Chapter Two (I)

6.6K 27 1
                                    

Alas otso na ng umaga at nasa biyahe pa ako papunta sa shop. Ilang gatong na mura kaya ang aabutin ko nito kay Grace? Alas syete dapat ay nakapagbukas na kami. Pero he'to ako, kalalabas lamang ng condo.

Hindi sa akin, sa client ko.

Sana nga sa Condo na lang ako nakatira.

Habang sakay ng pampasaherong jeep ay ibinulatlat ko ang aking bag at kinuha ang aking salamin at suklay. Hindi na ako nakapag-ayos bago lumabas kaya dito na lang. Akalain ko ba namang makakatatlong rounds kami? Ramdam ko ang pagod at pangangalay ng katawan ko.
Gagong 'yon, sabi madali lang daw. Hindi naman niya sinabing uhaw na uhaw siya, sana man lang nakapagwarm-up ako.

Trenta minutos pa bago ako nakarating sa paruruonan. Bumaba ako sa tapat ng shop at sumalubong na agad sa akin ang nakakunot na mukha ni Grace. Salubong ang kilay nito at nakapamay-awang. Parang bulldong.

"Grasya, sorry na."

"Isusumbong na talaga kita kay Boss, hindi ko na alam ang gagawin pa sa pagkapasaway mo. Pinayagan na kitang mag audition kahapon tapos di ka na bumalik, ang ending mag-isa ako hanggang sa mag-sara."

"Oy, grabe naman 'to. Hindi na mauulit, promise."

"Sadyang hindi na mauulit dahil last warning mo na 'to, akin na nga ang susi. Baka sa'yo ko pa ipasok 'to sa inis ko."

"Ayiiieeh, next time mo na ako isumbong Grasya."

Ganiyan si Grasya, madada pero mabait naman. Mabait siya sa paningin ko hanggat hindi pa siya nagsusumbong. Maligalig, ano bang aasahan mo sa 45 years old na kulang sa dilig? Mainit ang ulo, siguradong tagtuyo't na sa paraiso nito.

"Smile na , sige ililibre na kita mamaya ng Lunch," sambit ko.

Tumingin siya sa akin at itinaas ang kaliwang kilay, "Sige na nga." Sabay ngiti nito.

Napakadali niyang paamuhin, parang nagtatampong tuta lang. Hainan mo ng buto, magbabago ang mood.


*****

"Yes ma'am? Ano po sa kanila?" nakangiti kong tanong sa costumer.

"Isang red velvet milk tea nga sa akin," sagot niya.

"'Yon lang po ba?"

"Oo, 'yon lang. Thank you."

"Sige po ma'am, upo na lang po muna kayo. Prepare lang po namin. Thank you po!"

Habang naghahalo ng milktea ay lumapit si Grace sa kinatatayuan ko at sumandal sa pader.

"Pagod ka? Ayos ka lang ba?" she asked.

"Medyo," sagot ko.

"Ako na d'yan, pakuluan mo na lang 'yong mga Tapioca sa loob."

"Seryoso ba?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Dali na bago pa magbago ang isip ko." She rolled her eyes on me .

Nagmadali akong pumasok sa kusina at kinuha ang Topioca pearls sa loob ng fridge. Habang naghihintay sa pagkulo ng nakasalang ay naupo ako sa isang gilid at napabuntong hininga.

"Ano bang plano ko sa buhay ko? Hays!" Hindi pa rin mawala sa sarili ko ang inis sa paulit-ulit na pagtakbo ng katutuhanang kung saan-saan ginamit ang perang pinapadala ko.

Nagpapakahirap ako tapos ganito? Wala na bang mas magandang balita?

"Asia! 'Yong pearls? Okay na ba?" sigaw ni Grace.

Grabe talaga makasigaw 'to. Kalma, isang pader lang ang pagitan natin.

"Pinakukuluan pa po madam!" sagot ko sa kaniya.

Patago kong binuhay ang aking cellphone at binuksan ang aking Data Connection.

"Maria? Puwede ka ba uli
bukas? Nagustuhan ata
performance mo."

"BLOCKED."
You blocked this user.


Sorry, pero hindi ako umuulit. Isa 'yan sa mga panata ko. Hinding-hindi na ako uulit sa isang kliyente. Bakit? Naniniwala akong hindi na ganoon kasaya at kaexciting ang performance pag padalawang beses na. Hindi na siya surprise , walang thrill.

So sorry, I have to block you.
Pero 10k din 'yon, hmmm? NO. ASIA, mag-isip ka nga ng ayos.

Isa pa, hindi ka puwedeng umulit sa isang tao dahil diyan maaaring mabuo ang kakaibang koneksyon. Hindi ka puwedeng maattach sa kliyente mo, isipin mong mayaman sila at ikaw ay isang hamak na -

Haist, alter.

Ano ba Asia? Kung anu-ano na naman iniisip mo.

"ASIA! 'YONG PEARLS!"

"Malambot na! SAGLIT!" sagot ko.

Milking Series : AlterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon