Chapter V (II)

3.5K 21 4
                                    

Isang chat pa nito sa akin rereplyan ko na talaga. Kaso magpipitong oras na ay hindi na niya sinundan pa ang pagbati sa akin.

Hayyyyy Asia! Aasa pa ba? Saglit, bakit ba kasi naiisip ko siya? Walang ibang ibigsabihin 'yon, naaawa lang ako sa kalagayan niya.

Pero mas nakakaawa naman ata ang kalagayan ko.

*Cling!* Notification pop!

Cute_TitoPH : Busy ka mamaya? Inom tayo? Meyville hotel, 025.

Hi? Medyo busy lang kanina
kaya di nakareply agad.

Oh, sorry. Up for a drink?

Akala ko ba bawal
sa'yo ang alak?

I'm lonely. Siguro naman
counted na rason 'yon. Lol.

Hmmm. Let's see.

Ok, 1000 per hour?

Gagi haha. Hindi naman
sa pera 'no.

Come on? 1500?

So ilang oras na lang?

Open hour?

***

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang kausap siya sa chatbox. Hindi ko alam pero nakikita ko ang mga ngiti niya sa pagkakataong ito.

CRING.... CRING....
SKYE CALLING...

"Hello beks? Napatawag ka?" tanong ko.
"Beks, free ka? Kain tayo."
"Skye? Nasa Pinas ka na?"
"Mag-aaya ba ako kung wala? Ano video call ? Mukbang? Ganurn? Gaga nasa Pinas nga ako, actually nasa labas ako ng shop niyo."

Agad kong pinatay ang tawag niya at nagmamadali akong lumabas. And there he is, standing in fron of our shop.

SKYEEEEEEE!!!!!!

Skye is my bestie. Yep, he's also an Alter. Let me correct, former Alter. He's bisexual, 25 years old, the former "Sexyguy008" twinder user. Magkaibagan na kami for almost 5 months? I think. 

Nagpaalam ako kay Grace na sasamahan lamang saglit si Skye at sa kadahilanan na wala rin namang masyadong tao ay pinayagan niya ako. So we went to our favorite "Goto House", ang "Chupchup to the Bones". Dito kami unang nagkita noong unang beses na nag-eye ball kami. Plano namin noong gumawa ng Sex Video, collaboration naming dalawa para sa online content kaso noong nagkita kami ay mas malambot pa siya sa susong sinupsop ng sampung beses. I can't fuck with him and he can't fuck with me so naging besties na lang. No fucking happened. I guess may magandang naidulot ang kaartehan naming dalawa .

He admitted na pinapanood niya ang videos ko before thinking na straight siya pero when he experienced being banged by a guy, doon niya narealize na kaya niya pinapanood ang videos ko ay para makakuha ng techniques. Wait, let me clear it out ah! Ang videos na tinutukoy ko ay me dancing wearing thin clothes and mask, walang ibang ginagawa kung hindi sumayaw. Nothing more, nothing less.

Naupo kami sa magkabilang gilid ng mesa. Halata sa mga ngiti ay labis na saya at pagkagalak.

"So anong balita bakla?" tanong niya sa akin.

"Sa akin? Wala ganoon pa rin. Sa shop, staff. Nothing's new. Ikaw? Sa'yo anong balita? Asensado ka na ah, nakarating na ng Canada. So anong plano?"

"Inaaya na ako ng Paolo ng kasal, kaso sabi ko huwag muna."

"Anong huwag muna? Ano pa bang inaantay mo? Mabuntis ka? Kabag lang mangyayari sa'yo," biro ko sa kaniya.

"Dzai, kasi naman. Napapaisip ako, sobrang active namin sa sex. Nakakapaisip na minsan, nakakasawa kaya 'yon. Lahat ata ng style nagawa na namin. Dogstyle? Cow girl? Pati nga bat style e ," paliwanag niya.

"Bat? Bat style? Bago 'yon ah, tradisyon ba 'yan sa abroad?"

"GAGA! Nakasabit ka habang tinitira,"  sabay tawa ng malakas.

"HOY! Gago, ano ba 'yon. Ang baboy! Na ek-ek ka din ba? 'Yong parang paniki talaga? Na ek-ek-ek ,ganurn? HAHAHA!" Hindi ko mapigilan ang mabulunan sa sobrang pagtawa.

"Pero seriously,  hindi ko pa nakikita ang sarili ko na ikakasal sa kaniya ,e. Parang hindi na ako masaya, parang sa una lang. Oo nga jackpot na ako sa kaniya. British siya, sobrang gwapo, business owner, mahal ako, malaki ang saging, kaso hindi ko alam bakit hindi ako masaya."

"Kaya ka ba umuwi dito?" I asked.

"Parang ganoon. Umuwi ako para hanapin ang sarili ko. Siguro sa sobrang hardcore niya humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko. Grabe, kakaiba ang trip niya Asia, minsan gusto niyang nakamedyas akong puti tapos isusubo niya 'yong medyas na pawisan after namin mag-sex. Sobrang hype ng fetish niya na minsan itatali niya ako sa paa at kamay tapos patutuluan ng kandila ang mukha ko, ano ako? Tinatawas? May sapi? Nanuno?" kuwento niya.

"Eh di ba 'yan ang pangarap mo noon? Gusto mo 'yong lalaking wild na kakawawain ka sa kama?"

"Oo pero ewan, sa sobrang wild niya parang mamamatay na ata ako. Baka one day gumising ako na may fetish na rin siya sa mga patay at isunod na niya ako, pero mahal ko."

Natigilan ako sa sinabi niyang, "Pero mahal ko."

Kahit gaano ka nga naman nahihirapan sa isang tao, kung mahal mo hindi mo maitatangging mahal mo.

"Kaya nga umuwi ako para hanapin ang sarili ko, para bumalik kami sa dati . Sa panahon na masaya ako sa kaniya. Ngayon kasi kung tatanungin ako, mahal ko na lang siya pero wala 'yong saya."

Ayaw ko namang mapalitan ng lungkot ang paligid namin kaya binasag ko ang emosyon.

"Alam mo kumain na lang tayo ng Goto muna bago pa magmukhang namuong tamod ang sebo nito, " biro ko.

Habang kumakain kami ay nagtanong muli siya.

"Ikaw ba? Anong plano mo? Nasaan ka na ba?" tanong niya.

"Sa tapat mo, saan pa?"

"Gaga, I mean, saang part ka na ng buhay mo? Huwag puro finger, humanap ka rin ng talong na papasok d'yan."

"Ah, hmmm. Gago!" Huminga ako ng malalim bago itinuloy ang pagsagot, "Si kuya nakabuntis. So stop na ako sa pagwowork para sa pagpasok niya. Sayang lang ang pagod ko. Sa jowa naman, wala ako. Sino ba namang magkakagusto sa akin? Pinasosyal na puta lang naman ako, puta na marunong gumamit ng Twinder. Other than that wala na,"

"Asia, alters and sex workers are not just dirt on earth. Imagine, ilang pagpapadala ang nagawa mo dahil sa pag-Alter? Malaking bagay ang naitulong ng mga perang 'yon. Hindi ko sinasabing tama ang ginagawa natin pero sino bang magsasabing mali? Sa hirap ng buhay mas ok na 'to kesa sa magnakaw at pumatay."

Milking Series : AlterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon