Hi! Hahaha! Share ko lang, dahil masaya ako ngayon! Alam ko na ang mga grades ko this SEM.! So thankful! Achievement ito! Haha, sulit talaga ang pag-rereview ko. So far, so GOOD!
Anyway, I dedicate this to
@amafoodfreak15
@ simplyJulie17
@ Arlene! (Hi, Partner-in-Algeb. Haha! We made it! Congrats sa atin!XD)
@
Lab 'ya all BABY.!! \\(>_^)//♡♥
Mwahh..!!:-*
TOODLES..!!!
************************************************************************
Chapter 46
Skyzzer Blue's Pov
Everything's in place. 3 weeks na ang nakakalipas magmula ng makipaglaban kami sa BloodSuckers. Tripple xXx Gang, became the rank 1 once again and I'm part of them already kahit na sikreto lang. Matapos ang laban ay naging usap-usapan ang mga nangyari sa Gangster Fight. Di rin nakaligtas ang mga balita tungkol sa katauhan ni Nilfheim, kung sino nga ba ang taong yun. At paano nya natalo ang BloodSucker Gang. Binansagan pa itong 'The Mysterious Phantom'.Madaming nagtatanong at nag-uusisa kung sino ito pero walang nakaka-alam pwera na lang sa Gang. Ofcourse, they wont tell them who is she. In an instant, Nilfheim became the hot topic of the Underground Society. Marami na din ang gusto itong makilala, may nagtayo pa nga ng fan page and fansclub para dito. Nakilala din ito in and out of the country, ganun ka-impluwensya ang R.G.E fight. Even the school, knows what happen. Di lang naman, ang C.U ang may alam kung hindi lahat ng Prestigous School. Maaaring may iilan din sa public pero mas laganap ang balita sa mga Private Schools.
At sa loob ng tatlong linggo ay naging mapayapa naman ang buhay ko, sa tingin ko?-_^ School, Business and The R.G.E are still my top Priority, and I can handle it too well. Tapos na rin ang Midterms at Final Exam for the first sem. And my grades are too good to be true, all were 1.0. We got enrolled 2 days ago via Cole University's Web page, kaya hindi hassle. At ngayong araw naman na mag-sisimula ang 2nd sem.
Wala paring sign ng mga Black Knights hanggang ngayon. But I know, they are recruiting members again, dahil nga nalagasan sila ng kalahati. While Ocsillon on the other hand, is cooperating with us. He is one of the trainors of R.G.E knights para sa magaganap na World War III. May tiwala naman kaming hindi nya kami tratraydurin dahil sa maikling panahon ay nakilala namin ito. Sinabi nya rin sa aming ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa Black Knights Empire na alam nya.
At dahil first day of 2nd sem, nag-desisyon ang Gang na sabay-sabay na lang kami para daw masaya at ng makapag-jamming kami. Pampa-good vibes daw, kasi mag-iistart nanaman daw ang klase. Ma-iistres nanaman daw ulit sila. Magkakasama kaming 10 sa isang Coaster. Maluwag naman ito, kung tatantyahin ko ito ay kakasya pa ang 20 katao dito. Ang ingay nila habang nasa daan pa kami, kanta dito...kanta doon. May dala kasing gitara itong si kyohei kaya nag-sisimula na silang mag-ingay. Nakiki-kanta naman ako pero di yung sobrang lakas gaya nila na tipong bumibirit na at lumalabas ang mga ugat at litid sa leeg.
Ilang sandali pa at nasa school na kami kaya tumigil na sila sa jammingan pero mga hyper parin. Ano nga namang aasahan ko sa mga makukulit na ito diba? Nakailang kilo kaya ng asukal ang nalamon ng mga ito?
I yawn without them noticing it, or so I thought?
" Hey...Inaantok ka pa?" tanong ni abo.
" Yeeeaaahh."-sagot ko na humikab ulit.
" Here, you can sleep at my shoulder."-sabi nya at ipinatong sa balikat nya ang ulo ko. I didn't protest, because I badly need it. Matakaw ako sa tulog, and you all know that. Bukod sa pagkain, pagtulog ang isa sa pinaka-gusto ko. Kaya nga ang bilis kong lumaki eh, atsaka paanong di ako magkukulangan ng tulog, eh alas-kwatro na ako ng madaling araw natulog tapos around 6:45 ba naman ay nasa bahay ko na sila para sunduin ako. Hindi man lang ako naka-kain kaya bangag na nga ako gutom pa ako. 7:30 kasi ang pasok namin ngayon kaya ganun. Nagising na lang ako ng may naramdaman akong tumatapik ng balikat ko.
BINABASA MO ANG
Empress of the Gangsters.! (COMPLETED)
ActionRomance-Gangster/Action and Mystery..( Filipino ) I am a Gangster. Specifically a QUEEN GANGSTER.! I'm not like those SHIT who killed, just to have power and high rank just to be FEARED by other people. I' m COLD to other's that's why, I don't have...