XX

137 2 2
                                    


Follow @DJmaglipon and read his stories!!! He's got amazing completed and on going stories that you might like. Thank you!


xoxo



WEEKEND AWAY





Kaylee


Today's Saturday..... it means..... It's BEACH TIME baby!!!


Last night, Sophie and Darryl prepared the trip. Akala ko nga nung isang araw, hindi nila itutuloy e but then, they're planning it pala secretly.


"Wag na kayo magdala ng maraming damit. Pwede naman bumili ron." Sabi ni Darryl and I agreed then lumabas na siya ng room namin ni Sophie.


"Sophie, kakasabi lang ni Dada na wag na magdala ng maraming damit, nagdala ka pa rin." Sabi ko and she rolled her eyes.


"Kesa naman sa gumastos pa ako ng pambili ng damit, no. Buti ikaw sugar daddy mo si Darryl--" I cut her.


"Uy, ano ka ba. Baka isipin talaga ni Dada--"


"Ano ka ba, Kaylee. E kahit magdala ka ng damit, kusa kang ibibili doon ni Darryl. That's Darryl when it comes to you. Sayo niya ginagastos yung shares niya sa business ng parents niyo." Sabi ni Sophie. Umiling na lang ako and nagpack pa ng mga damit and dadalhin ko.


Paalis na rin kasi kami mamaya kaya naman nagmamadali kami ngayon.





Natapos ako magpack and I decided na lumabas ng room para uminom ng water.


Pagkalabas ko, bukas ang pinto ni Darryl. I smiled. Guluhin ko nga. 


Dahan-dahan akong pumunta sa room niya when I heard him talking to someone.


"Sorry, Jea. Hindi ko agad nasabi. Biglaan kasi kaya di ko na nasabi." Bigla ko naman naalala si Dave. Kanina ko lang din nasabi sa kanya and gulat na gulat siya. He even asked if Darryl's coming pero sabi ni Sophie, wag ko raw sabihin na kasama kaya naman napilitan akong magsinungaling. Until now hindi pa rin kami nakakapag-usap nang ayos dahil busy din siya sa school and so am I. Simula rin nung bumalik kami dito sa bahay, parang hindi na nag-exist sakin si Dave... and si Jea. It's like, it's just me and Darryl and now, hearing Darryl na nagsasabi kay Jea makes me wanna think back to reality. Darryl's taken, and I'm dealing with Dave.


"No, hindi siya kasama." Bigla akong nacurious sa sinabi ni Darryl. Sino kaya yung sinasabi niyang hindi kasama e nagsabi naman sila Maya and Eldon na sasama silang dalawa.


"Okay. I'll call you." Sabi niya and mukhang tinapos niya na yung call. Instead na pumasok ako para gulatin si Darryl as I planned, I decided na lumabas na lang ng room niya. Hindi mawala sa isip ko si Jea. Sila pa rin pala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beside YouWhere stories live. Discover now