"Coleen saan ba tayo pupunta? Balik na tayo sa hotel" sabi ko dito kasi kanina pa kami naglalakad lakad.
"Teka lang bes, may ipapakilala ako sayo" seryosong sabi nya sakin. Ha? sino kaya?
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Coco and napatigil kami sa isang mini restaurant. Tumitingin tingin lang ako sa paligid-
"Coleen?" sabay kaming napalingon ni Coco sa tumawag sa name nya. Ha? Sino naman 'to? Is that a boy? Nag wave lang si Coleen sakanya and hinatak niya ako papunta sa direction ng tumawag sakanya.
"Teka lang-"
"Hi, Gabb! This is my bestfriend, Amy. Amy, si Gabb sya yung kwinekwento ko sayo" pagpapakilala nya sa kausap nya. Ah I knew it so eto pala yung kasama nya last night hahaha haynako Coleen Trinidad.
"Oh, Hi Amy!" sabi naman sakin ni Gabb. I just smiled at her. Babaeng pogi din sya kagaya ni nevermind tsk.
"Upo muna kayo girls. Anong gusto nyo? order lang kayo, treat ko" sabi naman samin ni Gabb. Tumingin lang ako kay Coco
"No na Gabb kakain lang namin halos" sabi naman ni Coleen sakanya
"Sure ba kayo? Anyway, I want you guys to meet my bestfriend din kaso may kinuha lang sa hotel saglit" sabi naman samin ni Gabb tumango lang si Coleen dito at ngumiti. Ako naman, I opened my facebook account, wala lang, scroll scroll lang ganun.
Jaydee's POV
Pabalik na ako kay Gabb galing ako sa room namin kasi I left my phone. While I'm walking, chineck ko if inaccept na ako ni Amy pero hindi pa pala. Si Coleen nagbigay sakin ng fb acc ni Amy hahaha sshh lang kayo mga panot.
Malapit na ako sa pwesto namin ni Gabb and parang familiar yung kasama nyang dalawang babae nakatalikod kasi sila sakin. I just continue walking papunta sakanila nang biglang lumingon si Gabb-
"Oh, andito na pala si Jaydee eh" sabi ni Gabb. Napatingin naman sakin yung dalawang kasama nya and nagulat ako- Amy and Coleen?!
"Siya yung bestfriend mo?!" oh tingnan mo 'tong isa na to ang sungit sungit na naman hays. Nakita ko naman na patawa tawa lang sakin si Coleen, si Gabb naman tumango lang at ngumiti kay Amy HAHAHA ang sungit na naman po nya ano po
Lumapit ako sakanila and tumabi ako kay Amy kasi yun lang naman yung may bakanteng upuan eh. Pagka upo ko, umisod agad si Amy papunta kay Coleen hays mukha ba akong may virus tss
"So, ipapakilala ko muna sainyo yung bestfriend ko guys" sabi ni Gabb sa dalawa, nakaupo lang ako at nakatingin saknila
"No need, kilala ko na yang bestfriend mong manyak!" pagtataray naman ni Amy, sinaway lang sya ni Coleen. Medyo nagulat naman si Gabb sa sinabi ni Amy pero nagpipigil na sya sa pagtawa I think gets nya na yung sinasabi ni Amy haynako Gabb, umayos ka.
"Lagi ka nalang galit sakin" sabi ko kay Amy. Tinaasan lang nya ako ng kilay nya kaya umiwas na lang ako ng tingin dito.
YOU ARE READING
YOU CHANGE ME BABY (JAYMY)
FanfictionShout out to all JayMy shippers out there! This story is dedicated to all shippers out there but please know our limitations as a shipper. This is just a fanfiction, isipin nyo na lang, we are living in our own imaginations. And please, support MNL4...