XVIII

35 2 1
                                    


MOVE BACK




Sophie


"Mukhang binakuran na talaga ni Jea si Darryl." I nodded.


"We can't blame her. Baka pati siya nararamdaman yung feelings ni Darryl kay Kaylee."


"For sure naman una pa lang, ramdam na niya yon. Hindi naman niya paiiwasin si Darryl kay Kaylee kung wala siyang kakaibang nafi-feel about sa feelings nung dalawa e." Sabi ni Mark.


"Honestly, nagulat ako sa sinabi ni Darryl sakin sa restau. Akala ko talaga, mae-excite si Darryl sa sasabihin ko but then, he kept on cutting me off. Para bang gusto na talaga niyang seryosohin si Jea." I said. Naiwan kaming lahat nang nakatulala. We all wanna get Kaylee and Darryl together pero ngayon, si Darryl na mismo ang naiwas. After the incident sa restau, gusto ko na lang gumive-up dahil mukhang gusto talaga ni Darryl na seryosohin si Jea. However, nakita ko yung mukha ni Darryl nang sunduin ni Dave si Kaylee kagabi.




Flashback


Tapos na kaming lahat nagdinner and until now, hindi pa rin nagpapansinan sila Darryl and Kaylee. I keep on asking Kaylee if she's okay but she's just nodding. Pero alam kong hindi siya okay seeing Jea and Darryl flirting with each other, or should I say, seeing Jea flirting Darryl and Darryl seems to enjoy it.


"Grabe, ang saya ng filming. Sayang wala si Dave. He seems so cool." Sabi ng isang cast ni Darryl. Wala namang reaction si Darryl sa sinabi niya nang biglang..


"Missed me?" Nagsitayuan lahat nang makita si Dave na nakahabol.


"Sorry, I was late. Nagdinner ako nang mabilis with my parents. I have to take Kaylee home. By the way, hi, Kay." Bati ni Dave kay Kaylee sabay beso. I can't help but to look at Darryl's reaction and still, poker face lang siya.


Maya-maya lang din, nagdecide kami na umuwi na and sasabay na lang kaming tatlo kela Kaylee at Dave.


"I'll see you guys around." Huling sabi ni Darryl bago niya buksan ang pinto ng car niya for Jea. Lahat naman kami, bumati pabalik.


"Tapos na ang filming. Does this mean na we can hang out all the time na alone?" Parang sinadya ni Dave na marinig ni Darryl yung sinabi niya na result naman para tumingin kaming lahat sa kanya including Darryl. Hindi naman agad nakapagsalita si Kaylee.


"For sure." I said and Dave smiled at me. In my peripheral view, kita kong napatingin din si Darryl sa sinabi ko.


"Alright, then tara na para makapagplan agad ng date." Sabi ni Dave and opened his car door for Kaylee. Pumasok na kami nila Ivan sa car ni Dave and kita ko namang nagkatinginan sila Darryl and Dave bago pa ito pumasok sa kanya-kanyang kotse.

Beside YouWhere stories live. Discover now