Chapter Three (II)

5.1K 25 3
                                    

"Sir, ito na po." Nakangiti kong dinala sa kaniya ang mga pagkain.

"Sige, salamat. Kain na rin kayo, tanghali na oh," anyaya niya.

"Sige po, salamat. Eat well, huwag magpapagod. Ingat lagi, I miss you." Nagtatakang tumingin sa akin si Xyron, "Char!" pagbawi ko.

CRING.... CRING...... CRING...

"Sige, sir. Thank you po." Naglakad ako palayo at tiningnan ang cellphone ko. Dumiretso ako sa kusina para sagutin ang tawag.

-Nanay Calling..

"Hello? Nay, ano po 'yon?" tanong ko.
"Ang kuya mo kasi... Uhmm, ano.."
"Tuition? Pang uniform? Ano po?" panghuhula ko sa sunod niyang sasabihin.
"Nakabuntis," sagot niya.

Nasamid ako sa sarili kong laway matapos marinig ang sinabi ni Nanay. Halos ipawarak ko na ang lahat ng butas ko, kulang na lang pati ilong papasukan ko na tapos makakabuntis lang ang gago? Pinilit kong itaguyod ang pamilya namin pero bakit ganito? Nangingilid na ang luha ko pero ikinalma ko lang ang aking sarili.

"Ilang buwan na daw 'yong dinadala ng gf niya?"

"Paanakin na,itinatago lang pala nila noon pa. Kaya pala malaki na ang tiyan pag napunta dito sa bahay, hindi ko naman alam."

"Nay naman, pano 'yong mga pinapadala ko? 3 years na si kuya sa college pero hanggang ngayon nasa 1st year pa rin siya? Tapos nakabuntis pa, ano na lang ang plano niya? Ititigil na ang pag-aaral tapos? Ang daming nasayang, nag-iisip ba ang kumag na 'yan?" naiinis kong sambit.

" 'Yon na nga e, paanakin na anak. Puwede kayang makahiram muna ng pera para maipambayad sa Hospital?"

ANO???? Hanggang dito ba naman sagot ko pa rin? Lang hiyang buhay 'to oh, patayin niyo na lang kaya ako?

"Sige, papadala ako bukas." Pinatay ko na ang tawag.

Napasandal ako sa dingding at napabuntong hininga. Ano pa nga ba? Mag cash advance na lang ako. Baka may natitira pa sa sahod ko.

*Cling! CLING! CLING! CLING!* Hindi ko alam na aksidente ko pa lang nabuksan ang Data Connection ng aking cellphone. In just one click,  sunud-sunod na notifications ang umalingawngaw sa paligid.

User0221:         Miss kita tayo?
DaddymHoo:   Miss, magkano?
Sugardady001:Miss? Collab?
Kiddo01:           Maria, Idol po kita.
Gangztsa:          Maria sana mapasok kita.
Lust006:             Maria, wet ka?

Username:
Cute_TitoPh , "Are you up for tonight?"

Mag cash advance? O alter? I guess, ito na lang talaga ang buhay ko.

"Sige, puwede ako
mamaya. 10k?
Kaya? 5 hours."I replied to
Cute_TitoPh (Twindler Username)


"Sige, saan kita
sunduin? Iba trip
ko ah," mabilis niyang reply.

"Ako na lang punta
sa'yo,  anong room ba?
Kahit naman anong trip mo
sasakyan ko."

"Meyville Hotel,
room 025. 6 p.m?"

"Deal?"

"Deal. Matagal na kitang
gustong makita,e. Kahit isang
gabi lang sana."

"Sige, later na lang."

"Yeah, that's my girl.
See you later."

Siguro kailangan ko nang ipahinga muna ang sarili ko. Napapagod na ako, ito na ang huling alter costumer ko. Ayoko na rin, total mag-aasawa na rin ang kapatid ko, siguro oras naman para piliin ko ang sarili ko. I will be signing off as an Alter after this client.

"Miss bayad po," Napasilip ako sa bintana ng kitchen at nakitang nag-aabang sa counter si Xyron. Agad akong lumabas at hinarap siya.

"Tapos ka na?"

"Yeah , the food is great. Thank you," iniabot niya sa akin ang saktong bayad at naglakad na palayo.

Naiwan sa kinatatayuan ko ang napakabangong amoy niya. Ang sarap sa ilong, sumasagad hanggang sa utak, lalaking-lalaki.

Lumipas ang maraming oras at kinailangan na naming magsara. Nagpaalam na kami ni Grace sa isa't-isa dahil magkaiba kami ng dinadaanan pauwi.
Habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada, kapansin-pansin ang pagkatahimik ng paligid. Lumalamig na ang simoy ng hangin, magpapasko na nga.

Nang makauwi sa bahay ay agad akong naligo at naghanap ng maisusuot. Wala akong mapili. Humarap ako sa salamin, then I saw my naked self.

Masaya ka pa ba? I can't help but to asked myself.
Maraming trabaho d'yan bakit nag-aalter ka? Kasi dito madali ang pera? Kasi ito 'yong walang educational related requirements? Kasi ito lang ang kaya ko?

You are more than this Asia, you are greater than this.

"Ano ba Asia? Stop contradicting yourself nga, last mo na ngang client 'to di ba? Tiisin mo na lang," naiinis kong sambit sa repleksyon ko.

Isinuot ko ang pulang backless fitted dress at pulang heels na binigay ni Grace. Inayos ko ang aking buhok, nagpabango , at ipinahid ang pulang lipstick sa aking labi.

"See you later , Asia."

Milking Series : AlterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon