Chapter V (III)

3.7K 29 7
                                    

"Siguro mas okay na nga ito kesa magnakaw pero alam mo 'yon, pinandidirihan pa rin ang mga sex workers." dagdag ko.

"Pinandidirihan? 'Yan pa rin ang bagay na hindi ko maintindihan. Mahal na mahal ng mga tao ang Porno, gustung-gusto nila 'yong mga babaeng tinitira ng mga lalaki, they love the idea of fucking. Tapos ang tingin nila sa mga sex workers,  cheap? Dirty? Makasalanan? Duh? I'm not saying na normalize having sex with everyone ha, pero minsan let's ask ourselves kung anong rason bakit ginagawa ng tao 'yon? And ask ourselves kung bakit tayo nanonood ng porn if ayaw natin ng idea ng sex workers? Impokrito, tapos pagpapalabasan nila 'yong videos at pictures ng sexy stars? Kainin na lang nila tamod nila para hindi sila makakasalanan."

"Relax mare, nagets ko point mo. Tama ka rin nga naman, pero naisip ko na rin namang tumigil. Focus na lang ako sa buhay single, papakain ng alagang pusa tapos-" hindi pa man ako tapos ay sumingit na siya.

"Papakain ng alagang pusa o ipapakain yang pusa mo? Magkaiba 'yon. Sayang 'yan pag naluma at hindi napapasukan, nagsasara," biro niya.

"Skye, 'yong saging mo nga hindi ko naman pinuna noong nalaman kong bottom ka naman. Sinabi ko bang mas may sense pa ang sanga ng puno ng kamatis kesa sa batuta mo ?"

"Buntisin na lang kaya kita bes?"

"Alam mo kadiri ka Skye. Sa liit niyan baka kabag lang mangyari. Sa halip na manganak ako e mentol oil ang ibigay sakin para ipahid sa tiyan ko dahil sa sakit ng tiyan," sagot ko na may halong pandidiri.

Matapos kumain ay naglakad-lakad kami sa plaza pabalik sa shop. Dumidilim na rin ang paligid, nagbubukas na ang mga ilaw sa daanan. Matagal-tagal na rin mula ng huli kong nakasama si Skye, nakakamiss.

Siguro siya 'yong kaibigan ko na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko.

Kaliwa't kanan ay may mga magkakaparehang naglalakad, mga sweet na nagdedate. Walang pinipiling edad, may bata at may matatanda. Lahat inlove, ako ito hindi alam kung saan pa magsisimula.

Ramdam ang lamig ng paligid, sana sa sunod 'yong taong makakasama ko na habang buhay ang kasama kong maglakad sa lugar na ito.

Hinawakan ko sa kamay si Skye at nagkatinginan kami, ngumiti siya. Komportable naman na kami sa isa't-isa kaya walang malisya ang ganitong bagay.

Sa totoo lang guwapo rin si Skye. Matangkad, maputi, may lahing Japanese sa side ng mother niya, mabango, at higit sa lahat ay mabait. Kung naging lalaki 'to baka magpaligaw ako. Pero mabuti na ring naging bakla siya, para may sister ako.

Kumawala siya sa pagkakahawak ng aming mga kamay at inakbayan ako. Lalo akong nagmukhang maliit pero hayae na, ramdam ko namang ligtas ako.

Naupo kami saglit sa bench at sabay huminga ng malalim, ramdam ang pagod ng mundo. Pinapanood ang mga dumadaang tao. Sa pagkakataong 'yon ay binuhay ko ang aking cellphone, hindi ko namalayang mabilis tumakbo ang oras, alas otso na pala ng gabi.

*Cling!* Notification Pop

Cute_TitoPH : Nasan ka na?

Hindi ko na nareplyan pa si Lendon nang agawin ni Skye ang cellphone ko. Buti na lamang at napindot ko ang Off button bago niya ito tuluyang mahigit.

"Sino naman ang kausap mo?" tanong niya na may halong pangungulit.

"Wala 'no," niyakap ko siya ng mahigpit at ipinikit ang aking mga mata.

"Hay naku Asia, kung papasok ka sa relasyon, sana ito na 'yong taong kahit masaktan siya ay handa pa ring magmahal. At sana ito 'yong tao na kahit masaktan ka ay bibigyan ka pa rin ng rason para mahalin siya. Kasama naman sa relasyon ang away at bati, pero ang ma-fell out of love? That's another story," he sighed. 

Sabay naming pinapanood ang mga bituin sa kalangitan. Hindi ko na ramdam pang muli ang lamig. Nakayakap ako sa kaniya habang siya naman ay naka-akbay sa akin. Yes, normalize hugging your friends.

Milking Series : AlterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon