Elisse o kahit si tito Eije. I don't want to talk to them right now. Lalo na't nagpupuyos ako ngayon sa galit.

Dali-dali akong umakyat kahit tumatalbog ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Etienne. He didn't want the child! I told him about it through a letter but he only tossed it. Paano kung may gagawin siyang masama kay Leven?

No.

Etienne wouldn't do that. Kahit gaano pa siya kagalit sa akin, hindi naman siya mananakit ng bata.

I opened the first door while panting, definitely out of breath. Kitang-kita ko si Leven na tulog sa isang malaking kama habang may nakatingin sa kan'ya. I bit my lower lip and waited for him to look my way. Nilingon naman n'ya agad ako.

"Lavender," Etienne called in a small tone.

I glared at him, livid because of the current situation. "Akin na si Leven. Iuuwi ko na siya."

"Let's talk," Etienne said. Unti-unti siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.

Napaatras naman ako. I didn't want confrontations anymore. Hindi ko na siya kailangan. I wanted Leven to have a father but certainly not Etienne anymore! Ilang beses n'ya ako hindi pinansin! Hindi pinakinggan! Tapos ngayon ay mukhang ako pa ang may kasalanan?

Bits of Chemistry | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon