I

121 3 0
                                    

FRIENDS




Kaylee



"Iiyak-iyak ka nanaman? Sabi ko naman kasi sayo, wag don!" Tumingin naman ako nang masama kay Darryl.

"Anong klase kang kaibigan? Damayan mo na lang ako!" Hiyaw ko sa kanya while sila Sophie and Ivan naman, pinapakalma ako.

"Hoy, maharot na magjowa, umalalay nga muna kayo dito samin." Sigaw ni Sophie kela Maya at Eldon.

"Hay, nako. Si Darryl na bahala dyan." Maya.

"Ba't ako nanaman? Lahat naman tayo magkakaibigan dito ah." Habang patuloy na natulo ang luha ko at paghagod ni Sophie ng likod ko, umupo naman sa harap ko si Darryl.

"Nauumay na ako kaka-advice sayo, Kay. Matuto ka naman kasi sa mga past relationships mo and makinig ka sa mga sinasabi namin." Tough love talaga yang si Darryl but when it comes to me, nag-aact talaga siya like magkapatid kami.


Bigla namang tumayo si Darryl, "Sophie, kayo na muna bahala dyan." Pinigilan naman ni Sophie si Darryl. May lakad kasi ito.

"Wag mo na siputin date mo. Tulungan mo na lang muna kami rito kay Kaylee." Napapagod na nga friends ko sakin and I'm aware of that. Nakakapagod din naman umiyak pero I'm a hopeless romantic. I want happily everafter and I believe in true love. Sadyang hindi ko lang alam bakit hindi umaayos mga nagiging boyfriend ko.


"Para ano? Para di nanaman niya sundin ang sinasabi ko?" Nagkatinginan naman kami ni Darryl. I want him to stay pero I also want him na magkajowa na rin. Matagal-tagal na kasi simula noong huling nagkajowa si Darryl. And ang chismis, kaya nakikipagbreak sa kanya ay dahil sakin. Dahil pinagseselosan daw ako.


"Hindi na, Sophie. You can go now, Dada. Kaya ko na naman to e." Then sabay punas ng luha ko. I heard Darryl sighed and unbuckle his belt. Pumasok din muna siya sa room niya. Right now, nakatira kasi kami sa isa pang bahay nila Darryl. Pinayagan naman kami ng mga parents namin dahil malapit din ito sa Lincoln University where we all study. Kasi, kesa naman magdorm kami or magcondo isa-isa. Edi dito na lang kami. At least electricity lang ang binabayaran namin and food namin.


"Hindi na tutuloy talaga yon." Sabi ni Ivan and bigla kong na-realize. Shit! Baka nga hindi tumuloy si Darryl sa date niya because of me.


"Dapat hindi mo--" Narinig naman naming nagbukas ang pinto niya. Bunggalo lang ang bahay nila Darryl dito kaya naman kita agad namin kung sino ang lalabas o papasok. It has 6 bedrooms and lahat, occupied.


Unti-unti akong tumingin kay Darryl and positive. Nagpalit na nga siya ng damit at may kausap sa phone.


"Yah, I'm sorry may urgent lang na nangyari sa bahay ng parents ko." Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Ivan and Sophie.


"Promise babawi ako next time, Shirley. Okay?..... OKay, I'll see you around." And pinatay na niya ang phone niya. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya hanggang sa tumingin siya. Umiwas ako ng tingin hanggang sa makita ko na lang na nakaupo na ulit siya sa unahan ko.

Beside YouWhere stories live. Discover now