V

55 2 0
                                    

MAIN CHARACTER



Kaylee


"Napakatagal naman ni Darryl. Gutom na ako." Pagrereklamo ko. He promised kasi na mag-uuwi siya ng dinner for us so di kami nagluto.


"May tinapos pa kasi, Kaylee. Ikaw naman miss na miss mo agad e kanina nga lang inihatid tayo." Pang-aasar naman ni Ivan and I made face.


"Ano ba raw tinatapos ni Darryl?" Sophie asked.


"Dun daw sa film na ginagawa niya e. Kailangan niya kasi ng gaganap na main actors para dun sa short film na ginagaw niya but di siya makahanap. Puro busy din daw kasi mga ka-org niya." Naaawa na nga ako kay Darryl. Ilang weeks na siyang nagwowork nang late para lang makagawa ng magandang script then now, wala pa siyang mahanap na actors.


"Bakit di na lang ikaw, Kaylee?" Napakunot naman ang noo ko kay Mark.


"Walang halong biro, Kaylee. Wala ka pa naman nakasched na photoshoot for the next 2 weeks, diba? Edi tulungan mo na si Darryl." Napatingin naman sakin ang lahat,


"Hindi ako magaling mag--"


"Kaylee, may management ka na ngayon and may possibility na makapasok ka sa showbiz kaya wag mong sasabihing di ka magaling umarrte." Sabi ni Ivan and napa-isip naman ako. Kung sa management namin to, for sure baka pagalitan ako kapag tumanggi ako.


"Okay." Nagsitinginan naman sila sakin. Sa totoo lang, naisip ko rin kasi bigla na laging may ginagawang mabuti sakin si Darryl. Hatid-sundo sa school, P.A/driver sa pagmomodel ko, takbuhan ko sa lahat ng problema ko, and pinatira niya kami rito rent-free kaya naman at least kahit sa ganitong paraan, I wanna help him. I wanna help him reach his dreams dahil he does it for me and for us too.


"Okay as in.. okay, papayag ka na maging main character ni Darryl sa film niya?" Gulat na sabi ni Sophie and I rolled my eyes.


"Ano pa nga ba? Kanina niyo pa ako kinukulit don tapos ngayon di niya magets na oo na nga?" Sabi ko and nagulat ako nung maghiayawan sila.


"OMG! Tawagan na agad si Darryl para makauwi na dahil may nahanap na tayong female lead niya." Sabi ni Sophie and agad namang tinawagan ni Mark si Darryl nang biglang magbukas ang pinto. napatingin naman kaming lahat and it's Darryl.


"Darryl! Buti naman nakauwi ka na." Napakunot naman ang noo ni Darryl while he place down the foods for our dinner.


"Bakit? What's up?" Then he brought out his phone and nakitang natawag si Mark.


"Darryl, we found you main character sa short film mo." Sabi nila Mark and mas kumunot ang noo ni Darryl kaya naman pinuntahan ako nila Mark.


"Charan! Darryl, meet your main character, Kaylee. Kaylee, the script writer and the director, Darryl." Nilapitan naman ako ni Darryl habang mukhang natatawa.

Beside YouWhere stories live. Discover now