Hindi ako mapakali dito sa condo ni Jaydee kaya naman tumawag agad ako kay Coleen.
Calling my baby...
"Hello baby! Imissyou!!" bungad agad sakin neto
"Wala si Jaydee dito sa condo baby. I'm so worried and nagpapanicked na ako dito, iba yung kutob ko eh feeling ko umalis sya kaso in the middle of this night?! Wtf." dire-diretso kong sabi kay Coleen
"What?! nawawala si Jaydee?! Hindi ba pinuntahan si Amanda?" Paano makakapunta si Jaydee kay Amanda eh hindi naman non alam yung address ni Amanda. Jusko, saan kaba pumuntang bata ka!
"I don't think so. Hindi nya naman alam location ni Amanda, right?" sabi ko naman dito
"Wait baby, I will call Amy if nandun sakanila" sabi naman sakin ni Coleen.
Magsasalita pa sana ako pero inend nya na yung call hays. Jaydee tangina nasaan ka ba?!
Amanda's POV
Nagising ako dahil tumutunog yung phone ko, I think tawag yun. Hindi ko sana sasagutin kasi iniisip ko na si Jaydee na naman yung tumatawag pero nagkakamali ako si Coleen pala. Ano kaya problema neto at tumatawag nang dis oras ng gabi?
"Hello bes?" sabi ko dito
"Bes, nandyan ba si Jaydee?" tanong naman nya sakin HA AT MAG AANO NAMAN YUN DITO ABER?!
"Bes, kung mang aasar ka lang-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nag salita na agad sya
"Bes, nawawala si Jaydee!!" nabingi naman ako sa sinabi nya HA?! SI JAYDEE NAWAWALA AT SAAN NAMAN PUPUNTA YUN?!
"Wait, wait seryoso ba?" tanong ko ulit sakanya at oo daw seryoso daw sya.
Inend naman niya agad yung call dahil tatawagan daw niya si Gabb if nakauwi na ba or what. Nawala naman yung antok ko bigla. Saan naman pwedeng pumunta si Jaydee ng ganitong oras?
Naghihintay padin ako ng tawag ni Coleen kung anong balita na ba pero wala padin. It's already 11 pm na kaya medyo kinakabahan din ako. Napakakulit talaga ng taong yun tss. Nagbrowse browse lang ako sa phone ko until may nakita akong live sa facebook na may nag rarambulan.
TEKA WAIT, IS THIS JAYDEE?! nakita ko naman sa comments na may nakakakilala sakanya kaya dali dali naman akong tumayo, kinuha ko lang yung jacket nya at dali dali akong lumabas ng kwarto ko. Tulog na sila mom and dad kaya nagdahan dahan lang akong paandarin yung sasakyan. Walangya ka Jaydee kung ano anong ginagawa mo sa sarili mo!
While I'm driving, sinend ko naman agad kay Coleen yung link ng live video at susunduin na daw sya ni Gabb sakanila para sumunod sakin. She also told me na dun nalang daw kami magkita kita sa bar.
Medyo mabilis naman yung patakbo ko since wala na din naman dumadaang ibang sasakyan sa mga oras na ito.
YOU ARE READING
YOU CHANGE ME BABY (JAYMY)
FanfictionShout out to all JayMy shippers out there! This story is dedicated to all shippers out there but please know our limitations as a shipper. This is just a fanfiction, isipin nyo na lang, we are living in our own imaginations. And please, support MNL4...