"Baby, dali picture mo sila habang tulog pa sila dali"
Unti unti ko naman minulat yung mata ko at nagulat ako dahil nakita ko si Gabb at Coleen na nakatayo dito sa harap namin. Nilingon ko naman yung katabi ko at nakayakap sya sakin at nakasandal pa yung ulo nya sa dibdib ko. Wth, I'm dead now.
"Ah eh-"
"Goodmorning bes! Gusto ko lang iremind ka na may pasok na po tayo today po ano po" pang aasar na sabi ni Coleen sakin.
I just raised my left eyebrow at tinanggal ko agad yung pagkakayakap sakin ni Jaydee. Ang harot harot kasi Jaydee tsk.
"Bes, hintayin kita sa dito!" sabi ni Coleen dahil umalis na sila dito sa kwarto.
Nakita ko naman na gumalaw si Jaydee kaya nagdali dali akong tumayo para makaalis sa kama nya pero kinapitan nya agad yung kamay ko. Bat ba ang hilig nito kumapit sa kamay ko.
"Where's my goodmorning kiss po?" nagulat naman ako sa sinabi nya kaya binato ko nalang sa mukha nya yung unan at umalis na sa kwarto.
Napalakas naman yung sara ko ng pinto nya kayang tawang tawa na naman sakin 'tong mag jowa na 'to. Arggg!
"Bes, let's go na. Gabb, una na kami may class pa kami" pagaaya ko kay Coleen at nauna na agad ako umalis ng condo . Hindi pa din lumalabas si Jaydee ng kwarto nya siguro nakatulog na ulit yun.
Nakita ko naman na sumunod na sakin si Coleen kaya sumakay agad ako sa kotse. Sumakay din naman ito agad at tumingin sakin nang para bang nang aasar.
"Bes ano ba wala lang yung nakita nyo" sabi ko agad dito dahil for sure aasarin ako nito
"Ang defensive naman bes hahaha" haynako Coleen Trinidad
Hindi na naman ako umimik dahil alam kong hindi ito magpapatalo sa mga ganitong bagay.
Tahimik naman sa buong byahe dahil napansin ko na tulog naman itong bestfriend ko. Pssh pinagod siguro kagabi ni Gabb charot HAHAHAHA sorry rold. Ano ba 'to kung ano ano na naiisip ko hays.
Naalala ko naman yung nangyari samin kagabi ni Jaydee at parang nadidisappoint pa ako dahil tinulugan nya ako. De, joke lang huhu.
Ginising ko naman itong katabi ko dahil nandito na kami sa village nya. Malapit lang naman yung village nila samin pero mas mauuna madadaanan itong sakanila kaya yeah.
"Bes, gising kana nandito na tayo sa tapat nyo" pagtatapik ko naman dito
"Thank you bes!" sabi naman nito at bumeso sakin bago bumaba ng sasakyan.
"See you at the campus" sabi ko dito at inandar ko na yung sasakyan.
YOU ARE READING
YOU CHANGE ME BABY (JAYMY)
FanfictionShout out to all JayMy shippers out there! This story is dedicated to all shippers out there but please know our limitations as a shipper. This is just a fanfiction, isipin nyo na lang, we are living in our own imaginations. And please, support MNL4...