10

376 46 2
                                    

"Nandito ako sa condo mo Dong, nasaan ka?" 

Gabb texted me pero hindi ko naman sya nirereplyan pa kasi kakahatid ko lang dito sa subdivision nila Frances. Nakababa na si Frances sa sasakyan ko kaya nag thank you and nag wave na ako sakanya.

She just smiled at me tapos pumasok na din sya sakanila.


I'm on my way pabalik ng condo.

 Kinuha ko yung phone ko para replyan si Gabb

"May pinuntahan lang ako, wait for me there" SENT!









Amanda's POV

It's been 3 days and hindi pa nagpaparamdam si Jaydee sakin ulit. I mean, walang nangungulit na Jaydee sakin. Dapat masaya ako dahil hindi nya ako ginugulo pero may part sa puso ko na namimiss ko yung pangungulit nya. Ganun talaga siguro, baka nagsawa na din. Nevermind. 

Nandito ako ngayon sa condo ko dahil dito na ako dumiretso after ng class ko. Midterms na namin next week at kailangan ko na din mag focus muna sa acads ko. 

Humiga lang ako sa kama ko at saka kinuha ko yung phone ko para mag scroll sa facebook. Wala namang bago kaya inoff ko na ulit ito. Nakakaramdam ako ng bored kaya naisipan kong tawagan si Coleen. 

Calling Coleen Trinidad...

*ring* *ring*


"Yes bes?" bungad naman nito sakin 

"Bes, i miss you! Anong ginagawa mo?" tanong ko naman dito 

"Punta sa condo nila Jaydee. Gabb told me na pumunta daw ako don, ano gusto mong sumama?" sabi naman nya sakin 

Hindi naman ako agad nakaimik kaya nagsalita na ulit sya

"Tara na bes! Wala ka din naman gagawin dyan sa condo mo eh maboboring ka lang" sabi naman nito. She's actually right kaya naman I just said yes nalang sakanya.

She ended up our call and mauuna daw sya sakin kaya hinayaan ko na lang dahil susunod na lang ako.

Naligo naman ako at nag ayos ng sarili ko. Luh, may pinapagandahan yarn? chos HAHAHAHA

After ko mag ayos, ni lock ko na yung pinto at umalis na ako. Nag wave naman ako papunta kila Jaydee dahil hindi ko din kabisado yung way since sumunod lang naman ako kay Gabb that night. 


Nagdrive lang ako and after a few minutes, nandito na agad ako sa harap ng condominium niya.

Inayos ko naman yung park ng sasakyan ko at nagtungo na sa loob. 







Jaydee's POV

"Pupunta yon hahaha" pang aasar na sabi naman sakin ni Gabb kaya napailing lang ako dito 

"Sure ako na pupunta yun Jaydee kaya wag kana malungkot dyan" pang gagatong naman ni Coleen

"Hindi ako nalulungkot no, tumigil nga kayo dyan" sabi ko naman sakanila at umayos lang ako ng upo.

YOU CHANGE ME BABY (JAYMY)Where stories live. Discover now