Chapter V (I)

4K 25 1
                                    

Hindi naman siguro siya ang pinakamalungkot na dito 'no? Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga ikinuwento ni Lendon kagabi. He must be really tired and lonely.

Ano bang oras na?

Mula sa aking pagkakahiga ay inabot ko ang aking cellphone na nakapatong sa mesa.
5:00 a.m, napaka-aga ko naman ata ngayon.

Bumangon ako at nagluto ng almusal. Nagbati ako ng dalawang pirasong itlog, nagsangag ng kanin , at nagprito ng isang hotdog. Binuksan ko ang bintana, may kadiliman pa sa paligid at makikita mong abala na ang mga tao sa paligid. Nagtimpla ako ng kape at naupo sa tabi ng bintana dala ang aking plato.

Ano na ang plano ko ngayon?

I promised myself to stop doing some alter stuff, saan na ako pupunta? Mahigit walong buwan rin mula nang simulan ko ang pagbubukas ng alter, mukhang maninibago ako nito.

*Notification Pop*
Cute_UnclePH : Goodmorning, cutie.

Awwwe? May pa goodmorning message ? Ibinaba ko ang aking cellphone at nagpatuloy sa pagkain.

*Notification Pop*
Cute_UnclePH: Kumain ka na?

Matapos kumain ay dumiretso ako sa banyo para maligo at mag-ayos para sa trabaho.

***

7:00 a.m

"Ang aga mo ata ah," bati ni Grace na papasok pa lamang sa shop.

"Well," nakangiti kong sagot habang nagpupunas ng mga mesa.

"Maganda ang mood? Naku, sino nagpapangiti d'yan?"

"Agad? Wala naman, gusto ko lang simulan ang lahat sa isang simple at payapang umaga."

"Oh, sige. Sabi mo, e."

Habang nag-aayos ng mga stocks, narinig kong muli ang pagkalansing ng mga nakasabit sa pintuan. Pasekreto akong sumilip upang tingnan kung sino, isang babae. Napangiti na lang ako at bumalik sa pag-aasikaso.

Nang matapos sa paglilinis ay nagtungo ako sa kusina para maghugas ng mga gagamitin. Dinukot ko ang aking cellphone sa bulsa,  tiningnan kung may chat o notification mula sa Twinder ngunit wala.

"Client lang 'yon, Asia," I whispered.

Sumunod sa akin sa loob si Grace para naman kunin ang walis. Pero hindi ko alam kunh bakit, basta napatanong na lang ako sa kanya.

"By any chance, may kilala kang Benjamin? Like last name 'yon ah."

"Benjamin? Sa Politics ba? Meron , 'di ba Governor 'yon? George Benjamin ? Owner ng Meylville? Why?"

"Wala naman, naitanong ko lang. May pamilya na ba 'yon?"

"Oo, ang alam ko Doktora ang asawa noon tapos may isang anak? Kaso hindi ko kilala 'yong anak since nasa abroad ata. Ewan ko ba, bakit nga walang nakakakilala sa anak noon. Bakit ba kasi tinatanong mo?"

"Wala nga, ang kulit Grasya ah. Pero-" hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay umimik na siya.

"Pero ? Pero? Tapos wala? Asia, huwag mo kong ginogood time ngayon baka ipawalis ko sa'yo ang buong plaza, makita mo."

"High blood mare?"

"Che!" Sabay alis niya sa kusina.

Bumalik ako sa paglilinis ngunit ilang minuto pa ay nagmamadaling bumalik si Grace at hinawakan ako sa magkabilang braso at niyugyog ako. Nakakahilo!

"Ano ba ? Ang sakit ah," ingit ko.

"Kabit ka ba ni Gov? Omg! Bakit ka interesado? Kabit ka ba niya? O ano? SAGOOOOT!" pagsigaw niya sa akin.

"Masasampal kita, tumigil ka!"

"KABIT KA BA????" pagpapatuloy niya.

Walang anu-ano'y nag-init ang palad ko at naihampas ko sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ng laway dahil sa kaba.

"S-sorry, sabi ko stop ka na,eh."

"Ang sakit ah, grabe ka naman. Pero kabit ka ba? Gusto ko lang naman malaman." naiiyak niyang sambit.

" Gaga, tuloy ka pa talaga? Hindi ako kabit. Kung kabit ako noon sa tingin mo magkasama tayo dito? Baka hindi na ako pinagtatrabaho noon," paliwanag ko. Tumayo siya at mataray na lumabas ng kusina..

Gaga, nasampal ka tuloy. Oa ka masyado ,e.
Nabigla lang din naman ako at nastress sa pagsigaw niya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko.

Bakit nga ba kasi naitanong ko pa 'yong Benjamin? Again, client lang 'yon Asia. I opened my Twinder again and look for his profile. Wala namang picture, walang kahit anong impormasyon na nagtuturo sa kaniya.

But mayroon siyang post  noong nagdaang buwan, "I'm sad." Hmmm? Sad boy ng twinder?
Oh wait, may post rin siya last last month, "Tito na ako, my pamangkin looks cute sana magkababy na rin ako hehe, joke lang Lord."

Ok? So this guy is something.  Cute, matangkad, maganda ang katawan, makinis, tapos mayaman at mahilig sa baby. Hmmm? Ideal guy ng mga babae, and before I forgot, singkit nga pala ang mga mata niya! Gosh! Tapos thin lips! Yes! Lendon exists.

Kung ako sa mga magulang nito'y hindi ko siya ikukulong sa Meyville. Ipapangalandakan kong anak ko siya sa sobrang pogi niya. Bakit nga kaya ganoon ang mga magulang niya? Masyadong istrikto, ganoon ba talaga pag mayayaman? Kasi sa amin nakaabot na nga ako ng Taguig o galing probinsya, hindi ako pinagbawalan.

Milking Series : AlterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon