Agad akong tumayo at susundan si Amy. Nagulat din si Coleen at Gabb nang biglang tumayo at umalis si Amy.
"Ako na susunod sakanya guys. Enjoy kayo dito" sabi ko sakanila. Ngumiti lang naman si Coleen and Gabb sakin. Kaya nagmamadali akong maglakad kasi medyo lumalayo na si Amy. Pasaan ba 'tong babaeng 'to.
"Amy saglit!" tawag ko dito pero hindi nya padin ako nililingon. Dire diretso lang sya maglakad, ah ganon parang walang naririnig ah.
Nang maabutan ko sya, agad kong hinawakan yung kamay nya-
"Amy wait" sabi ko dito pero nakatanggap lang ako ng isang malutong na sampal sakanya
*pak*
Napahawak nalang ako sa pisngi ko, ano bang problema neto.
"Ano bang problema mo ha?!" tanong ko dito medyo nakakapikon na ha
"Ikaw! Ikaw yung problema ko masyado kang epal alam mo ba yun" galit na sabi nya sakin. Nasaktan naman ako sa sinabi nya kaya kinuha ko sa bulsa yung cellphone nya.
"Kung eto yung ikinagagalit mo, sayo na" sabi ko dito pero ramdam ko pa din yung galit nya. Kinuha naman nya bigla yung cellphone nya at nagpatuloy siyang maglakad. Sinundan ko naman sya kasi dumidilim na at hindi din namin alam 'tong way na pinupuntahan namin.
"Amy! bumalik na tayo" sabi ko dito nang mapantayan ko sya sa paglalakad
"Iwan mo na ako, hindi kita kailangan" matigas na pagkasasabi nito sakin at nagpatuloy pa din sa paglalakad.
Hinawakan ko yung braso nya para tumigil sya maglakad. Napakakulit ng batang 'to tsk
"Please bumalik na tayo, dumidilim na oh" kalmadong sabi ko dito. Nagaalala na ako kasi baka hindi kami makabalik neto sa hotel dahil hindi naman namin kabisado 'tong way na to.
"Wala kang pakialam, umalis kana" sabi nya sakin at inalis nya yung pagkakahawak ko sakanya sa braso nya.
"Look, I'm sorry kung bigla bigla kong hinablot yung phone mo without your permission pero sana makinig ka naman sakin please napakababaw mo" sabi ko dito. Tumigil naman sya sa paglalakad nya at humarap sakin. Hindi ko mabasa yung mga tingin nya kasi wala itong reaction.
"Anong sabi mo? Mababaw ako?" seryosong tanong nya sakin. Natatakot naman ako sa mga tingin nya kasi feeling ko anytime pwede akong mamatay sa mga tingin nya
"Oo but-" hindi na natapos yung sasabihin ko kasi bigla nalang siyang umiyak hala may nagawa ba ako?
"Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko, Jaydee" umiiyak sya ngayon kaya lumapit ako para yakapin sya. Inaalis naman nya yung pagkakayakap ko sakanya pero hindi padin ako bumibitaw.
"Umiyak ka lang, makikinig ako" kalmadong sabi ko dito kaya mas lalong bumuhos yung iyak nya. Ramdam ko yung mga luha nya sa jacket ko pero hinayaan ko lang. After 5 minutes, bumitaw na ako sa yakap ko sakanya at umupo ako dito sa malaking bato. Inalalayaan ko naman syang makaupo sa tabi ko dahil umiiyak pa din sya. What happened ba kasi hays
YOU ARE READING
YOU CHANGE ME BABY (JAYMY)
FanfictionShout out to all JayMy shippers out there! This story is dedicated to all shippers out there but please know our limitations as a shipper. This is just a fanfiction, isipin nyo na lang, we are living in our own imaginations. And please, support MNL4...