11

367 50 3
                                    

After that night, sinimulan na akong ligawan ni Jaydee kahit hindi naman ako sumang ayon sakanya. Well, nasa sakanya naman kasi kung manliligaw sya or hindi diba? I admit na may part kay Jaydee na ka fall fall talaga pero minsan she's acting like an immature person. Why? dahil minsan dumadating talaga sa point na nakikipag away sya sa ibang tao dahil lang sakin. 

I know and I understand na mahal nya ako pero wag naman sana umabot sa point na makikipagpatayan sya dahil lang sakin. 


It's been 2 months na nililigawan nya ako and oo nga pala, nakatransfer na silang dalawa dito sa school namin. Gabb and Coleen getting stronger together kahit na minsan nagkakatampuhan din sila kasi masyadong selosa din yung bestfriend ko na yun. 



Tomorrow magkakaroon kami ng fieldtrip together pero may makakasama kaming taga ibang schools. Well, medyo exciting kasi syempre makakapagrelax relax din kami charot puro activities nga pala gagawin namin dun.


Nakaupo lang ako dito sa may hallway while I'm waiting for Coleen. I texted her na hihintayin ko sya dito sa hallway since sabi nya pupunta daw kami sa mall after. 


"Hi" tiningnan ko kung sinong bumati sakin and si Drev pala. 

He's one of my blockmates and sa tingin ko naman mukhang mabait 'tong taong 'to kaya I just smiled at him and I greeted him too.


"Hello" matipid na sabi ko sakanya pero nakangiti naman ako dito

"Bakit mag isa ka lang?" tanong niya sakin at dahan dahan syang umupo sa tabi ko 

"Uh, hinihintay ko kasi yung bestfriend ko" sabi ko naman dito 

He just nodded and smiled at me

Medyo tumahimik naman yung paligid until-


*boogsh*


Nagulat naman ako nang makita kong sinapak ni Jaydee si Drev kaya napatumba naman ito. WTF. Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. I'm starring at Jaydee at susuntukin pa sana nya si Drev nang biglang pinigilan ko sya-


"Ano ba Jaydee!" galit na sabi ko dito at tinulungan ko pang makatayo si Drev

Nakita ko naman si Drev na nakahawak sa panga nya dahil medyo malakas din ata yung suntok ni Jaydee dito. Tsk!


"What?! Amanda bitawan mo nga yan!" sabi nya at kinapitan yung kamay ko

Tumayo naman si Drev at lumayo nalang samin. I'm sorry Drev.


Inalis ko naman yung pagkakahawak nya sa kamay ko


"Ano na naman yung ginawa mo Jaydee ha?!" galit na sabi ko dito 

"Kaya ba hindi mo ako masagot sagot dahil dun?!" HA?! nagpantig naman yung tenga ko sa sinabi niya kaya sumagot ako dito

"Alam mo Jaydee, first of all hindi naman ako pumayag na magpaligaw sayo diba pero makulit ka kaya hinayaan kita. Stop being an immature Jaydee! Lahat nalang ng makakasama ko, inaaway mo!" pasigaw na sabi ko dito

"I'm just protecting you Amanda!" 

"Hindi mo ako kailangang protektahan sa lahat Jaydee kasi kaya ko yung sarili ko okay?" sabi ko naman at umalis na ako

YOU CHANGE ME BABY (JAYMY)Where stories live. Discover now