Its been 3 days na walang paramdam si Jaydee sakin kaya naman super naguguilty na ako dito sa condo ko. Nakauwi na kami from our school's fieldtrip at isa lang masasabi ko sobrang pagod namin. Akala ko naman mag eenjoy kaming mga students pero mali pala.
Nakahiga lang ako saglit dito sa kama ko habang inaalala yung napag usapan namin ni Gabb.
FLASHBACK
Nakaupo lang ako dito sa swing habang nakatanaw sa view. Naramdaman ko namang may tumabi sakin kaya napatingin ako dito-
"Gabb?" sabi ko dito
Ngumiti naman sya sakin at bahagyang umupo sa tabi ko
"Kamusta Amy? Kamusta kayo? Sorry kung nakikichismis ako pero kasi ramdam ko na may problema kayo ni Jaydee. Ni hindi nya kasi sinasagot calls ko tapos hindi nya din ako nirereplyan" dirediretsong sabi nito sakin.
Napabuntong hininga na lang ako dito bago sumagot sakanya
"Nagkaroon kami ng away Gabb bago tayo pumunta dito sa fieldtrip natin" sabi ko sakanya
Kwinento ko naman sakanya yung yung nangyare at tumatango tango lang naman ito. Halata sakanya ang pakikinig sa kwento ko.
"Pagpasensyahan mo na si Jaydee, Amy. Na trauma kasi yun sa ex nya" sabi sakin ni Gabb.
Nagulat naman ako sa sinabi nito kaya na curious ako. May ex pala siya? Well hindi ko naman kasi nakakausap si Jaydee about dun.
"Dati hindi mahigpit si Jaydee sa mga nakakasama nung ex nya dahil sobra sobra yung tiwala nito sa mga nakapaligid kay Madong" Madong?
"Until isang araw ayun nabalitaan na lang nya na sinulot pala nung kaklase nya si Madie. Sobrang down na down that time si Jaydee. Like as in nagwala sya dun sa classroom nila pero wala naman syang nagawa eh kasi pinili din ni Madie yung kaklase nila"
"Pero diba nasa tao naman yun kung magpapasulot siya or what?" sabi ko naman dito
"Yep pero natrauma lang siguro sya kaya sya nakikipag away sa iba pagdating sayo" patuloy na sabi ni Gabb
"Eh Gabb kasi ayaw ko ng mga away ganyan. Oo sabihin na natin na gusto nya ako or mahal nya ako pero hindi padin yun sapat na rason para humanap sya palagi ng gulo" sabi ko naman dito.
"Tama ka Amy" nakangiting sabi ni Gabb
Tumango lang ako dito bilang pagtugon ko.
"Sobrang napamahal na sayo si Jaydee, Amy. Palagi nya sinasabi sakin na magbabago na daw sya para sayo pero wala eh hindi nya talaga mabago yung attitude nya pero it does not mean na hindi ka nya mahal kasi sobrang mahal ka nya"
Hinahayaan ko lang magsalita si Gabb
"Mahal mo ba yung bestfriend ko Amy?"
Lumakas naman bigla yung tibok nang puso ko sa tinanong sakin ni Gabb.
"Or mahal mo lang sya kasi sya palagi yung nandyan para sayo?"
Tumayo naman si Gabb at tinap nya yung balikat ko.
"Wag kang mag alala hindi mo naman kailangan sabihin sakin yung sagot dahil dapat ikaw mismo sa sarili mo yung sasagot ng tanong ko"
YOU ARE READING
YOU CHANGE ME BABY (JAYMY)
FanficShout out to all JayMy shippers out there! This story is dedicated to all shippers out there but please know our limitations as a shipper. This is just a fanfiction, isipin nyo na lang, we are living in our own imaginations. And please, support MNL4...